Hindi ko na alam kung paano ako nakarating dito.
Kanina lang, tirik na tirik ang araw habang nakaluhod ako sa gate ng mga Salvador. Ngayon, nababalot na ng dilim ang paligid. Ang init na kumukulo sa semento kanina ay pinalitan na ng malakas na buhos ng ulan.
Naglakad ako nang walang direksyon, parang isang sirang laruan na basta na lang iniwan sa kalsada. My feet were blistering inside my cheap sandals. Ramdam ko ang pagkapuknat ng balat sa bawat hakbang, ang hapdi ng pagkikiskis ng goma sa sugat, pero hindi ko iniinda. Wala 'yon. Walang-wala ang sakit na 'yon kumpara sa malaking butas na nasa dibdib ko.
Basang-basa na ako. Ang manipis kong blusa ay nakadikit sa balat ko, at ang buhok ko ay nakaplasta sa mukha ko. Nanginginig ako sa lamig pero patuloy lang ako sa paglalakad. Ang bawat patak ng ulan ay parang karayom na tumutusok sa balat ko, sumasabay sa walang katapusang pag-agos ng luha sa mga mata ko.
Naalala ko ang mga salitang binitiwan ni Margaret ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko, parang sirang plaka na hindi mamatay-matay.
"Wala ka nang silbi sa pamilyang ito."
"You are broken."
Napadpad ako sa isang lumang tulay. Halos wala nang dumadaan na sasakyan dahil sa lakas ng bagyo. Madilim ang paligid, ang tanging liwanag lang ay galing sa mga kukurap-kurap na poste ng ilaw.
Lumapit ako sa railing. Sa ilalim nito, dinig na dinig ko ang rumaragasang tubig ng ilog. It sounded angry, violent, yet strangely inviting. Tumingin ako sa ibaba. The water was pitch black, swirling like a vortex ready to swallow anything thrown into it.
Maybe this is where I belong. Sa dilim. Sa ilalim.
Kung tatalon ako, titigil na ang ingay sa utak ko, 'di ba? The pain would finally end. Hindi ko na kailangang gumising bukas at alalahanin na pinatay nila ang anak ko. Hindi ko na kailangang maramdaman ang sakit ng pagiging mag-isa.
Hinawakan ko ang bakal na railing. Napakalamig nito.
Dahan-dahan, kahit nanginginig ang mga tuhod ko, inakyat ko ang harang. Ang hangin ay humahampas sa mukha ko, tinutulak ako na parang sinasabing, 'Sige, ituloy mo na.'
Nakatayo ako sa gilid, ang mga daliri ko ay mahigpit na nakakapit sa basang bakal. Isang hakbang na lang. Isang bitaw.
Pumikit ako at apahagulgol. Ang sakit-sakit. Gusto ko nang matapos 'to.
"Huwag kang mag-alala, baby. Susunod na ako sa'yo. Hinding-hindi ka na mag-iisa diyan."
I took a deep breath, filling my lungs with the damp, cold air one last time. I loosened my grip on the railing. My body swayed forward, ready to surrender to gravity. Ready to fall into the abyss.
"Don't do it."
Hindi ako lumingon. Ayokong makakita ng tao. Ayokong may pumigil sa akin. "Huwag kang makialam," sagot ko, garalgal ang boses. "Wala kang alam sa nararamdaman ko."
"Alam kong gusto mong tumalon," the voice said, closer now. Mas malakas kaysa sa ulan. "Alam kong pagod na pagod ka na. Alam kong pakiramdam mo, wala nang natira sa'yo."
Humigpit muli ang hawak ko sa bakal. Bakit ba siya nangingialam?
"Pero kung tatalon ka, Laura... mananalo sila."
That made me pause.
Napadilat ako. Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.
Standing a few feet away, holding a black umbrella against the raging storm, was a man. He was tall, wearing a simple dark coat that was soaked at the edges. His hair was wet, sticking to his forehead, dripping water down his sharp jawline. The streetlight flickered above him, casting shadows on his face.
But it was his eyes that caught me. Eyes that didn't look at me with pity or disgust, but with a strange, fierce intensity.
Kilala ko ang mga matang 'yon.
"Lucien?" I whispered, confusion cutting through my grief.
Lucien Calderon. My college friend. The quiet guy who always sat at the back of the class. Siya 'yung laging tahimik. We lost touch years ago when I married Devon. Why is he here? Is he an illusion? Or am I already dead?
"Bumaba ka diyan, Laura," he said, extending his hand towards me. His hand was steady. Solid. Unlike mine which was trembling uncontrollably.
Umiling ako, bumabalik ang bigat sa dibdib ko. "Ayoko na, Lucien. Pagod na ako. Wala na akong rason para mabuhay. Kinuha nila ang lahat sa akin. Kinuha nila ang baby ko... pinatay nila ang anak ko!"
Napahagulgol na naman ako, halos bumigay na ang mga binti ko sa ibabaw ng railing. "Baog na ako, Lucien! Wala na akong silbi! Basura na lang ako!"
He didn't flinch at my screaming. Instead, he dropped his umbrella. Hinayaan niyang mabasa siya ng ulan. He stepped closer, disregarding the danger.
"Tingin mo ba matutuwa ang anak mo kung makikita niyang sumuko ka lang nang ganito?" he asked, his voice cutting through the noise. "Tingin mo ba matatahimik ang kaluluwa niya kung hahayaan mong magpakasaya ang pumatay sa kanya habang ikaw... ikaw ay magiging bangkay lang sa ilog na 'to?"
Natigilan ako. The image of Devon and Margaret laughing, toasting with champagne while I rot at the bottom of the river, flashed in my mind.
"They erased your child, Laura," Lucien continued, creating stepping closer. "Now they want to erase you. Are you going to let them? Are you going to give them exactly what they want?"
My grip on the railing loosened, not because I wanted to jump, but because my anger was starting to override my sorrow.
"Anong... anong gagawin ko?" hikbi ko. "Wala akong laban sa kanila."
"Magkakaron ka," mabilis niyang sagot. Before I could process his words, mabilis pa sa alas-kwatro, hinila niya ako pababa mula sa railing.
"Ah!"
I fell forward, but I didn't hit the hard concrete. I landed straight into his arms.
His embrace was tight. He shielded me from the rain with his body. Naramdaman ko ang init niya laban sa nanlalamig kong katawan. Amoy kape at ulan ang damit niya. For the first time in what felt like forever, I felt... safe.
Nanlalambot ang mga tuhod ko, at kung hindi dahil sa mahigpit niyang hawak sa bewang at balikat ko, malamang ay bumagsak na ako. Umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya, binabasa ang coat niya ng luha ko.
"Shh... I know. I know," bulong niya sa buhok ko, his hand gently stroking my back amidst the downpour. "Ilabas mo lang lahat. Ubusin mo ngayon."
Nanatili kami sa ganoong posisyon nang ilang minuto. Just standing in the rain on a desolate bridge.
Nang medyo kumalma na ang paghikbi ko, dahan-dahan niya akong inilayo nang kaunti para tignan ako sa mata. His hands remained firmly on my shoulders, keeping me steady.
His dark eyes bore into mine. Seryoso. Mapanganib.
"Makinig ka sa akin, Laura," he said, his voice low but powerful enough to drown out the thunder. “They didn’t take everything. You’re still alive. You’re still here.”
"Para saan pa?" mahina kong tanong. "Para magdusa?"
Umiling siya. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para mapilitan akong tumingin sa kanya.
"Para maningil."
Natigilan ako.
"Buhay ka pa, Laura. At habang buhay ka, pwede kang bumangon. Pwede kang lumaban. Pwede mong iparamdam sa kanila ang impyernong pinaramdam nila sa'yo."
I looked at his determined jaw, the fire burning in his eyes reflecting the streetlights.
Revenge.
Not justice because justice implies fairness. I didn't want fair. I wanted them to hurt. I wanted Devon to scream the way I screamed. I wanted Margaret to beg the way I begged at that gate.
Something inside my chest shifted. The gaping hole was still there, bleeding and raw, but deep within the ashes of my grief, a tiny spark ignited.