Chapter 2

562 Words
Ilang buwan na lamang ay gagraduate na kami ng College kaya naghahanda na rin ako sa trabahong kukuhanin ko pagkatapos ng lahat Pag-uwi ko pa lamang ng bahay ay sinalubong kaagad ako ni manang siya ang nag-aalaga saakin dito "Ginabi ka ata iha?" "May ginawa po kaming project kanina manang at tsaka inihatid ko pa po si Justine" pabulong na sagot ko "Ah ganon ba iha oh magbihis ka na" "Opo" Umakyat ako sa kwarto at sandaling nagbihis ng pantulog bago humarap sa hapag kainan Kaharap ko si mommy habang nasa tabi niya si daddy at nasa tabi naman ni daddy si lolo "Manang sabay kana saamin" yaya ko kay manang at binigyan siyang signal para maupo sa tabi ko "Hindi pwedeng sumabay ang mga katulong saatin" napatikom ang bibig ko at napayuko na lang at tahimik na kumain "Sino si Justine?" natigilan ako sa pag-nguya at nanatiling nakayuko habang napapalunok Ipinagsiklop ko ang dalawang kamay ko sa ilalim ng lamesa ng maramdaman ko na ang matinding kaba. Sa sandaling malaman nila ang lahat ay paniguradong paglalayuin nila kaming dalawa "Ma'am classmate po ni Sheryl" bahagya akong nagulat sa kalmadong sagot ni manang kaya naman nag-angat ako ng paningin sa kaniya at saglit na nilingon si mommy na nakataas ang kilay "Sigeh. Sheryl, tandaan mo ang sinabi ko sa'yo na hindi ka pwedeng makipagkaibigan sa mga hampaslupa" "O-Opo" Si manang lang ang nakakaalam na may relasyon kami ni Justine nagsimula iyon nuong 2nd year college kame. Si yaya lang ang lagi kong karamay nuon sa tuwing mag-aaway kami at si manang din ang nagliligtas saakin sa tuwing pagagalitan ako ni mommy "Anak makinig ka na lang sa mommy mo" "Opo, dad" "Kumusta ang marka mo iha?" tanong naman ni lolo "Maayos naman po hindi naman ako nagpapabaya" "Mabute kung ganon" Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at pumasok sa kwarto. Ini-lock ko ito bago ilabas ang wallet ko kung saan may picture ni Justine idinikit ko ito sa pader at tinitigan "Kahit anong mangyare ipaglalaban kita" bulong ko at itinago itong muli kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya "Hello?" sambit ko ng sagutin na niya ito [Kumain kana ba?] "Kakatapos lang ikaw ba?" [Oo kakatapos lang den matulog kana] "Mamaya na may gagawin pa ako eh" [Pero pagkatapos matutulog kana hano?] "Yes po hahaha" [Babe bukas na lang ulit inaatake nanaman ng hika si nanay eh, pasensiya kana ah? I love you] "I love yo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mamatay ang linya. Napabuntong hininga na lamang ako bago maupo sa harapan ng study table at sinimulan ng gawin ang reviewer niya Napapailing ako habang nagreresearch sa harapan ng laptop ko nakalimutan kong kunin ang libro niya napalingon ako sa pintuan ko ng my kumatok "Manang gabi na po" "Idadala ko lang itong gatas mo iha at matutulog na din ako" "Salamat po" "Oh kumusta naman kayo ng nobyo mo?" bulong ni manang kaya napangiti na lang ako "Okay lang manang sigih na po matulog na kayo masama ang nagpupuyat lalo na at nagkakaedad na rin kayo hahaha" "Ikaw talagang bata ka" natatawang saad niya at inilapag ang gatas sa tabi ko "Sigeh na po may yayariin lang ako matutulog na din po ako pagkatapos" "Sigeh iha" Inabot ako ng ala-una sa pagreresearch para sa reviewer niya kaya pagkagising ko ay ang laki ng eye bags ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD