ITINUTOK ni Lucas ang baril sa target at nang makasiguro siya sa inaasinta ay sunod-sunod ang ginawa niyang pagkalabit sa gatilyo. Nagtumbahan ang mga latang inihilera niya sa pader, walang natira kahit isa. He felt a rush of satisfaction. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang mag-target practice. Natutuwa siyang wala pa ring kupas ang abilidad niya.
He likes guns. Well, not always. Tanda niya, may panahon na ni ayaw niyang makakita ng baril, lalo pa ang humawak niyon. Pero dumating ang punto na pinili niyang labanan ang takot niya. Ang naisip niyang paraan, ang alamin ang lahat ng puwede niyang malaman tungkol sa baril. Until he became a gun enthusiast. May koleksiyon na siya ng iba’t ibang klase ng baril. Ngayon ay kaibigan na ang turing ni Lucas sa baril. Pang-proteksiyon niya lalo pa sa panahon ngayon na ang daming krimen. At para maging effective na pam-proteksiyon, dapat ay mahusay rin siyang gumamit ng mga iyon.
Every now and then ay nagpupunta siya sa shooting range. Pero sa pagkakataong iyon ay sa loob ng property niya sa Tagaytay na lang muna siya nag-practice. Inihilera na naman niya ang ta-target-in niya. Lifting the gun, he started shooting once more.
The sound is music to his ears. He also couldn’t help being aroused by it. Nang maubos nga niya ang bala ng hawak niyang baril ay napansin niya na naninigas ang ari niya. The face of a woman came to his mind. Mistress of the Dark ang pangalang ginagamit nito. The woman he had never tasted because she wouldn’t let him.
I don’t do s*x. Sa simula pa lang ay sinabi na nito ang patakaran nito na iyon. Naisip ni Lucas na makukumbinsi niya ito kalaunan na pumayag sa gusto niya. Pero kahit gaano kalaking pera ang ialok niya rito ay nagmatigas ito.
But he is a patient man. Hindi nga niya inasahan na makikita pa ulit niya ito. At lalong hindi nito inakala na sa ganoong sitwasyon magtatagpo ang landas nila. Gusto niyang isipin na tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para mahanap niya ito.
And he would have her. He had been waiting for so long to make her his. Matagal na panahon itong naging laman ng pantasya niya. Nanabik siya rito nang husto. So when the time comes, he is sure the pleasure he would get from plunging his rigid c**k inside her would be beyond imagination.
Nagre-reload siya nang tumunog ang phone niya. Si Andre ang tumatawag. Sinagot niya iyon at nang matapos ang pag-uusap nila ay napailing-iling si Lucas. Tinapos na niya ang pagre-reload pagkatapos ay sunod-sunod ang pagpapaputok niya.
BASTA na lang ibinalibag ni Lucas ang phone niya matapos basahin iyong sagot ni Mistress of the Dark sa request niya. Not available daw ito sa gabing iyon. Hindi rin daw ito makakapag-commit kung kelan ito magiging available.
Mainit ang ulo niya. Kanina pa siya na-a-arouse at gustong-gusto niyang maglabas ng init ng katawan. He could have gotten the services of some other woman. Pero mula nang mahanap niya si Mistress of the Dark ay parang hindi na siya kuntento sa ibang babae. Mas lalo pa siyang nagagalit sa ideya na may ibang lalaking inaasikaso si Mistress of the Dark kaya unavailable ito. He felt his anger rise some more when he imagined her doing things to that man.
Huminga ng malalim si Lucas. Hindi siya dapat magpadala sa emosyon niya. Pumikit siya, nag-imagine ng mga payapang tagpo. Iyon ang natutunan niya sa psychologist na tumulong sa kanya na kontrolin ang galit niya. May anger management issues siya dati pero ngayon ay maipagmamalaki niya na nagagawa na niyang pahupain ang galit niya.
Marami-raming sessions ang kinailangan para mangyari iyon. Inaamin naman niya, he is one messed-up individual.
Thanks to you, dad!