Hindi pa humuhupa ang tensyon sa hapag-kainan matapos ang insidente sa alak. Tahimik ang lahat habang nililigpit ng mga waiter ang mga plato ng main course. Ang tanging naririnig ay ang mahinang pagkalansing ng pilak na kubyertos at ang mabigat na paghinga ni Margaret. Sinusubukan ni Devon na ibalik ang sigla ng usapan. Tinatanong niya ako tungkol sa ekonomiya ng Europe, tungkol sa mga investment trends, pero halata sa boses niya ang panginginig. He was rattled. Nayanig ang mundo nila dahil lang sa isang baso ng sirang alak at isang babaeng marunong mag-French. Pero kung may isang tao sa mesang ito na mas rattled kaysa kay Devon, ‘yon ay si Celeste. Ramdam ko ang tingin niya sa akin. Nanlilisik. Puno ng inggit. Kanina pa siya out of place. Para siyang anino na pilit sumisiksik sa liwana

