Chapter 18

1121 Words
THIS IS not the first time we’re going to kiss but why it feels different this time? Ilang sentimetro na nga lang ang lapit ng kanilang mga labi ay bigla na lang tumunog ang phone ni Vander. Kaagad namang naglayo ang dalawa. Mabilis na iniwas ni Ticia ang kanyang tingin sa binata. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat ang nangyari o madi-disappoint siya dahil hindi natuloy ang kiss na ini-expect niya. Inisip na lang niya na right timing ang phone call sa wrong timing nila sanang kiss. Wrong timing kasi hindi naman nila dapat ginagawa iyon dahil they were just pretending as a couple. Hindi nga lang niya alam kung pretending pa ba iyon para kay Vander dahil sa ikinikilos niya kanina, mukhang iba na. “Hello? Yes, mom. I’ll be home after my class. I just have to meet with someone,” narinig niyang sabi ni Vander sa kausap bago nito pinatay ang tawag. “Sorry about that,” saad ni Vander matapos ibaba ang telepono. “No. Don’t be. It must be important,” wika naman ni Ticia na panaka-nakang sinusulyapan si Vander. Hindi niya magawang tingnan nang diretso ang binata dahil sa ginawa nito kanina. She needed to compose herself so Vander wouldn’t think she felt something about what happened earlier. Baka kasi kung saan pa mapunta ang lahat kapag ipinakita niyang aligaga siya. “Was it your mom?” bigla niyang tanong para mabaling sa iba ang isip ni Vander. “Yeah. Kauuwi niya lang from a business trip. She always wanted to see me kapag umuuwi siya,” pahayag ni Vander. “Para din palang si Mommy. Gusto niya, magkasama kaming mag-dinner kapag galing din siya sa business trip,” sambit naman ni Ticia. “You know what, I have an idea,” singit naman ni Vander. “Ano ‘yon?” “Why don’t you come with me. Ipapakilala kita sa mommy ko,” he suggested. Napaisip si Ticia sa alok na iyon ni Vander. “Ha? Sandali lang. Let me remind you Mr. Dela Vega. We’re not real couple here. Ginagawa lang natin ito para tigilan na ako ni Zeek. Hindi kasama sa usapan natin na ipakilala mo ako sa magulang mo.” Namilog ang mga mata ni Vander. Maybe he realized something with what she said. “Ah… eh…” “Yes?” Ticia said waiting for him to answer. Iyon ay kung may maisasagot siyang matino sa kanya. “K-Kasi kailangan kitang ipakilala para hindi maghinala sina Zeek kung girlfriend ba talaga kita o we’re just pretending.” He made a point. Sa maikling panahon na nakilala niya si Zeek, alam niyang gagawa ito ng hindi maganda kapag nalaman nito na hindi totoo ang relasyon na mayroon sila ni Vander. “My mom always asking my friends kung may girlfriend na ba ako o wala pa. Kapag hindi kita kaagad naipakilala kay Mommy, malamang mag-iisip na sila,” Vander added to convince her. “Tama ka,” she just said. “So, let’s go?” “Payag ka na?” “Ayaw mo ba?” tanong ni Ticia. “No. I just get the car and wait me here.” Nagmamadaling umalis si Vander para kunin ang sasakyan. *** “HELLO, Mom. How was your trip?” Agad na sinalubong si Vander ng ina pagkapasok pa lamang niya ng pinto ng kanilang bahay. Ito na nga mismo ang nagbukas para sa kanya. Halata ang excitement sa mukha ng mag-ina nang muli silang magkita. Two weeks din kasing nawala si Serene kaya siguro ganoon na lang ang pagkasabik nitong makita siya. Isang mahigpit na yakap kaagad ang isinalubong nito kay Vander. “I’m okay. I closed another deal with our Korean partners,” Serene confirmed. “Wow! Congratulations! I’m so proud of you.” “Thank you, and because of that, we need to celebrate,” sambit ni Serene na kaagad siyang hinatak papuntang kusina pero hindi pa man sila nakakarating doon ay pinigilan niya naman ang ina. “Wait, Mom. Ahm… I want you to meet someone,” sabi niya. “Who?” tanong naman ni Serene. Saglit namang lumabas si Vander at pinuntahan si Ticia na noo’y nag-aabang lamang sa likod ng pintuan. Hinawakan niya ang mga kamay ni Ticia. “Are you sure about this?” tanong ng dalaga na halatang kinakabahan. “Don’t worry. Ako’ng bahala sa iyo,” sambit niya kay Ticia bago pinagdaop ang kanilang mga kamay. Kinindatan pa niya ito para lang matanggal ang kabang nararamdaman. Magkasabay silang pumasok ng pinto na magkahawak ang kamay at hinarap ang kanyang ina. “Mom, I want you to meet my girlfriend… Ticia,” pormal niyang pagpapakilala kay Ticia sa ina. Gulat ang unang naging reaction ni Serene sa nakita. Normal lang siguro iyon lalo pa’t matagal bago ulit nagpakilala si Vander ng girlfriend sa ina. Pero kakaibang gulat ang ipinakita ng ina. Para bang bigla itong namutla nang sa wakas ay makita na si Ticia. “H-Hello po, Tita,” Ticia said. Medyo nahihiya pa itong tingnan ang kanyang ina. “Mom, is there something wrong?” tanong ni Vander nang mapansing halos hindi na makagalaw ang ina sa kinatatayuan. “H-Ha? W-Wala!” iiling-iling na sagot ni Serene na sa wakas ay nilapitan si Ticia. “Hello, hija. Welcome.” Doon pa lamang nakipagbeso ang ina sa dalaga. “Mom, you said earlier you cook lunch for us?” tanong niya. “Ah… O-Oo nga pala. Let’s go!” He finds her mom acting weird that time. Natural lang siguro iyon lalo pa’t hindi niya ini-expect na ipapakilala niya si Ticia sa kanya. “Wrong timing yata ako, Vander. Parang hindi yata ako gusto ng mommy mo,” hinuha ni Ticia na medyo disappointed sa naging reaction dito ng kanyang ina. “No. Huwag mong isipin ‘yon. Mabait ‘yang si Mommy. Baka pagod lang kaya ganoon ang reaction niya,” pangungumbinse ni Vander sa dalaga. Alam niyang hindi magiging madali ang sitwasyon nila ngayong nakilala na ni Serene si Ticia. Sa pagkakataong iyon ay hindi lang sa kaibigan nila sila magpapanggap. Kailangan din nilang paniwalain ang ina niya na totoo ang relasyon na mayroon silang dalawa. Pero pagpapanggap lamang ba talaga iyon para kay Vander o dahilan niya lamang iyon para mapalapit sa dalaga. Dahil noon pa man, gusto na niya si Ticia bago pa man niya ito nakita sa Dalton Academy. Ticia was that little girl he met in the orphanage before Serene adopted her. Kaya hindi niya alam kung pagpapanggap pa ba iyon o may nararandaman na siya para sa dalaga. Dahil sa totoo lang, matagal niyang hinanap ang batang iyon. Ngayong nasa harap na niya ito, pakakawalan pa ba niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD