CHAPTER 6

815 Words
NANUNUYO ang lalamunan ni Rhyanna nang dumilat siya. Ang tagal na panahon na ang dumaan mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa mall. And up to now, remembering just bits and pieces of it is enough to fill her with horror. Kidnap for ransom ang raket ng dalawang lalaking lumapit sa kanya. Hindi big time ang mga ito. Nangingidnap ang mga ito kapag nakasilip ng oportunidad at hindi iyong pinagpaplanuhan pa ng mabuti ang gagawing pagdukot. Natiyempuhan lang siguro siya ng dalawa, nahinuha na may kaya sila sa buhay, kaya sinundan siya. Hanggang ngayon ay hindi ganoon kay Rhyanna iyong panahong nasa poder siya ng kidnappers. Ang natatandaan niya, takot na takot siya. Na saktan ng mga ito. Na patayin kahit pa magbayad ng ransom ang daddy niya. May pagkakataon din nga na natakot pa siya na hindi mag-aabala ang daddy niya na tubusin siya. Maraming detalye ang hindi niya matandaan. In fact, the whole incident is a big blur in her memory. She could recall some parts of it and not the whole picture. Tanda niya, nagkaroon ng barilan sa pagitan ng nagbabantay sa kanya at ng mga pulis. Kung paano natunton ang kinaroroonan niya, hindi alam niya alam. Namatay iyong mga nagbabantay sa kanya. Kitang-kita niya. And she was shot, too. Nawalan siya ng malay dahil sa sakit. Nang magising siya ay nasa ospital na siya at noong una nga ay wala siyang maalalang dahilan kung bakit nandoon siya. Sa kabila ng intensive psychotherapy na sinailaliman ni Rhyanna ay hindi lubos na nawala iyong trauma na inabot niya sa pangyayaring iyon. Since then, there seems to be this darkness inside her that she couldn’t shake off. Sa batang isip niya ay hindi niya mapigilan na sisihin ang daddy niya. Kung hindi siya pinabayaan nito ay hindi siya maki-kidnap. And she started to hate him for it. Kung dati ay namamalimos siya ng atensiyon, matapos ang kidnapping incident ay nagde-demand na siya niyon. And when he wouldn’t give it to her, she started doing things that would make him sit up and pay attention to her. Sinapo ni Rhyanna ang ulo niya. Mukhang aatakihin pa yata siya ng migraine. Mabuti na lang at tapos na ang trabaho niya. Uuwi na lang ulit siya sa condo. Hindi na muna siya mag-e-entertain ng ibang kukuha ng serbisyo niya. MALAKAS ang tugtog. Magulo. Maingay. And Andre likes it that way. Ibig sabihin lang ay maraming tao sa bar niya. Mga taong nag-e-enjoy. Iginala niya ang tingin sa paligid. Yup, people are having fun alright. Jam-packed ang dance floor at walang bakanteng mesa. His bar, Roar, is definitely roaring. Tumuloy siya sa bar area. May natanaw siyang nakaupo roon, isang lalaki. Nakatalikod ito sa kanya pero sa body built at porma nito ay nakilala na agad ito ni Andre. “Don’t tell me na na-basted ka kaya ka nag-iinom diyan.” Tinapik niya ito sa balikat saka tinabihan. Ngumisi sa kanya si Lucas. Ka-frat niya ito noong college at nang maka-graduate sila ay maya’t mayang nagku-krus ang landas nila. Sandali lang nagtrabaho sa isang multinational company si Andre bago siya nag-decide na magtayo ng sariling negosyo, isang restaurant. Hindi iyon gaanong pumatok. Kumikita naman pero hindi ganoon kalaki. It was Lucas’ idea to turn it into a resto-bar. Ang Andre’s ay naging Roar. That was two years ago at unti-unti ay naging go-to place ang bar. Dahil doon ay tinigilan na rin sa wakas ng daddy niya ang pangungulit sa kanya na sundin ang gusto ng lolo niya, si Lolo Geron, na sa kumpanya ng angkan nila siya pumasok. Isang food manufacturing company iyon. Pero umiiwas si Andre na matali sa kumpanya. He is having enough trouble keeping himself away from his grandfather’s prying eyes as it is. Kung maya’t maya silang magkikita sa opisina ay siguradong mas marami itong mapapansin – at pupulaan – sa kilos niya. “Ako? Maba-basted?” Tumawa si Lucas. “Not in this lifetime, dude. Hindi pa ipinapanganak ang babaeng makaka-resist sa charms ko.” “Ah, diyan ako walang masabi sa iyo. Iyong yabang mo, abot dito.” Itinaas ni Andre ang kamay lagpas-lagpas sa ulo ng kaibigan. “With good reason, my friend. Backed by facts and evidence ang ipinagmamalaki ko.” Sumenyas sa bar tender si Lucas, itinuro ang baso nito. “Just bring the whole bottle, Tony,” utos ni Andre sa bar tender. Siya na rin ang naglagay ng inumin sa baso ni Lucas nang ilapag sa harap nila ang bote ng Henessy, ang paboritong inumin nito. On the house ang drinks tuwing pupunta roon ang kaibigan niya. May bagong tatat na naman itong negosyo, isang gym and wellness spa. Maganda rin ang kita. Para naman makabili ng ilang prime properties si Lucas at maging member pa sa ilang exclusive resort clubs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD