NARAMDAMAN ni Lucas na bumibilis ang paghinga niya. Nakilala niya ang simtomas ng papaangat niyang galit. Noon pa lang ay pinigilan na niya ang pagbabalik-tanaw sa kabataan niya. Once more, he took several calming breaths. And once more, the technique worked. Kumalma na ulit ang kalooban niya. Hindi na rin siya nabubuwisit na hindi available ang babaeng hanap niya. If the woman he likes wouldn’t see him, then screw her. Hahanap siya ng iba. With that in mind, he got into his car and drove off. Hindi na siya makikipag-appointment. He knows this place where a client can just drop by unannounced.
KAHIT ang lalaking hinarap ni Rhyanna ay halatang natigilan pagkakita sa kanya. Pagkatapos ay unti-unti itong napangiti.
“Fancy meeting you again,” sabi nito. “This time, I think I should introduce myself already. I’m Andre.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Andre Hidalgo.”
Hindi agad nakakilos si Rhyanna. Kung dati ay ini-isnab niya ang mga ganoong introductions, ngayon ay nakalimutan niya iyong usual dialogue niya kapag wala siya sa mood mag-flirt.
Sorry, I’m married o kaya naman ay I’m a lesbian ang top come backs niya kapag may lumalapit na lalaki sa kanya na hindi niya gustong i-entertain. Sa pagkakataong iyon ay napatulala lang siya. Blangko ang isip niya. Ang tanging naisip niya ay ito. Hot, hot, hot.
At ganoon din ang biglang naramdaman niya.
Tumingin sa kamay nito ang lalaki na nakaangat pa rin sa ere. Mukhang hindi naman ito na-offend o napahiya sa pandededma niya sa introduction nito.
“O-oh, s-sorry, I got distracted...” By your hotness, lihim niyang dugtong. “I’m Rhyanna. Valdez.”
“Nice to know your name,” nakangiting sabi ng lalaki.
Noon naman inilapag ng bar tender ang drink na in-order niya.
“Ikaw, boss, the usual?” tanong ng bar tender sa katabi niya.
“Boss?” Umangat ang isang kilay ni Rhyanna.
“Well, bistado mo na ang lihim ko. I own this place. And that means whatever you’re gonna drink is on the house.”
“Why, thank you. I can pay for my own drinks pero sino ba naman ang tatanggi sa libre, right? Just as long as there are no strings attached to the offer,” sagot niya.
“Strings? Oh, you mean if you’d need to go to bed with me because of a few measly drinks? No, hindi ako ganoon ka-cheap na lalaki. But if I were to treat you to an all-expense vacation to Bali...” Tumawa ang lalaki. “Just kidding. The pleasure of your company is enough for me. Ngayon ka lang napadpad dito, right?”
Tumango si Rhyanna.
“I hope this won’t be the last time.” Hinagod siya ng tingin ni Andre.
Kabisado na niya ang mga lalaki bago pa man siya sumabak sa kakaibang trabaho niya. Sa kilos ng kaharap niya ay nasisiguro niya, pinagnanasaan siya nito. Wala ng bago roon. In and out of her costume, men desire her. For s*x.
Sex. That three-letter word that fills her with great frustration...and fear.
“May mali ba sa nasabi ko?” Napansin siguro ng lalaki na natitigilan siya.
“Oh, wala. I just want to tell you upfront the kind of work I do. I’m a Dominatrix.” Hinintay ni Rhyanna na ma-shock ang kausap niya. Susubukan nitong itago iyon, nahuhulaan niya, pero kabisado na niya ang ganoong reaksiyon kaya makikita agad niya sa itsura nito ang nararamdaman nito. Sigurado rin siya, madidiri ito sa kanya. Pero mabuti na rin iyon para hindi na sila magbolahan pa.
“So?”
Siya pa ang nagulat. Hindi man lang kumurap si Andre. Nagduda tuloy siya kung alam ba nito kung ano ang isang Dominatrix. Pagkakita sa itsura niya ay napatawa ito.
“You expected me to run screaming away from you, right? Ganoon ba ang pantaboy mo sa mga lalaking hindi mo type na umaligid sa iyo, ang sabihin na ang trabaho mo ay iyong may kinalaman sa s*x? You could have just told me to buzz off.”
Ah, alam naman pala niya, sa loob-loob ni Rhyanna. Kaya lang, iniisip yata nito na biro lang iyon.
“Gusto ko lang maging honest right from the start,” sagot niya. “Ayokong mag-ilusyon ka pa tungkol sa akin.”
“Well, nalaman ko na ang trabaho mo and I’m still here sitting right next to you. So, can I buy you another drink?”