CHAPTER 14

1292 Words
NANG maramdaman niyang may humawak sa kanya ay lalo siyang natakot. Napasigaw na naman siya, nagpapalag. Hindi na siya makapag-isip. She is acting purely on instinct. “Hey! Hey!!!” May yumugyog sa balikat niya. “Miss! Miss!!!” Napadilat si Rhyanna. Hindi niya kilala ang lalaking bumungad sa kanya. Lalo na tuloy siyang nag-panic. “It’s okay. Motor lang iyong tumunog. You’re okay.” Tumalungko ang lalaki sa tabi niya, ipinaloob siya sa mga braso nito. Kung hindi lang siya nagpi-freak out sa takot ay baka nasapak na niya ito. Ayaw na ayaw niya iyong basta lang siya hinahawakan, paano pa iyong ganoon na niyakap siya? At isang total stranger pa ang gumawa niyon. Pero wala siya sa tamang katinuan. Ang gusto na lang niya nang mga sandaling iyon ay ang makahanap ng ligtas na lugar. Ng mapagkakanlungan. At iyon ang natagpuan niya sa mga bisig ng lalaking ito. Mahigpit siyang yumakap din dito. She felt his hand on her. Hinahagod nito ang buhok niya. The touch is soothing, driving away the fear and panic she is feeling. “It’s okay. Everything’s okay,” paulit-ulit nitong sabi. Hanggang sa unti-unti ay kumalma na ang pakiramdam ni Rhyanna. Nagsimulang mabawasan iyong panic. Bumabalik na rin sa normal ang paghinga at heart rate niya. Na-sense yata iyon ng lalaki, pinakawalan na siya nito. Napansin niya na parang natigilan ito pagkakita sa mukha niya. Pero mabilis din itong nakabawi. “Okay ka na ba?” tanong nito. Humugot ng malalim na hininga si Rhyanna. “Y-yeah, I guess so.” Isang malalim na hininga pa. “I know so.” Bumalik na ang huwisyo niya. Mabilis na siyang tumayo. “I don’t know what came over me but thanks for coming to my aid,” sabi niya sa lalaki. “No problem,” sagot nito. Dapat ay aalis na si Rhyanna. Wala siyang balak makipagkuwentuhan pa, kahit nga makipagkilala man lang sa lalaki. Pero hind niya agad magawang talikuran ito. He’s a gorgeous guy. Hindi na siya magugulat kung malalaman niya na modelo ito o artista. He definitely has the looks and body for either of those profession. Sigurado nga lang siya na hindi iyon ang rason kung bakit napapatitig pa siya rito imbes na iniiwan na niya ito. Hindi na niya maalala kung ilang saksakan ng guguwapong lalaki ang nakilala niya. In and out of her work, she comes across guys of differing level of gorgeousness. Pero ngayon lang niya naramdaman ang ganito. Iyong may kung ano sa pagkatao ng lalaki na humihila sa atensiyon niya. That had never happened to her before. Wala lang sa kanya ang makakita ng guwapo at machong lalaki. Iyong ibang naging clients nga niya, papasang model ng kilalang underwear. But she had never felt this kind of attraction towards any of them. Ni hindi nga niya inakalang posible siyang makaramdam ng ganito katinding fascination para sa isang lalaki. Maybe because he came to my rescue. Iyon lang ang naisip niyang logical na dahilan. Pero wala siyang balak na patulan ang kung ano mang nararamdaman niya ngayon. Kahit nga para lang sa casual s*x ay hindi niya gugustuhing makasama ang lalaking ito. He’s out of her league. “Thanks again. I have to go.” Pinilit na niya ang sarili na iwan ito. Pero bago siya lumulan sa nakaparadang sasakyan niya ay hindi niya napigilan na lingunin ang lalaki. Nang makita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya ay may naramdaman siyang hindi niya maintindihan. Parang...parang kinilig siya. Jeez! Initirik ni Rhyanna ang mga mata niya. Hindi siya teenager para makaramdam ng ganoon. Pumasok na siya sa sasakyan at matapos buhayin ang makina at makalabas ng parking slot ay pinasibad na niya palabas ng parking area ang kotse niya. She wanted to get out of there so fast that the wheels of her car squealed as she sped away. Nang nasa kalsada na siya ay saka niya napansin na ang bilis-bilis ulit ng t***k ng puso niya. Hindi na yata iyong nangyari sa kanya kanina – ang pag-aakala niya na putok ng baril ang umalingawngaw kaya napa-dive siya – ang dahilan. Mukhang reaksiyon niya sa lalaki ang nagpapabilis ng kabog ng dibdib niya. Nakahinto siya sa stoplight nang mag-ring ang cellphone niya. Nag-atubili siya pagkakita sa pangalang nasa screen. Chloe. Her half-sister. Hindi sila close nito at aminado si Rhyanna, siya ang may kasalanan. Nag-a-attempt naman kasi ito na makipag-lapit sa kanya pero siya ang umiiwas. Naiinggit siya rito. Iyon ang dahilan. Pakiramdam niya, lahat ng inasam niya mula sa daddy niya noon ay ito ang nakatanggap. Iyong oras, atensiyon, suporta at appreciation na pinapangarap ni Rhyanna na makuha mula sa ama ay siksik, liglig at umaapaw na ibinibigay nito sa half-sister niya. Unfair! Protesta ng kalooban ni Rhyanna. Pero ano ba ang silbi niyon? Kahit siguro mag-rally siya sa harap ng bahay nila na may dalang placard ay hindi siya papansinin ng daddy niya. Because the truth is, he is disgusted with her. Pinunasan ni Rhyanna ang luhang nakapuslit palabas ng mga mata niya nang hindi niya namamalayan. Nakakainis! Ayaw niyang iyakan ang relasyon nila ng daddy niya. Bakit pa? May mapapala ba siya? Nag-ring ulit ang phone. Hindi na lang muna iyon pinansin ni Rhyanna. Tatawag ulit siya kung ganoon ka-importante ang pakay niya. Nag-red na naman ang kasunod na stoplight kaya napilitan ulit siyang huminto. Napansin niya ang big bike na huminto sa tabi ng kotse niya. A Harley. Iyon ang klase ng motor na nakakaguwapo ng maraming paligo sa sino mang sakay nito. Kaso, maraming pagkakataon na lumalabas na mas guwapo ang motor kesa sa may-ari niyon. Just because a wimp-looking guy rode a Harley doesn’t automatically make him hot and sexy. That time around it is the rider that made the Harley look hot and sexy. Malaking bulto ang lalaking lulan niyon. Ordinaryong denim jeans at simpleng t-shirt ang suot nito pero dahil siguro sa magandang estado ng katawan nito ay model in a photo shoot ang dating nito. May naalala si Rhyanna. Ngayon lang tumagos sa isip niya kung sino ang nakita niyang ganoon ang bihis. Iyong lalaking umalo sa kanya. Ngayong hindi na siya masyadong traumatized ay saka luminaw sa kanya kung ano ang attire nito. Itinaas ng rider ng Harley ang tinted na face shield ng helmet nito. Tama ang hula niya, iyong lalaki ngang tumulong sa kanya ang lulan ng motor. Malamig ang aircon ng kotse niya kaya nagulat siya nang maramdamang naiinitan siya. The guy smiled and winked at her. Pagkatapos ay ibinaba na nito ang face shield saka ito humarurot na palayo. Kung hindi pa binusinahan si Rhyanna ng sasakyang nasa likod niya ay hindi niya mapapansin na na-green na ang traffic light. Natuon kasi ang pansin niya sa pagsunod ng tingin sa lalaking sakay ng motor. Napailing siya. Ano ba ang nakain niya at bigla ay nagkakaganoon siya? Dahil sa tutoo lang, pagkatapos siyang saktan ng dalawang ex-bfs niya ay natuto na siya. Hindi na siya magseseryoso. Mas madali kasi kung sa simula pa lang ay malinaw na sa ka-partner niya na wala silang commitment sa isa’t isa. Kesa naman iyong mangangako sila ng kung ano-ano, aasa siya, tapos ay mauuwi rin naman sa hiwalayan ang lahat. Ayaw na niyang mag-invest ng kahit anong emosyon sa isang lalaki. But that guy, the one who drove away, well, he’s the type who would tempt her to imagine things she knows she is better left without. Nag-ingay na naman ang cellphone niya. Si Chloe ulit. Mukhang importante nga ang pakay nito dahil tumatawag ulit. Napilitan si Rhyanna na abutin na ang phone niya na nakapatong sa passenger seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD