CHAPTER 8: Another Nuisance?

1386 Words
CHAPTER 8: Another Nuisance? Written by: CDLiNKPh IBINIGAY NA NI IVY ang lahat ng katarayang itinatago niya sa irap na iyon. Akala yata ng panget na Cane na iyon ay pati siya ay natutuwa rito. Para lang itong bakulaw na naglalaro ng basketball sa harapan niya. Wala itong kagwapo-gwapo sa paningin niya! Kunware suplado pero alam niya na tuwang-tuwa ito sa atensyon na binibigay ng mga fan girls nito rito. Nararamdaman niya, palihim na narcissistic ang lalaking iyon. Halata naman sa kilos na masyadong gwapong-gwapo sa sarili. Sa totoo lang ay kanina pa nga niya gustong umalis sa gym, e. Kundi lang talaga nakabantay ang PE teacher nila ay aalis na sana talaga siya. Binantaan kasi sila nito na lalagyan ng minus ang grade nila kapag hindi sila nanood ng game. Fan na fan kasi ito ng basketball team kahit may edad na ito. Kaya pati tuloy sila ay dinadamay sa panonood para raw pagpapakita ng suporta. Nakikita niya rin kanina pa na nagniningning ang mga mata ng teacher nila lalo na kapag nakakashoot ng bola si Cane. Mukhang kahit na may edad na ito ay kinikilig pa rin ito sa mga katulad ni Cane na sa paningin niya ay mukha namang bakulaw na ang tangi lang hangad ay agawin si Alexa sa kanya! Itinuon na lang niya ang tingin niya sa prinsepe niya. At nagulat siya nang makitang heart shape na rin ang mga mata nito habang sinusundan ang paggalaw ng lalaking kinaiinisan niya. "Alexa!" pagtawag niya sa pangalan nito. Pero okupado na ang atensyon nito at parang lumilipad na rin ang utak. Ni wala nang pakialam kahit na nasa tabi lang siya nito! "Hmp!" Napa-pout si Ivy. Naiinis na talaga siya! "Alexa!" muling pagtawag niya. Natauhan ito bigla at biglang pumutok ang heart shape sa mata nito at ibinalik ang poise. "H-ha? Bakit?" Kunwari ay tanong nito na ibinalik ang kaseryosohan ng mukha. "Hmp! Hindi mo talaga ako naririnig kapag nakatingin ka na sa Cane na iyon! May gusto ka na talaga sa kanya, 'no?!" panghuhuli niya rito. "Ako? May gusto sa kanya? Wala 'no!" deny to death na sabi nito. "Dapat lang! Dahil hindi ako papayag, hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya! Akin ka lang, Alexa!" inis na inis na sabi niya. Medyo natigilan ito sa sinabi niya pero bago pa ito tuluyang makasagot ay isa na namang nakakabinging tilian ang narinig nila mula sa crowd. Napabalik ang tingin niya sa ring. Kaya naman pala. Nakashoot na naman pala ng bola ang lalakeng panget! Nakangisi pa ito na parang aso. Halatang tuwang-tuwa ito na maraming kinikilig na babae rito. Feeling siguro nito ay nagningning ang katawan nito nang dahil sa kagwapuhan! Kaya wala pa man ay inis na inis na siya rito, e. Ayaw na ayaw pa naman niya sa lahat ng lalaki iyong malalakas ang bilib sa sarili. Alam naman niya na may karapatan na magyabang ang Cane na iyon pero naiinis pa rin siya dahil conceited ito. Ang nakakainis lang, mukhang crush na crush ito ni Alexa. Ngayon lang niya nakita na nagkaganoon ang prinsepe niya kaya hindi siya papayag! "Hmp! Ano bang ginagawa ni Luke?" Hinanap niya ng tingin ang kababata. At nakita niya ito na parang down na down. Kahit kasi nakakapuntos din naman ito ay hindi ganon kalakas ang reaction mula sa crowd katulad ng kapag si Cane ang nakakapuntos. SAMANTALA, sinuguro naman ni Cane na ipinakita niya ang pinakamagandang ngiti niya sa crowd. Alam niya na tinitingnan siya ni Ivy kaya kailangan na mas lalo pa siyang maging gwapo sa paningin nito. Ano, Ivy, nai-inlove ka na ba sa akin? Mayabang na sabi ng isip niya. Dapat lang na maging cool siya sa paningin nito. Ginagawa niya ito para mabusog ang mga mata ni Ivy. "Go, Luke! Huwag kang magpapatalo sa panget na lalaking yan!" Nagulat ang lahat ng biglang sumigaw si Ivy at tinuro pa siya. Hindi makapaniwala na bigla na lang may lumait sa napakagwapong shooting guard ng basketball team. Halos nakalimutan na kasi ng lahat na minsang naging nerd si Cane. Pero sa nangyari ay parang biglang bumalik sa ala-ala ng lahat ang nakakadiring itsura ni Cane noon noong nagpapanggap pa siyang nerd. Para namang nanigas ang buong katawan ni Cane dahil sa kahihiyan. Nagtawanan kasi ang karamihan ng mga nanonood sa kanila dahil nasabihan siya ng panget. Ivy, kaunti na lang talaga ay mapupuno na ako sa 'yo, nanggigil na sabi niya sa isip. At ang nakapagpadagdag pa sa inis niya ay imbes na siya ang mapansin nito ay ang kateam pa yata niya na si Luke ang chini-cheer nito. "Ang saya-saya ko, Ivy, my love! Sa wakas ay pinansin mo na rin ako! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Parang nagbukas ang pintuan ng langit para sa akin nang dahil sa pagpapalakas mo ng loob ko. Dahil diyan, mas lalo akong ginanahan! Pangako ko sa 'yo, ipapanalo ko ang---" Hindi na naituloy ni Luke ang sinasabi nito dahil tinamaan na ito ng bola sa mukha na hinagis ni Cane. Ano'ng problema mo?! galit na tanong ni Luke sa kanya. "Ang dami mo kasing dada, nasa gitna ka ng laro! Kaya ng pinasahan ka ng bola ay diyan tuloy sa mukha mo tumama," walang kagana-ganang sabi niya rito na nag-umpisa nang tumakbo. Wala pa man ay naiirita na siya sa Luke na ito. Mukhang mas malala pa ang pagiging narcissist nito kaysa sa kanya. Mukha itong bakla dahil sa ikinikilos nito. May pagkamalamya ang galaw pero mukhang may gusto sa Ivy niya. May karibal siya. Wala na ring nagawa si Luke dahil pumito na ang referee at nag-umpisa na ulit ang laro. Sumunod lang ito sa kanya sa pagtakbo. Nasa iisang team sila kaya hindi siya nito pwedeng bakawan nang bakawan. Kakaribalin mo pa ako, ha, sabi ng isip niya. Hindi pa nga tapos ang problema niya kay Alexa ay may lumitaw na namang isa pang langaw sa daraanan niya papunta kay Ivy. Nawalan man siya ng gana sa paglalaro dahil sa ginawang pang-iinsulto sa kanya ni Ivy ay nagtagumpay pa rin ang team nila para manalo sa kalabang grupo. Pagkatapos ng game ay hindi na niya nakita si Ivy. Agad niyang binilisan ang pagligo at lumabas na ng school para hanapin ito. At nakita niya ito kasama si Alexa at ang team mate niya na si Luke! Nagtago siya sa gilid ng pader at nag-ala stalker habang pinagmamasdan ang tatlo. "Ang saya-saya ko, Ivy. Salamat talaga at pinapansin mo na ako!" Narinig niyang sabi ni Luke na maluha-luha pa. Akmang yayakapin pa nito ang babae pero bago pa man mangyari iyon ay nakapagtago na si Ivy sa likuran ni Alexa kaya ang babaeng amasona ang nayakap nito. Dahil doon ay awtomatikong naglanding ang kamao ni Alexa papunta kay Luke. Dugo ang nguso na nangudngod si Luke sa sahig. Pinigilan niya ang sarili na mapatawa. Buti nga sa Luke na iyon! "Huwag ka ngang basta-basta mangyayakap ng babae. p*****t!" iritableng sabi ni Alexa rito. Iba ang pakitungo nito sa lalaki kung ikukumpara sa pakikitungo nito sa kanya. Siguro ay close talaga ang tatlo. "Bakit ha, Alexa? Masisisi mo ba ako? Ang cute cute ni Ivy! Sa sobrang ka-cute-an niya ay gusto ko na siyang ibulsa at iuwi na sa bahay. Ikaw na lang ba ang may karapatang mangyakap sa kanya ngayon? Kababata n'yo rin naman ako, ha?!" Halos mangiyak-ngiyak si Luke. Playing victim. "Sorry ka na lang dahil allergic kami sa isang playboy na katulad mo!" pangduduro pa rito ni Alexa saka hinila na paalis si Ivy. Ngiti-ngiti namang nagbebelat si Ivy dito na parang isang bata. Pero imbes na magalit si Luke ay halos namilipit pa sa kilig si Luke nang makita ang ka-cute-an na iyon ni Ivy. "Ivy, mahal ko, akala ko ba, bati na tayo?" Oa na sabi ni Luke habang nawawala na sa paningin nito ang dalawang babae. Wala na itong narinig na sagot mula kay Ivy dahil nakaalis na ang dalawa. Buti nga sa 'yo. Ang akala mo siguro ay panalo ka na, ha, napapangiting sabi niya sa sarili. Nagulat na lang siya nang aalis na sana siya mula sa pinagtataguan ay nakita niya na nakatayo na pala malapit sa kanya si Luke. At seryoso ang expression ng mukha nito. Hindi iyong mukhang tangang lalaki na nasa harapan ng dalawang babae kanina. "Mag-usap tayo," sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD