Tirik na tirik ang araw. Ramdam ko ang hapdi ng init sa balat ko, parang tinutunaw nito ang natitira kong lakas. Pero sa kabila ng pawis na tumutulo sa noo ko at sa init ng sementong inaapakan ng manipis kong tsinelas, nanginginig ako sa lamig.
Ang lamig-lamig ng buong pagkatao ko. Para akong bangkay na naglalakad, pinipilit na lang huminga dahil hindi pa tuluyang humihinto ang puso ko.
Nakatayo ako sa harap ng dambuhalang bakal na gate ng mga Salvador. Ang bawat rehas, matayog at matalim, ay tila nagbabanta na durugin ako kung susubukan kong lumapit.
"Kuya Berting... parang awa niyo na," paos na pakiusap ko. Halos wala nang boses na lumalabas sa lalamunan ko dahil sa ilang oras na paghihintay at pagmamakaawa.
Nakasilip lang si Kuya Berting sa maliit na awang ng gate. Siya ‘yung guard na dating binibigyan ko ng meryenda tuwing hapon. Siya ‘yung dating bumabati sa akin ng ‘Good morning, Ma’am Laura’ na may kasamang ngiti. Pero ngayon, hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. Nakayuko siya, parang hiyang-hiya, pero nananatiling matigas ang ekspresyon.
"Ma’am Laura... umuwi na po kayo," mahina niyang sabi, pero rinig na rinig ko ang awa at ang takot sa boses niya. "Mahigpit po ang bilin ni Señora Margaret. Bawal na bawal na po kayong papasukin. Kapag nakita kayo dito, ako po ang mawawalan ng trabaho."
Napahigpit ang hawak ko sa mainit na bakal ng gate. Ang mga daliri ko ay namumuti na sa diin.
"Kuya, kailangan ko lang makausap si Devon," humihikbi kong sagot. "Asawa niya ako. May karapatan ako. Hindi pwedeng ganito lang ‘yon. Hindi pwedeng itapon na lang nila ako na parang basura pagkatapos ng ginawa nila sa anak ko!"
Umiling si Kuya Berting at dahan-dahang isinara ang maliit na bintana ng gate.
The sound of the lock echoing felt like a gunshot.
Wala na. Sarado na.
Pero hindi ako pwedeng umalis. Hindi pwedeng ganito lang ang katapusan. Ang sakit sa puson ko ay bumabalik, kumikirot kasabay ng bawat t***k ng puso ko, pero mas masakit ang isipin na nagpapakasaya sila sa loob habang ako ay nagdurusa dito sa labas. Habang ang anak ko... ang anak ko ay wala na.
Bumwelo ako ng hangin. Inipon ko ang lahat ng galit, sakit, at pagkadurog na nararamdaman ko.
"DEVON!"
Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong subdivision. Ang boses ko ay basag, parang hayop na kinakatay.
"DEVON! LUMABAS KA DIYAN! HARAPIN MO AKO!"
Yumugyog ang gate sa lakas ng pagkalampag ko. Wala na akong pakialam sa itsura ko. Ang buhok ko ay sabog-sabog, ang damit ko ay gusot at luma, at ang mukha ko ay siguradong namamaga na sa kakaiyak. May ilang sasakyan na dumadaan, bumabagal para tingnan ang baliw na babaeng nagsisisigaw sa tapat ng mansyon ng mga Salvador.
Let them look. Let them see what this prestigious family did to me.
"DEVON! DUWAG KA! SABI MO MAHAL MO AKO! SABI MO PROPROTEKTAHAN MO KAMI NG ANAK MO!"
Ang bawat sigaw ay parang punyal na humihiwa sa lalamunan ko. Umiiyak ako nang walang tigil, ang luha at sipon ay naghahalo na sa mukha ko. Napaluhod ako sa semento, pero hindi ko binitawan ang mga rehas.
"Harapin mo ako... parang awa mo na..." bulong ko, unti-unting nawawalan ng lakas. "Sabihin mo sa akin kung bakit..."
Katahimikan. Tanging huni lang ng hangin at ingay ng malalayong sasakyan ang naririnig ko.
Akala ko ay wala nang sasagot. Akala ko ay hahayaan na lang nila akong mabilad dito hanggang sa mamatay ako. Pero bigla, narinig ko ang tunog ng mabibigat na kandado na bumubukas.
Dahan-dahang bumukas ang gate.
Agad akong tumayo, pinapahid ang luha ko. Umaasa ako na si Devon ang makikita ko. Umaasa ako na kahit papaano, natitira pa ang puso niya. Na lalabas siya, yayakapin ako, at sasabihing 'I'm sorry, Laura.'
Pero hindi si Devon ang lumabas.
Ang tumambad sa akin ay ang nakakasilaw na kaputian ng damit ni Tita Margaret.
Nakatayo siya doon, eleganteng-elegante sa kanyang white silk dress, na parang hindi siya naglalakad sa ilalim ng matinding init. Sa likod niya ay dalawang kasambahay na may hawak na payong para sa kanya, tila isang reyna na bumaba mula sa trono para inspeksyunin ang isang pesteng nasa bakuran niya.
Hindi niya pinabuksan nang tuluyan ang gate. Nakaharang pa rin siya sa likod ng mga rehas, nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Ang tingin niya... napakalamig. Walang awa. Walang konsensya. Para siyang tumitingin sa isang maruming ipis na kailangang apakan.
"Look at you," panimula niya, ang boses niya ay malinaw at puno ng pandidiri. "Nag-iiskandalo ka sa tapat ng pamamahay ko. Para kang asong ulol na kumakahol sa labas. Have you no dignity left, Laura?"
Natawa ako. Isang tawang walang halong saya.
"Dignity?" inulit ko ang salita na parang lason sa bibig ko. "Tinatanong niyo ako tungkol sa dignidad? Kayo ang pumatay sa anak ko! Kayo ang pumatay sa apo niyo! Kayo ang mga walanghiya!"
Nanginginig ang buong katawan ko habang tinuturo ko siya. "Nasaan si Devon? Nasaan ang asawa ko? Bakit nagtatago siya? Ilabas niyo siya!"
Tita Margaret didn't even flinch. She just stared at me calmly, fixing the imaginary crease on her dress.
"He is not your husband anymore," she said coldly, casual na parang nagbabalita lang ng lagay ng panahon. "Inaayos na ng mga abogado namin ang annulment. Psychological incapacity. You are unfit to be a Salvador."
Parang gumuho ang mundo ko. Annulment? Agad-agad?
"At tungkol sa..." tumigil siya sandali at ngumisi, "incident? Huwag kang magmalinis, Laura. You signed the consent forms. May pirma ka. We have proof that you wanted the abortion."
Nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay sinampal ako ng kaliwa't kanan. "Sinungaling! Wala akong pinirmahan! Kahit kailan, hindi ko ipapapatay ang anak ko! Alam ng niyo 'yan!"
Margaret let out a short, mocking laugh. Bumunot siya ng isang nakatuping papel mula sa bulsa ng dress niya. Hindi niya ito inabot sa akin, pero iwinagayway niya ito sa harap ng mukha ko sa pagitan ng mga rehas.
"Look closely, hija."
Kahit malabo ang paningin ko dahil sa luha, nakita ko ito. Isang pormal na dokumento. Consent for Termination of Pregnancy. At sa ibaba... nandoon ang pangalan ko. At sa ibabaw ng pangalan ko, may thumbmark.
"Devon holds your hand when you sleep, doesn't he?" she whispered maliciously, stepping closer to the bars until I could smell her expensive perfume. "Or when you're heavily sedated? Masyado kang mahimbing matulog, Laura. Lalo na kapag naturukan ka na ng pampakalma."
She smiled. A chilling, triumphant smile. "Madaling kumuha ng thumbmark. Legal ito. Malinis. Walang makakapagsabi na pinilit ka. Sa mata ng batas, ikaw ang pumatay sa bata."
My knees finally gave out.
Bumagsak ako sa semento. Ang gasgas sa tuhod ko ay wala kumpara sa pagkawasak ng puso ko.
Devon.
Naalala ko ang mga gabi na hinahawakan niya ang kamay ko bago kami matulog. Ang akala ko, lambing lang 'yon. Ang akala ko, proteksyon 'yon. Pero ginamit niya ang tiwala ko... ginamit niya ang kamay ko para patayin ang anak namin.
He held my hand to sign my baby's death warrant.
How can a human being be this evil? How can the man I loved turn into this monster?
Napasubsob ako sa semento, humahagulgol. Ang sakit. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay dinudukot ang laman-loob ko. Gusto kong sumuka. Gusto kong mamatay.
"W-Walang hiya kayo..." bulong ko sa pagitan ng pag-iyak, pero ang boses ko ay mahina na, halos wala nang lakas. "Demonyo kayo..."
"Umalis ka na," utos ni Margaret, at tinalikuran na ako. Ang puti niyang bestida ay lumilipad sa hangin habang naglalakad siya palayo. "Bago pa kita ipakaresto sa trespassing. You act like you lost something valuable."
Tumigil siya sandali at lumingon, ang mga mata niya ay nanunudyo.
"You are nothing to us now, Laura. You are barren. Broken. Useless. Wala ka nang silbi sa pamilyang ito. Wala ka nang maibibigay."
Pinanood ko siyang maglakad palayo. Pinanood ko ang pagpasok niya sa malaking pinto ng mansyon. At narinig ko ang muling pagsara ng gate.
Naiwan akong mag-isa sa labas. Nakaluhod sa mainit na semento, basang-basa ng luha at pawis.
Wala na.
Ang langit sa itaas ay napakatingkad, napakaaliwalas, pero ang mundo ko ay nababalot ng kadiliman. Unti-unting umikot ang paningin ko. Ang init ng araw ay naging matulis na karayom na tumutusok sa balat ko.
Sinubukan kong tumayo, pero wala nang rumehistro sa mga binti ko.
Everything went blurry. The sounds of the passing cars faded into a distant hum.
Napahiga ako sa semento. The roughness scraped my cheek, but I didn't care. Gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko. Kung matutulog ako ngayon... sana hindi na ako magising. Sana sumama na lang ako sa baby ko.
Baby... sorry... sorry hindi ka naipaglaban ni Mama...