Chapter 13

1112 Words
“BECAUSE I have a boyfriend.” F*ck! Did I just say that I have a boyfriend? Ticia’s heart skipped for a second after realizing of what she did. Ayaw niyang patulan ang trip ni Zeek pero para lang mapahiya ito at tigilan na siya, iyon na lang ang ideyang lumabas sa utak niya at nasabi sa harap ng binata at sa mga nagkumpulang tao sa paligid. Pero sa dinami-dami ng puwedeng maging dahilan, boyfriend pa talaga? Hindi niya talaga alam ang gagawin noong mga oras na iyon dahil hindi niya rin alam kung saan siya makakahagilap ng sinasabi niyang boyfriend para ipakilala sa mga nakarinig. “May boyfriend ka na?” bulong ni Vien sa kanya na nasa likuran lang niya. “Akala ko ba, hindi uso sa iyo ang pagbo-boyfriend?” dagdag pa nito. “S-Secret ang relationship naming dalawa,” sagot naman niya. Gusto sana niyang sabihin kay Vien na hindi totoo na may boyfriend siya kaso paano? Nanantili pa ring nasa harapan niya si Zeek at halatang nakikinig sa usapan nila. “I want to meet him. Kung hindi mo siya ipakikilala sa akin, I will never stop pursuing you until you become mine,” banta ni Zeek bago umalis sa kanyang harapan. Gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan at lamunin ng lupa noong mga oras na iyon. Hindi niya alam kung paano malulusutan ang palusot niya kay Zeek at sa kaibang si Vien na may boyfriend siya. Lalo’t alam naman ng lahat na man-hater siya at obvious naman iyon dahil sa ginawa niya kay Vander. Habang pabalik naman siya sa classroom, panay ang tingin sa kanyan ng mga kaklase. Panay din ang bulungan ng mga ito sa ginawa niyang pamba-basted kay Zeek. Parang napakalaki na ng kasalanan niya at kung tingnan siya ng kapwa niya kamag-aral ay tila ba isang krimen ang ginawa niya. She was silently listening her favorite music from her ear pods when someone tapped her shoulder. Nang lingunin naman niya kung sino iyon ay laking gulat niya nang bigla na lang bumuhos sa kanya ang isang chocolate drink. “You deserved it.” Unaware of what was happening and who it was, she still managed to confront that girl. Buhusan ba naman siya nito ng napakalagkit na inumin, sino namang hindi maiinis sa lagay na ‘yon? “What is your problem? At sino ka ba?” Hindi kasi pamilyar sa kanya ang mukha ng babaeng bigla na lang siyang tinapik at binuhusan ng kung ano. “Ikaw? Sino ka ba? Kabago-bago mo rito, akala mo kung sino kang umasta. Anong karapatan mong mambasted kay Zeek? Maganda ka ba?” Hindi alam ni Ticia kung matatawa siya o mas lalong maiinis sa dahilan kung bakit bigla na lang siyang ginulo ng babaeng iyon. Pero hindi siya papayag na basta na lang siyang aapihin ng kahit na sino dahil lang sa napakawalang-kwentang dahilan. “How petty. Ang babaw mo naman. Kung gusto mo ‘yong siraulong lalaking ‘yon, ikaw ang mag-propose sa kanya,” angil niya. Aalis na sana siya pero hindi pa man siya nakakaisang hakbang ay naramdaman na niya na parang mabubunot ang buhok niya sa anit. Bigla na lang hinablot ng babae ang buhok niya at hinila siya. Dahil hindi niya ugali ang magpatalo, kaagad niya ring hinablot ang buhok ng babaeng sumugod sa kanya. Hindi niya hinayaang makawala sa kamay niya kahit isang hibla ng buhok nito. Nakatawag ng pansin ang komosyong nangyayari pero kahit isa sa mg estudyanteng naroroon ay walang naglakas ng loob na awatin sila. Hanggang sa. . . “Hey! Get off her!” Naramdaman na lang niyang may bigla na lang humila sa kanya at itinulak ang babaeng bigla na lang siyang sinabunutan. Natumba ang babae sa sahig pero nang tumingin ito sa kanya ay tila nagulat ito sa nakita kung sino ang basta na lang umawat sa kanila. “Vander?” Laking pagtataka ni Ticia kung bakit nito tinawag ang pangalan ni Vander. Pero nang lingunin niya ang lalaking katabi na nakahawak sa kanyang balikat ay doon siya nagulat at napatanong din. Vander? *** PABAGSAK na isinara ni Vander ang pinto patungo sa rooftop. Kasama niya sina Zeek at Drae na nakasunod lang sa kanya. He wanted to make it clear kung bakit bigla na lang nag-propose si Zeek kay Ticia. “Can you, guys, explain to me kung ano na namang trip ‘to?” tanong niya sa dalawa. “I don’t have any idea with his plans, malay ko bang gusto ni Zeek si Ticia. Akala ko naman, magso-sorry siya sa ginawa niya. Iyon pala, may hidden agenda din ‘tong kupal na ‘to,” turo ni Drae kay Zeek. “Bakit? Masama bang magkagusto ako sa babaeng ‘yon? Besides, you hated that girl. Balak mo ngang gantihan siya dahil sa ginawa niya sa ‘yo, ‘di ba? Bakit ngayon, parang affected ka gusto ko siyang ligawan?” Zeek asked. Alam niyang hindi ito seryoso sa panliligaw nito kay Ticia pero hindi pa rin niya gusto ang ganoong klase ng joke. They might be notorious but they don’t hurt girl’s feelings. Pact naman nila iyon bilang magkakaibigan kaya hindi alam ni Vander kung anong nasa isip ng kaibigan para gawin ang bagay na iyon. Marami namang umaamin ng feelings sa kanila pero hindi nila kasalanan iyon kung hindi nila gusto ang babae. Hindi rin naman nila pinaasa ang mga iyon kaya ang rason nila kapag may mga sitwasyong umiiyak ang mga babae sa kanila ay dahil kasalanan ng mga ito at hindi nila. “Kung ano man ‘yang binabalak mo, tigilan mo na,” sambit niya na seryosong tiningnan si Zeek bago umalis. Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan. Sa halip, pumunta na lang ito sa classroom para um-attend ng klase. Pero ilang metro pa lang ang layo niya sa kanilang classroom ay rinig na niya ang sigawan ng mga kapwa niya estudyante. Nagmadali siyang pumasok sa loob para usisain kung anong nagaganap at laking gulat niya nang makitang may babaeng nasa ibabaw ni Ticia at nakikipaghablutan ng buhok. Agad niyang hinila si Ticia at itinulak ang babaeng sumasabunot rito. “Hey! Get off her!” Nagulat ang lahat sa bigla na lang ginawa niya. Nakakapagtaka kasing wala man lang umawat sa kanila habang nagpapambuno kaya siya na mismo ang lumapit para awatin ang dalawa. Pero hindi niya maintinidihan ang sarili kung bakit parang sa ginawa niya ay pagprotekta kay Ticia. Siguro ay dahil aware siya na ibu-bully si Ticia ng iba pang estudyante sa loob ng campus pagkatapos ng ginawa ni Zeek. Iyon ba talaga ang dahilan o baka naman may iba pa. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD