Chapter 10

1104 Words
A WOUNDED heart will not easily heal as long as the memory of pass was still there. Sariwa pa sa alaala ni Vander ang masakit na nakaraan na pilit na niyang gustong kalimutan. Halata sa mga mata niya ang lungkot habang tinitigan ang larawan sa kanyang wallet. Walang kahit na sinong nakakaalam ng nangyari; maliban sa kanyang mga kaibigan at kanyang ina. Hanggang ngayon kasi ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkawala ng dating kasintahan. Hindi kasi niya matanggap na namatay ito na wala siya sa tabi nito. Mabigat ang paghikbi at pag-agos ng luha sa mga mata ni Vander nang muling manumbalik sa kanya kung paano nito kitilin ang sariling buhay sa lugar kung saan din niya ito nakilala – ang lugar kung saan din sila nakulong ni Ticia – sa rooftop. Kaya siguro ganoon na lamang ang naisip na Zeek na gawin kay Ticia, para makita niya kung talagang magagawa niyang kalimutan ang lahat sa pamamagitan ng dalaga. Pero hindi iyon ganoon kadali para kay Vander. Hindi iyon isang pangyayari sa buhay niya na parang pelikula lang na puwedeng huwag nang panoorin kapag hindi nagustuhan. Para kay Vander, ang pangyayaring iyon na pilit niyang kinakalimutan ay tila masakit na eksena sa pelikula na kahit hindi na pinapanood ay maaalala at maaalala pa rin niya. Ganoon kasakit ang nakaraan para kay Vander. Habang nasa kalagitnaan ng mabigat na dinaramdam si Vander ay may biglang kumatok sa men’s room. “May tao ba riyan?” wika ng boses sa labas kasunod ang sunod-sunod na pagkatok. Agad naman niyang pinunasan ang mata na basang-basa ng luha. Agad naman niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang lalaking medyo may edad na. “Sorry, sir.” Tinanguan lang siya nito bago siya lumabas ng banyo. Naroon na ang order niyang pagkain sa table nila nang bumalik siya roon. Abala na rin sa pagkain si Ticia nang makaupo siya. “Sorry, nauna na ‘ko sa ‘yo. Gutom na kasi ako.” Hindi nito nahalata ang malungkot na mata ng binata. Tiningnan lang niya si Ticia habang kumakain. Saglit na nawala sa kanyang isipan habang tinitingnan ang dalaga kung paano ito kumain. That was the first time he saw a girl eating like nobody’s watching her. Wala itong arte kung paano ito isubo ang malaking piraso ng medium rare steak na in-order niya para sa kanila. “Enjoying your food?” he asked. “Yeah. Tama ka, masarap nga ang pagkain dito,” saad ni Ticia kahit puno pa ang bibig nito. “Kailan ka ba huling kumain at parang kahit plato ay maisusubo mo na?” Natigilan si Ticia sa sinabing iyon ni Vander. Biglang bumagal ang pagnguya nito bago uminom ng tubig, tila ba nahiya bigla sa kanyang inakto. “Sorry…” Kaagad na pinunasan ni Ticia ang bibig gamit ang napkin. Hindi nito magawang makatingin nang diretso sa kanya. “Kasalanan mo kasi, I never had a dinner last night kaya gutom na gutom ako,” paninisi nito sa kanya. Vander smirked. “You’re cute.” Tumayo si Vander at nilapitan si Ticia. Kahit nagpahid ito ng bibig ay may naiwang kapirasong karne pa rin sa bibig nito. Napatitig si Ticia sa kanya nang magkalapit ang kanilang mga mukha. “Messy eater ka rin pala,” he said when he wiped her lips. “Sorry…” Iyon lang ang nasabi ni Ticia. “Continue your food,” sabi pa niya bago sumabay na rin sa pagkain. *** I THOUGHT he was going to kiss me. Hindi alam ni Ticia kung panghihinayang o pagsisisi ang mararamdaman niya sa nangyari kahapon nang mag-breakfast sila ni Vander sa paborito nitong restaurant. Nang alisin kasi nito ang dumi sa kanyang mukha ay nakaramdam siya ng kakaibang bilis ng pagtibok ng puso. Hindi iyon dahil sa kaba o baka sa steak na kinain niya. Basta, hindi niya maipaliwanag ang t***k ng puso niya noong mga oras na ‘yon. “Ano ba ‘yan, wala man lang cute dito sa Timber,” reklamo ni Vien na panay ang swipe left sa kanyang phone. Naghahanap kasi ito ng makaka-blind date kaya nag-install ito ng dating app sa kanyang cellphone na tinantawag nilang ‘Timber’. Hindi ito pinapansin ni Ticia na tulala pa rin at malalim ang iniisip. Nang mapansin naman siya ng kaibigan na kanina pang walang imik ay inilapag nito ang telepono sa mesa at tinitigan siya. “Lalim ng iniisip mo, ah,” sita ni Vien sa kanya. “H-Ha? Wala. May iniisip lang,” sagot ni Ticia nang makuha ng kaibigan ang atensyon niya. “Ano naman… or I mean, sino?” mapanudyong saad nito. “Anong sino? Bakit mo naman naisip na ‘yon?” tanong niya sabay iwas ng tingin. “Wala lang. Baka kasi you’re thinking of someone,” saad ni Vien. “Wala, ‘no. Teka nga, ano ba ‘yang ginagawa mo?” pag-iiba ni Ticia sa usapan at kinuha ang phone ni Vien sa mesa. Mabilis namang binawi ni Vien ang telepono nito sa kanya. “Wala. Naghahanap kasi ako ng cute na guy na p’wedeng i-date. Five months na kasi akong single.” Nalaman kasi noon ni Vien na niloloko ito ng ex-boyfriend. Nakita pa nitong magkapatong ang ex nito at ang babaeng ipinagpalit rito. Noong mangyari iyon ay sa kanya tumakbo si Vien para magsumbong. Wala namang nagawa si Ticia kundi ang damayan ang kaibigan. “Ang bilis mo naman yatang maka-move on? Dinaig mo pa si The Flash sa paghahanap ng bago mong boyfriend,” pang-aasar ni Ticia sabay tawa. Inirapan naman siya ni Vien. “Bakit ikaw? Kailan ka ba huling nagka-love life? ‘Yong lalaking nasa bahay-ampunan pa rin ba ang itinuturing mong first love mo?” sambit ni Vien. Naikuwento kasi niya rito ‘yong batang nakilala niya sa ‘Hospicio de San Jose’. “Masama bang umasa na makikita ko ulit siya? Tsaka hindi ko kailangan ng love life ngayon. Mas gusto ko pang kumain,” pagbali ni Ticia sa usapan. “Teka. Maalala ko lang, saan ka pala nanggaling kahapon? Bakit pala hindi ka pumasok?” tanong nito sa kanya. Ayaw niyang sabihin ang totoo sa kaibigan dahil baka kung ano na namang isipin nito. Kaya mas mabuti na lang na magsinungaling siya kaysa ma-misinterpret nito ang nangyari kahapon sa rooftop ng academy. “Sumama kasi ang pakiramdam ko. Kaya hindi na muna ako—” Hindi naituloy ni Ticia ang sasabihin nang biglang lumitaw sa kanilang harapan si Zeek na seryoso ang tingin. “Ticia, can we talk?” sabi nito sa kanya at mukhang may seryosong sasabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD