CHAPTER 7: The Promise.

926 Words
CHAPTER 7: The Promise. Written by: CDLiNKPh Kinabukasan din ay ibinalik ni Cane sa dati ang totoo niyang sarili. Kahit na sinabi pa ni Ivy na panget siya ay hinding-hindi siya susuko na makuha ulit ang loob nito. Halos hindi nga siya nakilala ng mga kaklase niya pagpasok niya sa classroom. Karamihan sa mga ito na madalas nanlait sa kanya sa unang araw pa lang niya sa school at hindi siya pinapansin ay halos maglaway na no'ng makita ang kagwapuhan niya ngayon. Pero ngayong hindi na niya kailangang magpanggap na nerd ay hindi na rin niya kailangang magpanggap na mabait. Siya naman ngayon ang hindi namamansin sa mga ito. Snob na nga ang tawag ng iba sa kanya pero mas lalo lang siyang kinakiligan ng mga babae dahil doon. No'ng araw din na iyon ay sumali siya sa varsity team ng school nila. Nalaman kasi niya na sikat na sikat sa school na iyon ang mga player at madalas ding nanonood ng practice sina Ivy at Alexa dahil mahilig din sa basketball ang mga ito. Kailangan niyang maging sikat agad para makuha ang atensyon ni Ivy. Ipapakita niya rito at ipapamukha kung sino ang lalaking sinabihan nitong panget. Kinikilig siya kapag naiisip na magniningning ang mga mata ni Ivy sa oras na makita nito kung gaano siyang kagaling magbasketball. Kung kinakailangang gamitin niya ang lahat ng talent niya ay gagawin niya para lang makita nito na hindi lang siya basta-bastang lalaki. Sayang lang ang wig at makapal na salamin na binili niya bago siya pumasok sa school na iyon. Sayang lang ang effort niya na magpanggap na nerd dahil sa isang iglap ay nasira ang plano niya dahil sa pesteng popularity ni Ivy. Plano pa naman niya na landiin ng palihim si Alexa para layuan na nito si Ivy. Kapag hindi na naging magkaibigan ang dalawa ay saka siya magkakaroon ng pagkakataon na lapitan si Ivy. Pero lahat ng iyon ay nabalewala na dahil sa unang araw pa lang ay nahuli na sila nito. Kaya naman ito na lang ang tangi niyang naiisip na paraan. Ang maging popular din katulad ni Ivy para makuha ang atensyon nito. Ngayon ay sigurado siya na kailangan na naman niyang ihanda ang sarili para sa tilian ng mga magiging fan girls niya kapag naging sikat na siya. Madali naman siyang nakapasok sa basketball team. Halos mapanganga sa galing niya ang captain ng team at maging ang ang pinakamagaling at target weapon ng mga ito na si Luke ay halos manggalaiti sa inis dahil sa isang iglap ay napunta na sa kanya ang atensyon ng mga babae roon. Dati ay ito ang sikat pero nagmukha na lang itong alikabok ngayon nang dahil sa kanya. Ilang beses siyang nagtangka na lapitan si Alexa para sana magsorry sa ginawa niya rito pero palagi naman itong binubuntutan ni Ivy na para bang anino ito ng babae. Kaya wala ring nangyari kundi gumawa na lang muna siya ng pangalan sa school na iyon. Hihintayin na lang siguro niya na si Ivy na rin mismo ang makapansin sa karisma niya. Ilang linggo pa ang lumipas at hindi nga nagtagal ay marami na ngang nakapansin sa existence niya sa school na iyon. Nagtry-out din siya sa judo para pandagdag pogi points pero mas focus pa rin siya sa basketball. Iba kasi ang dating ng mga lalaking magagaling sa basketball para sa mga girls. Hindi lang siya basta sa basketball at judo nagpasikat kundi pati na rin sa academics. Hindi na nga siya gaanong nahirapan dahil normal na naman talaga sa kanya ang pagiging matalino. Wala nga yata talaga siyang hindi kayang gawin. Siya na talaga ang gwapo na ay isa pang henyo! Ha-ha-ha! SCHOOL INTRAMS ng araw na iyon. May laban ang basketball team laban sa kabilang school kaya naman obligadong manood ang lahat ng estudyante sa paglalaro nila. Gaya ng inaasahan ni Cane ay naroroon ang fans club niya at nagchi-cheer para sa kanya at may dala-dala pang malaking banner ang mga ito habang kinikilig sa pagtawag ng pangalan nya. Malapit nang mag-umpisa ang game at hinahanap na ng mata niya ang prinsesa niyang si Ivy. Napangiti siya nang matanaw ang babae na pumasok sa gym at umupo sa isang sulok kasama si Alexa. As usual, kapit na kapit na naman ito sa braso ng babae na para bang isa itong linta. Bigla siyang nainis. Babae si Alexa pero pinagseselosan niya ito pagdating kay Ivy. Pakiramdam kasi niya ay inagaw nito ang pwesto niya sa puso ng babaeng pinakamamahal niya. Noong mga bata pa sila ay sa braso niya nakakapit si Ivy. Sa kanya ito palaging nakangiti at nakabuntot. Sa kanya ito nakasandal at umaasa. Pero ngayon ay wala na lahat iyon dahil napunta na kay Alexa ang buong atensyon nito. Ito na ang pinalit nito sa kanya. Maya-maya lang at nag-umpisa na ang laro. Nagpakitang gilas siya at bawat dalawang puntos na nakukuha niya ay ang nakakabinging sigaw ng mga fans niya ang pumapangibabaw sa buong gym. Napansin niya na parang naiirita si Ivy dahil panaka-naka siyang sumusulyap dito habang naglalaro. Napangiti siya. Nagseselos ba ito? Kahit papaano pala ay may pakinabang din ang mga fans niya. Feel na feel na sana siya na gwapo na siya sa paningin ni Ivy pero nang mapatingin siya rito ulit at ngingitian sana ito ay isang nakamamatay na irap lang ang iginanti nito. Grr! Ivy, sumosobra ka na talaga, ha! Ikaw lang ang babaeng hindi nakakapansin na gwapo ako! inis na sabi niya sa sarili. Kung hindi lang niya ito mahal na mahal ay hinding-hindi siya magtatiyaga rito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD