CHAPTER 13

785 Words
NASA bangko si Rhyanna. Kaka-update lang niya sa mga investments niya, paalis na dapat siya pero nayaya siyang mag-kape muna ng manager. Mr. Ronald Merced is a handsome guy. Mas matanda ito sa kanya ng halos sampung taon pero kung katawan din lang ang pag-uusapan ay hindi ito pahuhuli sa mga ka-edaran ni Rhyanna. But he has something that makes him more attractive than guys her age. May narating na ito. Alam niya dahil nakakuwentuhan na niya, hindi lang ang lalaki kung hindi pati ang assistant nito at iyong iba pang mga empleyado ng bangko. Hearthrob ang lalaki roon. Tingin nga niya, lahat ng tellers ay crush ito. Hindi manhid si Rhyanna para hindi mahulaan na type siya nito. Had she been looking to get into a serious relationship, she would have encouraged his attention. She is most definitely flattered by it. Plastic lang ang babaeng sasabihin na hindi ito natutuwa kapag nalalamang attractive siya sa ibang tao. Pero kahit siguro bilang fling lang ay malabo niyang patulan si Ronald. Masyadong normal ang lalaki. Iyong family life nito, iyong mga magulang, mga kapatid, pati yata buong angkan, sobrang typical. Imagine-in lang niya ang magiging reaksiyon ng mga ito kapag nalaman ang trabaho niya ay hindi na niya malaman kung manliliit siya o magtatawa. Maybe the latter. Dahil hindi naman niya pinapayagan ang sarili niya na makaramdam ng panliliit. His dad tried to do a good job in making her feel ashamed of herself during her rebellious teenager years.. Pero naging mahusay siya sa paglaban ng pakiramdam na iyon. “More coffee? O baka gusto mo ng cake. I have some in my office,” alok ni Ronald. “No, thanks. I have to watch my figure.” Mabilisang pinadaan ni Rhyanna ang palad niya sa kurbada niya. “I bet a lot of guys do that. Watch your figure, that is,” ganti ng lalaki. “Oh, I know that.” Pabale wala ang pagsagot niya. “I’ve been wanting to ask you this,” sabi ng kausap niya. “Ano ba iyon?” Parang nahiya ito. Napaiwas kasi ito ng tingin. “Hey, what is it?” Naisip ni Rhyanna, hindi kaya may nabalitaan ito tungkol sa trabaho niya. Hindi kaya siya si Masked Man? She was tickled by the idea. Kung magkakataon ay malamang na patulan na niya ito. As a fling, of course, dahil hindi siya naghahanap ng makaka-forever. “Nasu-suspense ako kaya pakibilisan na,” udyok niya rito. “I want to ask you if...if you’d go have dinner with me.” Medyo namula pa yata ang pisngi nito. Oh, he looks so sweet. Para itong schoolboy na niyayang maging date sa prom ang crush nito. A part of her was tempted to say yes. Maybe just to experience what it’s like to have someone as normal as him in her life. Pero nanaig ang bahagi ng pagkatao niya na sumisigaw ng are you out of your freaking mind? “Only if you’d eat me,” sagot niya. Napatitig sa kanya ang lalaki. “I beg your pardon?” Iniisip siguro nito na mali ang dinig nito sa sinabi niya o kaya ay mali ang intindi nito. “Eat me. As in...” Bahagya niyang iniawang ang mga hita. Lalo ng namula ang lalaki. Ang lakas tuloy ng tawa ni Rhyanna. “Naeskandalo ba kita? Sorry. But this just shows I’m too hot to handle for you. But then, I’m like that to most guys. Kaya mas maganda siguro na maging kliyente na lang ang turing at tingin mo sa ‘kin.” “Oh, y-yeah, y-you’re probably r-right.” Nagkandautal na ang lalaki. Tumayo na si Rhyanna. At least hindi na siya pag-iilusyunan ng isang ito. He can go look for a woman who would fit his normal lifestyle. Ganoon pa man, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng konting lungkot. Meeting guys like Ronald makes her realize how hard it would be for her to find happiness in love. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyo na may happiness sa love? Dinismis na lang ni Rhyanna ang ideyang iyon, pati na iyong naramdaman niyang panghihinayang. Malapit na siya kinapaparadahan ng sasakyan niya nang may marinig siyang sunod-sunod na putok. She froze in fear. Pero ilang segundo lang tumagal ang paninigas niya. Kasunod niyon ay napasigaw siya, nag-dive sa semento para gumapang sa pinakamalapit na pagtataguan. Sa kongretong poste siya nakarating, namaluktot siya roon. Tinakpan niya ng mga kamay ang tainga niya, hinintay na lang niya na... Ni hindi niya alam kung ano ang hinihintay niya. She couldn’t think. She is just so scared.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD