HINDI maaaring magkamali si Serene. Tandang-tanda niya ang mukha ng batang babaeng iyon. Ilang taon man ang nakalipas ay nakarehistro pa rin sa kanyang isipan ang hitsura ng anak nina Evo at Stella. Tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ang batang babaeng iyon ay kasintahan ngayon ng kanyang anak na si Vander. Pormal pa nga nitong ipinakilala ni Vander sa kanya kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita si Leticia. Ticia ang tawag ni Vander dito pero alam niya ang totoo nitong pangalan. Matagal na siyang walang koneksyon kay Evo at Stella kaya hindi na rin niya alam kung ano na ang nangyari sa buhay ng mga ito. Pero hindi niya akalain na sa isang iglap, darating ang isang bagay na kinatatakutan niya. Ang muling mag-krus ang landas nilang tatlo. Sa sitwasyong nangyayari, hindi malayong mangyari ang bagay na iyon.
Pinipilit niyang maging kalmado sa mga oras na iyon. Hindi niya maaaring ipahalata kay Vander na kilala niya ang girlfriend ng anak mula ulo hanggang paa. Matagal nang panahon ang nakalipas at napatawad na niya ang mga tao sa likod ng masakit niyang nakaraan. Pero sa nangyari, mukhang may masasaktan na naman.
“So, hija… Ticia, right?” She needed to compose herself. Hangga’t maaari, kailangan niyang kumilos nang normal sa harap ng anak niya at ng girlfriend nito.
“Yes, ma’am,” Ticia said.
“Oh, don’t call me ‘Ma’am’. Please call me ‘Tita’,” saway niya rito. Literal naman talaga na dapat siya nitong tawaging ‘Tita’ dahil pamangkin niya ito.
“Oh, sorry… Tita,” sagot nito.
“It’s okay.” Binigyan niya ito ng tipid na ngiti. “Anyway, would you mind if I ask you something… personal?” tanong ni Serene na may pag-aalinlangan pa sa huling salitang sinabi.
“Sure po. Ano po ba ‘yon?” Ticia asked.
“What’s the name of your parent?” Nagsimula na siyang mag-interrogate para masiguradong ito nga ang anak nina Stella at Evo.
“Ah… Dela Vega po. My mom’s name is Stella Villaflor and my dad is Evo Dela Vega. I’m still using the family name of my dad dahil iyon daw po ang hiling niya before he left us,” pahayag nito. Sabi ko na. Confirmed. Tama nga ang hinala niya. Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang iniisip. Pero ang nakakapagtaka ay hindi man lang siya nakilala ni Leticia. Kung sa bagay, ilang taon na rin ang nakalipas at marami nang nagbago. Isa pa, bata pa ito nang huli niyang nakita kaya malamang ay nakalimutan na nito ang kanyang hitsura.
“Alam mo ba, mom. Siya ang anak ng may-ari ng Leticia’s Collection. ‘Yong pinakasikat na jewelry brand dito sa Pilipinas? And the company was named after her. Ticia, short for Leticia,” pagmamalalaki ni Vander sa kanya.
“Really?” Kunwaring nagulat si Serene sa sinabi ng anak pero lingid sa kaalaman nito, alam na alam niya ang totoong pagkatao ng girlfriend ni Vander.
“Yes!” masayang wika ni Vander pagkatapos ay bumalik sa pagkain. Tinititigan niya lang ang dalawa na mukha namang masaya sa isa’t isa. Ayaw man niyang kumontra sa saying nararamdaman pero kailangan. Hindi iyon tama para sa kanila.
***
MAAGANG pumasok sa opisina si Stella suot ang maganda niyang ngiti sa mga empleyadong sumasalubong sa kanya. Panay ang bati ng mga ito ng ‘good morning’ sa kanya habang naglalakad sa lobby ng building. Magiliw naman niyang binabati pabalik ang mga nakakasalubong niya. Ganoon palagi ang kanyang awra sa tuwing papasok. Pero isa lang talaga ang requirement niya sa mga empleyado. Iyon ay ang huwag siyang sabayan sa elevator kapag nakasakay siya. Ayaw kasi niya ng naaabala kapag sasara at bubukas ang elevator. Kinakain kasi noon ang oras niya. Sa halip na nakakapagtrabaho siya, kailangan pa niyang hintayin ang mga empleyado na pumunta sa kani-kanilang floor bago siya makarating sa opisina niya na nasa tuktok pa ng building. Mahalaga sa kanya ang bawat segundo ng kanyang trabaho kaya hindi niya puwedeng aksayahin ang bawat patak nito. Kaya naman nang makarating na siya sa harap ng elevator ay mabilis na nagsilabasan ang mga empleyado roon. Saka pa lamang siya pumasok nang mabakante na ito. Kasunod naman niya ang kanyang executive assistant na si Valene.
“Valene, what’s my schedule today?” agad niyang tanong.
Valene immediately opened her tablet. “You have a meeting with Mr. Postrana for the launching of new collection and lunch meeting with Park Group,” the girl behind her said.
She has many things on her plate and she couldn’t waste any second of her time. Pasok na sana siya ng kanyang office nang bigla na lang tumayo ang kanyang sekretarya at sinalubong siya nito na hingal na hingal. “Ma’am, may babae pong pumasok sa opisina ninyo. Importante daw pong makausap niya kayo. Pinigilan ko naman po siya pero—”
“Shh!” pagpigil ni Stella sa sekretarya. “Sino daw siya?” tanong pa niya.
“S-Serene daw po.” Napakunot ng noo si Stella. What is she doing here? Hindi na niya hinintay pa ang susunod na sasabihin ng kanyang sekretarya. Agad niyang binuksan ang pinto ng kanyang opisina at bumungad ang nakaupong si Serene sa couch na nasa harap ng kanyang office table.
“Hi, Stella. It’s been a while,” bati pa nito nang makita siya. Napakatagal na ng panahon na hindi sila nagkikita ni Serene. Ilang taon na nga ba? Five? Eight years? Hindi na rin niya matandaan. Ang huli niyang kita rito ay noong mamatay si Eric. Pagkatapos noon ay umalis ito ng bansa at wala na siyang nabalitaan pa kay Serene. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya sa muli nitong pagkikita.
“Hello, Serene. What brings you here?” Nakipabeso-beso siya kay Serene. Wala na rin naman siyang sama ng loob dito at napagbayaran na naman din niya ang kasalanan niya kay Serene. Pero hindi niya alam kung matutuwa ba siya na nagkita silang muli.
“May importante akong gustong sabihin sa iyo… tungkol sa anak mo,” saad ni Serene. Mukhang importante nga iyon kaya umupo siya sa couch sa harap nito.
“Valene, you can leave us now,” utos niya sa kanyang excecutive assistant.
“Yes, ma’am.” Kaagad naman siyang sinunod nito bago muling hinarap si Serene.
“What’s that important thing you need to say about my daughter?” Kinabahan siya. Parang hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito. Ano nga kaya iyon?