CHAPTER 3

999 Words
MAY nag-assist sa lalaki papunta sa kuwarto kung saan ginagawa ang session nila. Mula sa one-way mirror na nasa ante-room ay pinanood sandali ni Rhyanna ang kliyente. Masked Man ang tawag niya rito. Mula pa kasi noong una nitong hilingin ang serbisyo niya ay lagi nitong suot ang full-faced mask na kulay ginto. May suot din itong device na nagpapa-iba ng boses nito. Nakakaintriga tuloy ito. Ang naiisip na dahilan ni Rhyanna ay baka isa itong sikat na personalidad. Nagtatago ito sa likod ng maskara at voice changer para hindi ito makilala at hindi malantad ang fetish nito. She doesn’t care who he is. Kliyente ito, iyon lang ang mahalaga. Sa isang banda ay nakakatulong na hindi niya nakikita ang itsura nito. It makes things more impersonal between them. Nagagawa rin niyang mag-imagine ng mukhang babagay sa lalaki. She would imagine he looks like a hot Hollywood actor and that puts her more in the mood to inflict punishment on him. Flogging a hot hunk while be begs for mercy turns her on, big time. Or maybe being turned on is not what she really feels but more of having an outlet for the emotions churning inside her. Hinihintay na siya ng lalaki. Nakaupo na ito sa silyang gagamitin nila, iyong silya kung saan niya itinatali ang mga kamay nito. Pinaghintay pa niya ito ng konti. The waiting heightens the anticipation. Parte rin ng parusa nito ang paghintayin ito kahit alam niyang sabik na sabik na itong magsimula sila. Nang matantiya ni Rhyanna na sapat na ang pinadaan niyang mga minuto ay naglakad na siya papunta sa kuwarto. Ipinarinig niya ang tunog ng stilleto heels niya sa wooden floor para alam ng lalaki na malapit na siya sa kinaroroonan nito. Pabalagbag niyang binuksan ang pinto. That’s their cue. The session has started. She could feel the man’s eyes behind the mask following her every movement. Nakikita kasi niya ang pagkilos ng mga iyon habang inilalabas niya ang props niya. Lumapit siya sa lalaki, kinapa ang buong katawan nito, kunwari ay para tiyakin na wala itong dalang kahit anong armas. That is part of their play scene. May fetish ang isang ito sa ganoong scenario, iyong kunwari ay pinagdududahan ito na may itinatagong armas sa katawan nito. Sinadya niyang yumuko ng husto para halos mapasagad ang mukha ng lalaki sa dibdib niyan habang kinakapkapan niya ito a bandang likuran. He made a move to touch her. Reacting quickly, she slapped his hand away. “How many times have I told you, no touching!” angil niya rito. “What do you say to me?” Hindi umimik ang lalaki. “Answer me.” Hindi pa rin ito sumagot. It’s obvious he is already into the spirit of the game. “Ayaw mo ha.” Iniwan niya ito para kunin ang leather whip na inilapag niya sa ibabaw ng kama. Inihagupit niya iyon sa hangin, doon sa tabi ng lalaki. “Hindi ka pa rin kikibo?” Nagbabanta ang tono niya. “S-sorry,” sabi nito. “For what?” “For trying to touch you.” “Uulit pa?” “No more.” “Siguruhin mo. Or else.” Inihataw niya sa sahig ang whip. Napakislot ang lalaki pero alam ni Rhyanna, hindi iyon dahil sa takot. Sa ilang buwan na rin niyang pagiging Domme ay nababasa na niya ang sinasabi ng body languange ng mga kliyente niya. This man is starting to get aroused by the show of violence. Limited corporal punishment lang ang gagamitin niya rito. Iba-ibang punishment level din kasi ang gusto ng mga kliyente. Mayroon na gusto na masasaktan sila nang husto. Ang isang ito, saktong sakit lang ang hanap. Sa ganoon lebel din mas kumportable si Rhyanna. She could whip a man till she draws blood. Trabaho lang naman iyon. Pero may punto na nangingimi na siya. May safe word ang bawat kliyente. Iyon ang salitang sasambitin ng mga ito kapag ayaw na ng mga ito na madagdagan ang parusang natatanggap nito pero kung minsan ay si Rhyanna na ang gustong tumigil sa ginagawa niya dahil pakiramdam niya ay masyado ng intense ang play scene nila. Na hindi niya puwedeng gawin ng basta lang dahil malamang ay ma-bad trip ang kliyente niya. With this guy, she is comfortable with the level of punishment she needs to inflict. Iwinasiwas na naman niya ang leather whip. “Take off your clothes,” utos niya rito. Parang nag-atubili pa ang lalaki. “I said take it off.” Sumagitsit sa hangin ang panghagupit, bahagyang nahagip sa bandang balikat ang lalaki. Mahapdi iyon, sigurado ni Rhyanna base pa lang sa tunog. Agad nang sumunod ang lalaki. Isa-isa nitong kinalas ang butones ng polo nito saka inilaglaglag ang damit sa sahig. “Your pants,” utos niya. Sa pagkakataong iyon ay inihagupit na agad niya ang whip. Mabilis na nahubad ng lalaki ang pantalon nito. Briefs na lang ang natira. May namumukol na sa harap niyon. Lumapit ulit dito si Rhyanna. Hawak na niya ang lubid na gawa sa silk. Itatali niya ang lalaki. Kagaya kanina, sa pagyuko niya ay sumayad sa mukha nito ang dibdib niya. Tinignan niya ng masama ang lalaki na agad naman iniiwas ang ulo niya palayo sa mauumbok na kalamnang nasa harap nito. Sinadyang higpitan ni Rhyanna ang pagkakatali. Hindi iyon sapat para mawalan ng sirkulasyon ang kamay nito pero may sapat na kagat sa kalamnan nito. Bago siya lumayo sa lalaki ay pinasadahan niya ng kamay niya ang katawan nito, padausdos pababa ang palad niya hanggang sa umabot iyon sa namumukol na harapan ng briefs nito. Naramdaman niya ang paghigit ng hininga ng lalaki nang sumayad ang palad niya sa ari nito. Banayad niyang minasahe iyon. Nakita niyang napapikit ang mga matang nasa likod ng maskara. Bigla niyang piniga ang pagkalalaking sapo-sapo niya. Ungol ng pananabik ang kumawala sa lalaki. Tinalikuran na ito ni Rhyanna para ituloy ang inihanda niyang eksena para sa lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD