Bumabagal ang takbo ng sasakyan habang papasok kami sa exclusive subdivision ng mga Salvador. Ang bawat poste ng ilaw, bawat puno na nadadaanan namin, ay may dalang alaala. Masasakit na alaala. Dito ako tumatakbo noon kapag hindi umuuwi si Devon. Dito ako naglalakad nang mag-isa papunta sa palengke dahil ayaw akong pahiramin ni Margaret ng driver. At sa mismong black iron gate na nasa harap namin ngayon... dito ako lumuhod. Dito ako nagmakaawa habang umuulan, duguan ang puso at matris, habang tinataboy nila ako na parang aso. "Breathe, Lau," bulong ni Lucien sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko na mahigpit na nakakuyom sa clutch bag ko. "Andito ako. Hindi ka nila masasaktan." Huminga ako nang malalim. Ang hangin sa loob ng Rolls Royce ay amoy leather at mint, pero ang naaamoy ko ay a

