“IKAW ba, kelan mo balak gamitin ang charms mo?”
Natawa si Andre. “Gamit na gamit, dude.”
“Really? Saang banda?” Luminga-linga pa ito. “I haven’t seen you with the same woman twice. Don’t tell me na hanggang ngayon...”
“Dude, no!” Binara na agad niya ito.
“Owwkaay!” Itinaas pa ni Lucas ang dalawang kamay.
“Look who’s talking. Parang ikaw eh may regular girlfriend ah,” komento niya.
“I’m still in the process of choosing the best. Cream of the crop ang hanap ko, hindi iyong basta babe lang. But I have someone in mind. Hindi ko pa lang sineseryoso. I’m still having fun sowing my wild oats. Bago ako mag-settle down, gusto ko nasubukan ko na lahat ng gusto kong subukan.”
Single and available, that’s what they both are. Si Andre, mukhang matatagalan bago niya gustuhing mag-asawa. Well, there was a time he was raring to get married. But her girlfriend, Jean died of an auto-immune disease. Nadiskubre ang sakit nito a few months before they are supposed to get married. Inaasikaso na nga nila noon ang kasal nila. She called the wedding off. Iyon eh kahit gusto ni Andre na ituloy nila iyon.
I won’t saddle you with a sick bride, giit nito.
Nasa States ang mga magulang ni Jean, citizens na roon. Kahit iyong mga kapatid nito ay nakuha na ng mga ito. Dinala ng mga ito roon ang dalaga para subukang ipagamot. But sadly, she died after a few more months. Ang mas ikinasasama ng loob ni Andre ay ni hindi niya masyadong nasamahan ang nobya nang mga panahong kailangan nito ng suporta at pagmamahal niya. Dumadalaw-dalaw siya pero hindi rin naman siya puwedeng magtagal nang husto dahil sa inaasikaso niyang negosyo.
The ideal girlfriend, that’s what Jean is. Approved na approved ito sa pamilya niya, kahit pa nga sa lolo niya na kung standards sa mga mapapangasawa nilang mga apo nito ang pag-uusapan ay halos walang makapasa. And he loved her, maybe still loves her up to now. Kaya okay na sa kanya ang pa-date-date lang. Just for the sake of his biological needs.
“I’m a wild thing, dude,” patuloy ni Lucas. “And right now, I’m into wild stuff. Hey, baka gusto mong subukan.”
Nagdududang tingin ang itinuon niya sa kaibigan. “I think I’ll pass.”
“Ni hindi mo pa nga alam kung ano iyon, tinatanggihan mo na? Well, ang sa ‘kin lang kasi eh mas maganda na ang mag-explore ako ngayon habang wala pa ‘kong sabit para kapag nag-pamilya na ‘ko eh wala na ‘kong hahanap-hanapin. This thing I’m into, it’s something I would bet all my money in the bank that you haven’t even thought of trying.”
Naintriga si Andre, sa tutoo lang. Alam niyang sobrang adventurous ng kaibigan niya. He’s into extreme sports. Tumitikim ito ng exotic dishes, kahit nga sa s*x, daring ito. Dati ay nagpunta ito sa isang gay bar. Minsan naman ay pumasok din ito sa isang club na ang mga clients ay mga lesbian. Drugs lang ang hindi raw nito papatulan kahit kailan dahil nakakasira ng ulo ang mga iyon. Although one time, he did smoke weed para lang daw malaman ang pakiramdam. Hindi naman daw kasi synthetic drug ang m*******a.
“Ano na naman ba ‘yang bagong hilig mo?” tanong niya.
“Sumama ka sa ‘kin para malaman mo.” May sinabing time at date si Lucas.
“WHOA! No way!” Ang tindi ng tanggi ni Andre nang sabihin ng kaibigan niya kung ano ang gagawin nila sa condotel na pinuntahan nila. Nasa elevator sila noon, dalawa lang silang sakay. “I’m gone.” Aabutin dapat niya ang control panel para pindutin ang kahit anong buton. Paghinto ng elevator sa floor na mapindot niya ay lalabas na agad siya.
“Where’s your sense of adventure, man?” kantiyaw ni Lucas na hinawakan ang braso niya para hindi niya magawa ang balak.
“Adventure? I don’t think so. In fact, in my opinion, what you’re doing is quite...quite...sick.”
“Sick kung nasasaktan ako ng tutoo. Sick kung kailangan ko talagang masaktan para lang makaramdam ng s****l fulfillment. But no. I can have s*x and reach climax the regular way. I am just exploring my dark side kaya ako sumubok ng ganito,” paliwanag ni Lucas.
Hindi siya para husgahan ang kaibigan. To each his own ang attitude niya. Pero hindi siya para gumaya pa kay Lucas.
“Dude, ang BSDM ay isa lang sa maraming aspects ng paghahanap ng s****l fulfillment. Magugulat ka kung gaano karami ang kasama sa s****l fantasies nila ang ganitong bagay. There are the sickos, of course. Iyong hardcore pain ang gusto at doon lang sila makakaraos. And it’s all they want. Ako, subok lang. Tikim-tikim. At hindi ako nagpapagulpi ‘no. Just a little pain, that’s all. Who knows, you might like it, too.”
“No.”
“Okay, just...just watch.”
“Mas sick pa yata iyon ah. Panonoorin pa talaga kita?”
“Not up to the point where I’m already enjoying myself. That would be weird. Hanggang sa prelude ka lang. Para magka-idea ka. Come on, don’t be such a sissy. You’ll get a kick out of this, I’m sure.”
Walang kailangang patunayan si Andre sa kaibigan niya. Puwedeng-puwede niya itong iwan kung gusto niya. Pero inaamin niya, may bahagi ng pagkatao niya ang na-curious. Nababasa lang niya ang tungkol sa BSDM, o Bondage and Discipline, Submission and Dominace, Sadism and Masochism. Isang perversion ang tingin niya roon at iyong mga taong gusto ng ganoon, mga s****l deviants.
“You can always leave if your stomach is really not up to it,” patuloy ni Lucas. “Who knows. You might realize it’s not as bad as you think it is. Ganyan din ako noong una. Nadidiri ako. Pero nanood lang muna ako and I discovered that it’s kinky stuff that can put spice into my s*x life. Nasa sa iyo naman kung gusto mong masaktan nang husto o iyong kunwa-kunwarian lang iyong sakit na ipapatikim sa iyo.”
Napukaw na nang husto ang curiosity ni Andre. Sabi nga nito, nasa kanya naman kung hanggang saan ang kaya niya. He could always leave if he wants to.
“I’ll just watch. Saka ko na iisipin kung gusto ko ring ma-experience iyang sinasabi mo.” Nakapag-decide na siya.