NAPDILAT si Rhyanna, binulabog ng tunog na palakas nang palakas. Ilang sandali siyang napatulala, hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. Lalo pang nakadagdag sa pagkawala niya sa tamang huwisyo ang paghuhumiyaw ng katawan niya para sa isang bagay na ni hindi pa niya gaanong matukoy kung ano ba eksakto.
Naulit ang tunog at iyon na ang tuluyang gumising sa diwa niya. Napatingin siya sa pinanggagalingan ng ingay. Ang umiilaw-ilaw na screen ng smart phone niya ang nakita niya. Nasa tabi niya iyon sa kama. Nasa kuwarto pala niya siya. Kung anong oras na, iyon ang hindi niya mahulaan. Nakasara kasi ang makapal na kurtina sa bintana, sinadya niya para walang liwanag na tumagos sa loob at makatulog siya ng ayos, kaya hindi niya masilip sa labas kung gaano na ba kataas ang araw, o kung gabi na ba.
Narindi na siya sa pang-ilang beses na pagtunog ng phone niya kaya inabot na niya iyon. May notification sa app na ginawa para ipaalam sa kanya kung may kliyenteng naghahanap ng serbisyo niya. Sa telepono na rin niya nalaman kung anong oras na. Alas otso ng gabi. Ibig sabihin, matagal din siyang nakatulog. Tanda niya ay hapon nang dumating siya sa bahay galing Tagaytay. Kasama ang dalawa pang kagaya niya ang trabaho, nagpunta sila sa isang party. A kinky, private party. Napagod siya sa biyahe at sa ginawa niya kaya napahimbing ang tulog niya.
Pinag-isipan pa sandali ni Rhyanna kung tatanggapin niya ang panibagong alok sa kanya. Para kasing mabigat ang katawan niya. Ang mas gusto niya ay doon na lang muna sa condo niya. Sunod-sunod na gabi kasi siyang nagtrabaho. Pero nang basahin niya ang details na lumabas sa app ay nagpasya na agad siya na puntahan ang kliyente. Regular client niya iyon. Isa rin ito sa kliyenteng umagaw ng interes niya. Wala kasi siyang ideya kung ano ang itsura nito kahit pa ilang beses na niya itong naserbisyuhan. Aside from the fact that he’s a regular, he also pays well. Laging over and above ng quoted price niya ang ibinabayad nito. Hindi niya masyadong kailangan ng pera pero sino ba siya para magsayang ng grasya? Kaya bumangon na siya at sinimulan ng ritwal ng paghahanda niya para sa trabahong gagawin niya.
Nagbabad siya sandali sa bubble bath. Gusto kasi ni Rhyanna ay mabangong-mabango siya sa pagharap niya sa kliyente. Dahil regular client niya ang pupuntahan niya ay alam na niya ang favorite scent nito. Iyon ang amoy ng bath salts na ibinudbod niya sa tubig. Para mas lalong manuot ang amoy sa balat niya ay kinuskos niya ng malambot ng sponge ang katawan niya.
Sa pagdako ng sponge sa dibdib niya ay napaawang ang bibig niya. Naalala niya iyong panaginip niya. Hindi unang beses na nagkaroon siya ng ganoong panaginip. Maraming pagkakataon na niyang naranasan iyon at para bang patindi nang patindi ang maiinit na eksena roon. Tanda niya, noong una ay mga inosenteng paghipo at paghagod lang ang laman ng panaginip niya. But as time passes, the scenes became more intense. Pati na rin iyong pangangailangang nabubuhay sa pagkatao niya. Pero iisa lagi ang katapusan. Magigising siya na uhaw na uhaw ang katawan niya sa isang bagay na hindi niya alam kung paano matutugunan.
Nakapikit ang mga mata, banayad niyang ikinuskos ang sponge sa tugatog ng dibdib niya. Nakagat niya ang labi sa sensasyong rumagasa sa katawan niya. Parang kulang pa ang ginagawa niya, sa dakong hita naman niya dinala ang sponge. Napalunok-lunok siya sa pagdampi niyon sa pagkababae niya. She just wanted to stay there and rub that sponge against her portal over and over...
Time is gold, Rhyanna. Ipinaalala niya sa sarili ang kliyenteng naghihintay sa kanya. Dahil doon kaya napilitan siyang umahon na mula sa tubig at tuyuin ang sarili. Pagkatapos niyang ihanda ang mga props niya, pati na ang isusuot niya mamaya kapag humarap na siya sa kliyente, ay nagbihis na siya.
Sa isang condotel siya nagpunta, sa top floor niyon tumuloy. May ilang lugar kung saan nila puwedeng katagpuin ang mga kliyente. Iyong nagma-manage sa kanila ay kumukuha ng cut sa TF nila at bilang kapalit ay ito ang nagpo-provide ng venue at pati na rin ng security para sa kanila. Ang kinabibilangan ni Rhyanna ay isang grupo ng kababaihan na may kakaibang serbisyong ibinibigay. They inflict pain on clients who couldn’t experience pleasure without it. Siya ay isang Dominatrix, o Domme.
Mistress of Darkness ang call name niya at doon siya kilala ng mga kliyente niya. Ni isa sa mga iyon ay walang nakakaalam sa tutoo niyang pangalan. Kahit nga iyong marami sa mga kakilala niya ay hindi alam na siya si Maria Carmela Montevilla, anak ng negosyanteng si Alfonso Montevilla. Ang ginagamit niyang pangalan, ang Adrianna Valdez, ay isang fake name. Kapeke-an iyon na pinanindigan na ni Rhyanna dahil may mga papeles siyang ipinagawa na magpapatunay na tutoong pangalan niya iyon. Dahil sa mga iyon kaya ang mga bank accounts niya, credits cards, ATM cards, bankbooks, driver’s license ay ang pangalang iyon ang nakalagay.
She had built this whole new life at mas kumportable pa siya sa bagong personalidad na binuo niya kesa sa iniwan niya. Which is fine by her father. Nakahinga pa nga siguro ito nang maluwag nang magpalit siya ng identity dahil hindi na niya maya’t mayang nadadamay ang reputasyon nito sa mga pinaggagagawa niya. Kagaya na lang ng pagiging dominatrix.
Ini-i-screen ang mga kumukuha ng serbisyo nila, lalo na iyong mga bagong kliyente, para sa seguridad nila. Hindi rin puwede na basta lang sila papuntahin sa ibang lugar pwera na lang kung sila mismo ang pumayag o kaya ay kung may kasama silang security personnel. Iyong mga gustong makaranas ng kakaibang serbisyo nila ay sa condotel na iyon, o sa iba pang designated na lugar na ginagamit ng grupo nila, nagpupunta.
May sariling sasakyan si Rhyanna pero tinatamad siyang mag-drive kaya nag-Uber na lang siya. Hindi kalayuan sa condo niya iyong pupuntahan niya kaya agad siyang nakarating doon. Dumiretso na siya sa kuwarto na laan para pagbihisan nila. Ilang sandali pa, ang simpleng jeans at t-shirt niya ay napalitan ng costume niya. Black corsette, black garter with fishnet stockings, booty shorts at seven-inch stilleto shoes. Isang cameo necklace na may itim na nakasabit sa itim na ribbon ang tanging jewelry niya. Ilang props din ang inilabas niya. Depende na kasi sa kliyente kung ano ang gagamitin niya. For this one, a pair of restraints, a blindfold and a thin leather whip will do.
Nagwisik din muna siya ng scent na alam niyang nakaka-arouse sa kliyente niya na ito. Patapos na siya sa paghahanda nang makatanggap siya ng message galing sa tigabantay nila na paakyat na sa suite ang lalaki.