Chapter 11

1115 Words
BAGSAK ang balikat ni Vander habang papasok ng kanilang mansion. Natagpuan lang niya ang kanilang kasambahay na sumalubong sa kanya at kinuha ang bag niya. “Sir, nandiyan na pala kayo,” bungad sa kanya ng kasambahay at kinuha ang kanyang bag. Pabagsak siyang umupo sa couch at ipinikit ang mga mata. Ramdam niya ang bigat ng katawan. Hindi naman siya pagod pero parang wala siyang ganang tumayo man lang. Maya-maya ay nakaramdam siya na parang may kung anong mainit na palad ang humaplos sa kanyang sentido at hinilot iyon. “Hindi pa ikaw ang nagma-manage ng company pero mas mukhang stress ka pa sa akin,” wika ng pamilyar na boses na may-ari ng kamay na nagmamasahe sa kanyang ulo. Napangiti na lang si Vander sa narinig. That voice made him calm. Hinawakan niya ang kamay nito at idinampi sa kanyang pisngi. “Aren’t you supposed to be at the office now?” tanong niya. “I felt that someone needs me beside him. So, I decided to go home this early.” Naramdaman niya ang pagyakap nito sa likod niya. “Thanks, mom.” Nagpapasalamat siya na may ina siyang laging nariyan kapag kailangan niya ng masasandalan. Kahit hindi niya tawagan ito ay darating ito na parang si Darna para alisin ang lahat ng bumabagabag sa kanya. Serene, her mother, is the most important person to him. Kung hindi dahil sa ina, baka nagawa na niyang magpakamatay sa depression dulot ng trauma ng nakaraan niya. “Of course, son.” Hinalikan siya ng ina sa ulo. “Let’s drink?” Serene asked. Vander agreed, he couldn’t reject the invitation of alcohol. He felt his throat was pleading to have scotch or even tequila. After all, he deserved that guilty pleasure. A glass of scotch served to him. Bonding na rin nilang mag-ina iyon kapag wala silang ginagawa. “So, how was school?” The usual question of Serene after his long day at Dalton. He just shrugged. “Okay.” “What do you mean by that ‘okay’?” his mother asked. Vander clicked her tongue before he answered… the real answer. “Nothing mom. The usual faces I see was still in Dalton. I mean, nothing new,” Vander answered. “Even that girl who’s with you last time na hindi ka nakauwi?” Napakunot ng noo si Vander. “How did you know that?” Hindi niya nga sinabi rito ang dahilan kung bakit hindi siya nakauwi nitong nakaraang gabi kaya nagtataka siya kung paano ito nalaman ng inang si Serene. “I was worried about you that night. So, I have to call all the possible people na kasama mo. And Zeek told me na nakulong ka raw sa rooftop with a girl. Pupuntahan na nga sana kita noon pero sabi ng kaibigan mo, huwag na. Baka kasi maistorbo ko raw kayo ng bago mong girlfriend.” Napahilamos na lang si Vander ng mukha nang marinig ang tinuran ng ina. Mukhang ibang kuwento ang narinig nito kay Zeek. Napabuntonghininga na lang si Vander. “It all his fault. Sinadya nila kaming ikulong doon ni Drae,” saad niya. “Well, I guess it’s because they wanted you to have a quality time with your girl—” “She’s not my girlfriend, mom. She’s just new to school and they thought I will fall to that girl,” kontra niya agad sa sasabihin dapat ng ina. “Sabi mo, eh,” sabi na lang ng ina sabay ngiti na parang may iniisip. “What?” he asked with that grin. “Nothing. Nakakatuwa lang na may mga bagong tao nang dumadating sa buhay mo. You’re starting to live your life again.” Vander smirked. “Mom, she was just nothing,” he said before drink another glass. “Okay. Okay. Sabi ko nga, she was just nothing,” wika naman ng ina sa kanya. “Anyway, I want to show you something.” Agad naman itong pumunta sa kitchen at pagbalik nito ay may dala na itong plato na may lamang putahe. “What’s that?” Bumungad sa kanya ang medium rare steak na naka-plating pa. “You made this?” “Yeah, your favorite.” Inilapag ni Serene sa mesa sa harap niya ang pagkain. Bahagya siyang napatawa at biglang naalala kung paano kumain si Ticia. “Why? Pangit ba ang plating? Sandali.” His mother was about to get the plate and make a new one but he stopped her. “No, mom. I just remember something.” “Akala ko naman kung bakit ka tumatawa. Muntik na ‘ko magtampo,” ani Serene sabay lapag ulit ng plato sa harap ni Vander. “Can I try it?” “Sure. Inihanda ko talaga ‘yan for you,” sabi nito. The moment he tasted it, he remembered the first day she met her mother when Serene decided to adopt him. Yes, he was adopted by Serene. At ang steak ang una niyang natikman noong umuwi siya sa bahay nito. And that day he met her mother was still vivid in his mind. Natawa pa nga si Serene noong linisin nito ang buong mansion nang dumating siya sa bahay na iyon. Hindi niya raw dapat iyon ginagawa dahil simula sa araw na iyon ay amo na siya. Pero kahit ganoon, hindi umastang hari si Vander sa bahay. He still insists to wash the dishes at times. Nakasanayan na kasi niya sa bahay-ampunan na may gawaing bahay na nakaatang sa kanya. Kaya kahit pinipigilan siya ng ina ay hindi siya nagpapigil. Hinayaan na lang ni Serene si Vander. Natutuwa rin naman ito dahil habang lumalaki si Vander, hindi naman lumalaki ang ulo nito kahit ibinibigay niya ang mga pangangailangan nito. “It’s good,” Vander commend after he ate the last slice of his food. “Obviously, it’s not just good. Naubos mo nga, eh,” natatawang sambit ni Serene. “You know how I like your steak, mom. Kahit ilang plato nito, uubusin ko,” pagpuri muli ni Vander. “Bolero!” wika ni Serene sabay gulo sa buhok ni Vander. Kukuhanin na sana ni Serene ang plato niya pero inagaw niya iyon. “Ako na po ang maghuhugas, magpahinga na po kayo,” alok nito sa ina. “Sige, pagkatapos mo riyan, umakyat ka na rin at magpahinga,” bilin naman ng ina sa kanya. “Opo.” Sinundan lang niya ng tingin ang ina palabas paakyat ng kuwarto niya bago ibinaling ang sarili sa paghuhugas ng pinggan. Pero habang abala siya sa ginagawa, muli na naman niyang naalala si Ticia kung paano ito kumain. Dahil yata sa steak, lagi na rin niyang maaalala si Ticia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD