Si Justine ang pinakaunang naging boyfriend ko. Noong high school ako halos masakal ako sa ginagawa saakin ni mommy na may nakabantay na dalawang guard saakin palagi kaya walang makalapit kahit pa gustuhin nilang manligaw ay hindi nila magawa. Bago ako tumungtong nuon ng college nakiusap ako sa kaniya na huwag akong paghigpitan masyado dahil nahihirapan akong gumalaw
Pingbabawalan niya akong makipagkaibigan sa mga mahihirap, magasgasan lang ang tuhod ko galit na galit na sila, makisali lang ako sa laro ng mga bata noon sa labas ng room ay bawal, lahat ng kilos ko dapat kilos ng mayaman. Ni hindi ko nga naranasang maligo man lang sa ilalim ng ulan tulad ng ibang bata na kay sasayang nagtatampisaw pa sa tubig. Sa tuwing may nag-aaya saakin na makipaglaro ay hindi ako pinapayagan ng mga guard na nakabantay saakin na sumali sa kanila. Noong minsan may nag-aya saakin ng habulan nadapa ako non at nagkasugat sa tuhod bagay na hindi naman talaga maiiwasan pagdating sa larong takbuhan kaya pag-uwi ko noon sa bahay galit na galit saakin si mommy. Nagpakuha pa siya noon ng nurse na gagamot sa mga sugat ko simula noon ay pinagbawalan na niya akong lumabas ng bahay. Mag-isang naglalaro at walang kabuhay-buhay
Pabalik-balik kami noon sa abroad kung saan ipinapasok nila ako sa mga paaralan na may matataas na standard. Mga skwelahan na sikat at tutok sa mga mag-aaral
Mag-isa akong lumaki na malungkot ang buhay pero ngayon ang dating matamlay ay sumigla ng dahil sa isang tao
Pinunasan ko ang mga luha ko bago ipinarada ang sasakyan sa parking lot
Pagbaba ay sinalubong nanaman ako ng mga studyante na kung saan may mga hawak na regalo, may chocolates, flowers, teddy bears, cake at kung ano-ano pa pero ni isa dito ay wala akong tinanggap hanggang sa mag-ring ang cellphone ko na nakalagay sa coat ko. Agad akong napangiti at sinagot ito
[Good morning, babe]
"Good morning"
[Nakapasok ka na?]
"Oo ikaw ba?"
[Nandito pa sa kanto naghihintay ng taxi]
"Susunduin na lang kita jan"
[Hahaha hindi na babe sayang gas]
"Baka ma-late ka na?"
[8:30 pa lang 9:30 ang klase ko]
"Ah ganon ba sigeh ngarod"
[Good luck galingan mo ah]
"Kumusta na si nanay?"
[Okay na sumumpong lang talaga ang hika niya kagabe binawalan ko ng maglaba eh naglaba pa din pala]
"Babe, pacheck-up kaya natin siya?"
[Walang pera hahahaha]
"Ako na bahala"
[Wala akong pambayad, babe. Wag na mag-iipon na lang muna ako]
"Okay lang 'yon saaken. Parang tulong ko na rin sa inyo baka mamaya lumala pa eh"
[Hindi na babe ako na lang ang bahala]
"Wag kang makulet ako na lang"
Pagdating ng lunch ay kaagad akong pumunta sa building nila bitbit ang dalawang baunan na nakalagay sa paper bag na inihanda ni manang kaninang umaga nakita ko naman agad siya na kumakaway sa ilalim ng puno na nakaupo
"Tara na libre ko" tatayo na siya ng pigilan ko
"Maupo ka dalawa itong dala ko hahahaha"
"Salamat, babe"
"Basta ikaw"
"Baka naman may makakita saatin dito?" bulong niya
"Ano ka ba hahahaha wala na 'yung mga guard na nakasunod saakin nung isang araw pinabalik na ni mommy sa U.S at tsaka nga pala umuwi sila nila daddy at lolo kagabe sa Europe may business daw na dapat asikasuhin"
"Nagpaalam ba sayo?"
"Hindi nga eh sinabi lang saakin ni manang"
"Ah ganon ba"
Muli akong sumubo at nginitian siya
"I'm free" ngumisi ako dito