Chapter 12

1068 Words
IT WAS just another normal day for Vander. Entering the gate of Dalton Academy and seeing the chaos inside the campus is the thing that he gets used to be. Hindi niya gusto ang ingay na naririnig niya pero nasanay na lang siya. Unang bumungad sa kanya ang mga babaeng nagbubulungan nang makita siya. Hindi niya alam kung anong pinag-uusapan ng mga ito, kung kinikilig ba sa kanya o may bago na namang chismis na nalaman sa kanya. Kung alin man sa mga iyon, wala siyang pakialam. Gusto niya ng tahimik ng buhay sa kabila ng maingay niyang paligid. Agad na hinanap ng kanyang mga mata ang dalawa niyang kaibigan. Normally, kapag papasok siya, sina Zeek at Drae kaagad ang sasalubong sa kanya. Pero sa pagkakataong iyon, wala ni anino ng dalawa ang sumalubong sa kanya. Agad niyang kinuha ang phone sa bulsa at nag-dial ng number. Bahala na kung sino ang matawagan, ang mahalaga ay makita niya ang dalawa. Kung pumasok ba ang mga ito o naglakwatsa lang na hindi siya kasama dahil masama pa rin ang loob sa kanya ni Zeek. “Where the hell are you?” tanong niya nang sagutin ni Drae ang tawag. “Why? Do you want to join us in hell?” “Gusto mo, ngayon pa lang, sunugin na kita?” he madly said. “Masama na naman baa ng gising mo? Pumunta ka rito sa café, baka gumanda ang araw mo sa makikita mo,” sagot naman ni Drae. “Why? What’s happening?” “You should thank me first.” “Drae, mas lalo akong magiging bad mood kapag hindi mo sinabi kung ano ang nangyayari,” banta ni Vander sa kausap. “Kalma. I just had a serious conversation with Zeek and I told him to apologize to Ticia. If you want to witness the exciting event, you should come here,” sagot ni Zeek at agad namang pinatay ni Vander ang phone bago nagmamadaling tumakbo. Sa wakas, natauhan na rin ang ungas! Hindi niya alam kung bakit nakaramdam ng excitement noong mga panahong iyon pero gusto niyang makita kung paano magpakumbaba si Zeek at humingin ng pasensya sa unang pagkakataon. He known his friend well, hindi iyon basta na lang magpapakumbaba at hihingi na lang ng pasensya sa kung sino, lalo na sa mga babae. Kahit nga ilang beses na siyang nahuhuli ng mga nakaka-fling niya na may katabing ibang babae sa ibang kama ay okay lang. Hindi naman daw kasi niya matiis na iisa lang ang babaeng matitikman niya habang nabubuhay siya. But at the same time, his friend is cautious with what he’s doing. Ayaw din naman nitong makbuntis kaagad o kaya naman ay magkasakit sa pagiging babaero nito. Pero sa lahat ng kagag*hang ginagawa nito, hindi ito nagsisi. Kaya sobrang big deal ngayon para kay Vander ang pagharap ng kaibigan sa pagkakamaling ginawa nito. Nang dumating siya sa café ay bumungad sa kanya ang nagkukumpulang mga estudyante at tila ba may eksena ng pelikulang pinapanood sa gitna. Hinanap niya kaagad ang kaibigang si Drae na nasa gilid lang ng mga nagkukumpulang tao. “What’s happening?” he asked. “What the f*ck!” Halos malaglag ang panga ni Drae habang nakatingin sa unahan. Nang tingnan naman ni Vander ang direksyon kung saan nakatingin ang kaibigan ay nagulat din siya sa nakita. Zeek was kneeling down in front of Ticia and asking her to be his girlfriend. Nababaliw na ba siya! *** “TICIA, can we talk?” Nagulat si Ticia sa nakita. Zeek was seriously asking her to talk to him. Vien was also in shocked seeing the guy in front of them. Pero kung ano man ang gusto nitong sabihin sa kanya, ayaw na niya iyong marinig. Hindi dahil galit siya kundi dahil wala nang sense kun kakausapin niya ito. Gusto na niyang lumayo sa mga kaibigan ni Vander lalo pa’t ilang beses na siyang napahamak sa kagagawan ng grupo ni Vander. Agad niyang kinuha ang gamit na nakapatong sa mesa. “No. I don’t want to talk to you,” tanggi niya. “Girl, what’s happening?” bulong ni Vien sa kanya dahil wala itong ideya sa nangyari at kung ano ang ginawa nina Zeek. “Umalis na lang tayo,” sagot niya sa kaibigan. Wala siyang alam kung ano na namang balak ni Zeek o ng leader nilang si Vander. Pero kung ano man iyon, hindi na siya magpapadala sa pain ng grupo. They were about to leave the place but suddenly the three guys approached her holding placards. Ang mas nakakagulat ay ang nakasulat sa hawak na placards ng tatlong lalaki. ‘WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?’ Magkasabay na nalaglag ang panga at lumuwa ang mata ni Ticia sa nakita. Seryoso? Hindi siya makapaniwalang pagkatapos ng lahat ay may panibago na namang trip si Zeek. “Baliw ka na bang lalaki ka?” nagngingitngit na baling ni Ticia. Hindi naman niya lalo inaasahan na sa pagharap niya kay Zeek ay nakaluhod na ito at may hawak na singsing na tila nagpo-propose. Sabay-sabay na nagkumpulan ang mga estudyante sa café at pinanggitnaan sila. Hindi halos makaalis si Ticia sa kinatatayuan nang marinig niya ang hiyawan ng mga tao sa paligid. “Say yes! Say yes!” ang paulit-ulit at korong pambubuyo ng mga tao sa paligid na mukhang walang alam sa kung anong nangyari. “Isa na naman ba ‘to sa trip ninyong magkakaibigan, Zeek. Hindi na nakakatuwa, ha!” sigaw niya sa kausap. Wala naman siyang pakialam sa mga nakaririnig dahil hindi rin naman niya gusto kung ano ang nangyayari. “I’m serious, I really like you.” Kitang-kita niya sa mga mata ni Zeek na seryoso nga ito. Pero hindi siya magpapabitag sa panibago na namang biro nito. “No!” “Why? What’s wrong? Guwapo naman ako, mayaman, matalino. Anong mali sa akin, Ticia. Bakit ba hindi mo ako magustuhan?” The way he said it, parang matagal na siyang gusto nito at wala siyang makitang kahit anong pagbibiro sa mga sinasabi ni Zeek. Kaya siguro ganoon ang reaksyon ng mga nakakakita sa kanila. Akala yata ng mga ito ay totoo ang sinasabi ni Zeek sa kanya. Hindi siya makapaniwala na nagagawang paniwalain ni Zeek ang mga tao sa paligid sa pag-arte nito. “Because I have a boyfriend.” She couldn’t realize what will happen with what she said. Sinabi ko ba talaga ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD