“WHAT’S up?” bungad ni Rhyanna sa tumatawag.
“Hey, sis, ‘musta?” As usual, masigla ang boses ni Chloe.
“Still alive. But I’m sure hindi ka tumawag para lang mangumusta.”
“Aren’t you forgetting something?”
Napaisip siya. “What?”
“I should be hurt. But knowing you, I won’t take it personally. Sis, birthday ko this coming weekend.”
“Oh, oo nga pala. Sorry. Hindi ako matandain sa petsa. Sariling birthday ko nga nakakalimutan ko. Happy birthday.”
“May party. Dito lang naman sa bahay gagawin at...”
“Wala ako sa Pinas this weekend.” Inunahan na ito ni Rhyanna. Hula niya ay iimbitahan siya nito.
“Oh...” Halatang disappointed si Chloe. Na-guilty tuloy siya. Hindi naman kasalanan ng half-sister niya kung ito ay napagkalooban ng mga bagay na siya ay hanggang pangarap na lang dati.
The thing is, she is tempted to hate her sister more when she sees how their dad would shower her with affection and admiration. Achiever si Chloe. Kagaya niya, mula pre-school hanggang high school ay lagi itong number one sa klase. Valedictorian ito nag-graduate at noong college ay nag-Magna c*m Laude ito sa kursong Accountancy. Board topnotcher din.
Ang pinag-iba nila, hindi nagwala si Chloe. Wala itong dahilan para gawin iyon. His dad mellowed down when he got married for the second time. Maybe he learned from his mistakes because he made it a point to be with his family more. Kung sana lang ay nag-reach out din ito sa kanya ay baka nagawa pang matuwa rito ni Rhyanna. Pero matindi na siguro ang disgust level nito noon sa kanya kaya kung puwede lang kalimutan nito na may isa pa itong anak ay ginawa na nito. Baka nga nagkukunwari ito sa sarili na only child nito si Chloe.
“Sorry,” sabi niya.
“Okay lang, sis. It was just a thought. Pero sana puwede tayong magkaroon ng konting selebrasyon. Kahit tayong dalawa lang,” anito.
“O-oo naman. Sige, i-set natin. Tatawagan kita.” Sinabi lang iyon ni Rhyanna pero wala siyang kabalak-balak na gawin iyon. Masyadong magaling ang kapatid niya. Masyadong perfect. Being with her just makes her feel more like thrash.
Alam ng daddy niya at ng bagong pamilya nito ang tungkol sa sideline niya. No one talks about it. Minsan lang siya sinita ng daddy niya tungkol doon pero dahil wala rin naman itong magawa ay mukhang pinili na lang nitong kalimutan ang bagay na iyon. Kung bakit gusto pa ni Chloe na maging close sila, hindi niya maintindihan. Pero siya, ayaw niya.
“I’m driving so I have to go. Happy birthday ulit,” sabi ni Rhyanna.
“Thanks, sis. Lets keep in touch okay?”
“Of course.” Pinatay na ni Rhyanna ang telepono.
Dadaan pa dapat siya sa mall pero na-upset siya sa pag-uusap nila ng half-sister niya kaya pinili na lang niyang tumuloy na sa condo. Nag-movie marathon siya tapos ay natulog na. Kung magtatrabaho siya mamayang gabi, pag-iisipan na lang niya paggising niya. She no longer has a regular day job.
Dati ay nagtrabaho siya sa marketing department ng isang sporting goods company pero hindi niya matagalan ang routine ng gigising sa umaga, papasok sa opisina, uuwi sa gabi at kinabukasan ay uulitin na naman niya iyon. May kasamahan siya sa opisina na may kilalang broker. Tinulungan siya nito sa paghahanap ng investments at sinuwerte naman siya. Sa kita ng mga iyon, idagdag pa iyong perang naipon niya sa mga allowances niya dati pa, ang ginagamit niya para sa gastusin. Ang para naman sa mga luho niya ay sa pagiging Domme niya kinukuha.
MAY KAUSAP sa phone si Andre. Isa sa kaibigan niya, si Mark, ay paalis na ng Pinas. Susunod na ito sa Canada kung saan resident na ang misis nito. Ilang taon nang nauna roon ang asawa nito. Nagka-problema lang sa papeles si Mark kaya natagalan ng konti ang pag-alis nito. Iniaalok nito sa kanya ang condo unit na nabili nito pero bago pa man malipatan nito ay nalaman na nga ng kaibigan niya na makakaalis na ito.
“Sige na, bro. Para wala na ‘kong kailangang ayusin na loose ends sa Pinas sa pag-alis ko. I doubt kasi kung babalik pa kami dito. Kapag dumadalaw kami, doon na lang kami mag-i-stay sa ancestral house ni misis. Caretaker na rin lang ang nakatira roon eh.” Only child si Mark at iyong mga magulang nito, na matagal nang hiwalay, ay may mga bagong pamilya na ulit.
“Pag-iisipan ko. Wala sa plano kong bumili ng condo sa mga panahong ito eh.”
“Investment rin iyon. Ipa-rent out mo kung gusto mo. You can check it out. Matulog ka roon ng kahit ilang araw para ma-feel mo ang ambiance. Maganda iyong amenities at tahimik iyong area. Kaya nga rin nagustuhan ko. Malay ko bang aalis na pala ako.”
“Okay. Susubukan ko.”
“Great. Meet tayo at ibibigay ko sa iyo iyong susi. Nasaan ka ba?”
“Pauwi. Matutulog muna ako pero sige, magkita na muna tayo.”
Nag-set sila ng lugar pagkatapos ay pinaharurot na ulit ni Andre ang Harley niya. Habang umaandar siya ay pasulpot-sulpot sa diwa niya ang itsura ng babaeng nakita niya sa parking area ng bangko. Gagamit dapat siya ng ATM pero kinalimutan na muna niya iyon. Mas pinili niyang sumunod sa kotse ng babae. Ni hindi niya maintindihan kung bakit ginawa niya iyon. He is like a moth drawn to a flame.
Ordinary street clothes ang suot ng babae pero kahit hindi ito naka-costume at kahit halos wala itong make-up ay nag-uumapaw pa rin ang sensuality nito na una nang nakakuha ng pansin ni Andre. Nagulat nga lang siya sa reaksiyon nito. Nakita kasi niya kung paano ito nataranta, nag-panic, matapos ang malalakas na tunog na galing sa tambutso ng isang motor.
Bago pa man niya malaman kung sino ang babaeng nagpa-panic ay dinaluhan na niya ito. Imagine his surprise when he discovered that the woman he held in his arms is the same woman who had been on his mind ever since he saw her. Nakakagulat nga lang ang reaksiyon nito. Sobrang nag-panic naman ito. Ang layo ng itsura nito doon sa papel na ginagampanan nito bilang Dominatrix. Pero kung siya ang tatanungin, nakadagdag pa ang nasilip niyang vulnerability nito para mas lalong maantig ang interes niya rito. Gusto tuloy niyang magsisi na hindi niya kinuha ang contact number nito na iniaalok na noon sa kanya ng babaeng kausap niya sa condotel.