SUMENTRO ang mga mata kay Vander ng lahat ng nakakita kung paano niya patigilin ang komosyon. That was the first time they saw him did something for a girl. Usually, kapag may nagkakagulo sa paligid niya, wala siyang pakialam. Neither he didn’t even bother to know what was happening or who it was. But that time, it was different. Para kasing may bumulong sa kanya na gumawa ng paraan nang makita niya kung paano saktan ng babae si Ticia. He couldn’t help but to save her. Noong nakita niya ang hitsura ng dalaga na nahihirapan sa sitwasyon, awtomatikong itinulak siya ng konsiyensya na tulungan ito. Kaya kaagad niyang hinila si Ticia sa pagkakahiga sa sahig at itinulak ang babaeng nananakit dito.
“Vander?” Gulat ang lahat lalo na ang babaeng umaway kay Ticia. The girl didn’t expect he did that. Ilang sandali lang ay may dalawa pang babaeng tumulong sa babaeng nakalupasay sa sahig.
“Sino ba kayo?” tanong niya na tila ba may pagbabanta sa mga mata.
“B-But, that girl dumped your best friend. Hindi ba dapat, sa kanya ka galit?” paglilinaw ng babae.
“And who are you to tell me kung kanino dapat ako magalit? Nanay ba kita?”
“But Vander—”
“Don’t you ever touch her again. Or else…” Bahagya siyang lumapi sa babae at tinitigan ito nang masama. “Hindi mo magugustuhan ang mangyari sa iyo,” pagbabanta pa niya.
Nang lingunin naman niya si Ticia ay hindi siya nakakita ng kahit anong takot sa mga mata nito. Matalim din ang naging titig nito sa babaeng umaway sa kanya. But he still worried about her. May mga pasa kasi ito at sugat sa labi. Marahil ay dala na rin ng kalmot at hindi lang ng sabunot na natamo nito. “Let’s go!” Agad niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ng dalaga. Hindi niya hinayaang makapagsalita pa ito at magpumiglas.
“Bitawan mo nga ’ko!” Marahas na hinila ni Ticia ang kamay niya sa pagkakahawak ni Vander. “Bakit mo ba ginawa ‘yon? I didn’t ask for your help!”
“Talaga ba? Alam mo bang kung hindi pa ako dumating ay baka nabura ng babaeng ‘yon ang pagmumukha mo?” nakapamewang na saad ni Vander.
“Tss. Baka ‘yong mukha niya ang nailampaso ko sa sahig.”
“Eh, mukha ngang dehado ka kanina. Kung hindi pa kita hinila, baka hindi lang mukha mo ang nailampaso ng babaeng ‘yon,” natatawang sambit ni Vander.
“Pinauna ko lang siya. Pero kung hindi ka dumating…”
“Kung hindi ako dumating… ano? Sige, ituloy mo.” Tila nagbago ang mukha ni Ticia nang hamunin ito ni Vander na dugtungan ang sinasabi. “Obvious naman na hindi mo kaya. Buti nga, hindi nakisali ‘yong dalawa niyang kaibigan. Kundi, baka sa morgue ka na dalhin,” dagdag pa niya.
“Grabe ka naman! Morgue agad?!”
“Oh, bakit? Hindi ba? Halos patayin ka na no’ng babae kanina. Tsaka akala ko ba may boyfriend ka…” Kasabay ng pagbilog ng mata ni Vander ay ang pagkagat niya sa ibabang labi. Napagtanto niyang hindi pala niya dapat sinabi ang tungkol sa nakita kanina. Sh*t! Bakit ko ba nasabi ‘yon?
“Wait. Nando’n ka?”
“O-Oo. Sino ba namang hindi makakakita ng ginawa mong pambabasted kay Zeek. Kalat na kalat din sa social media kung paano mo siya binasted,” palusot ni Vander.
Kaagad namang tiningnan nit Ticia ang socials niya at nakita kung gaano karaming views ang mga uploaded videos tungkol sa mga nangyari kanina. Nabasa rin niya ang hate comments para sa kanya ng mga taong wala namang alam sa nangyayari. “No. This is not happening.” Panay ang iling ni Ticia na hindi makapaniwala sa nangyayari.
“Well. It’s happening,” he just said.
Tumalim ang tingin ni Ticia kay Vander. “This is all your fault!”
“What?! Bakit ako? Ikaw na nga ‘tong iniligtas ko, ako pa ‘tong masama?”
“Yeah! You saved me from that b*tch and your best friend fooled me by saying he likes me. Kung hindi mo ako pinag-trip-an, hindi sana mangyayari ‘to!” giit ni Ticia.
“Wow! Ganyan ka pala mag-thank you. You’re welcome, ha!”
“Ah, talaga – ouch!” Bigla na lang napahawak si Ticia sa labi na kanina pa nagdurugo.
Hindi naman matiis ni Vander na tingnan na lang ang dalaga. He held her hands and pulled her. “Gamutin natin ‘yan. Baka maimpeksyon.”
“Ano ba? Bitawan mo nga ako!” pagpupumiglas ni Ticia pero hindi nagpaawat si Vander. Hindi niya pinansin ang dalaga at para bang wala siyang naririnig.
Nang makarating naman sila ay agad nilapatan ng school nurse ng first-aid ang natamong sugat ni Ticia. Madalas ang pagdaing ni Ticia habang idinadampi ng nurse ang bulak sa sugatang labi ng dalaga.
“Aw! Nurse, p’wedeng dahan-dahan? Medyo mapanakit ka, eh,” wika nito sa nurse.
“Bakit kasi ang hilig ninyong makipag-away mga kabataan? Ano bang napapala n’yo sa pakikipag-away?” sermon naman ng nurse.
Napaismid naman si Vander sa sermon ng nurse kay Ticia. “Oh, may nakakatawa? Ikaw dapat dito, eh!”
Lumapit si Vander sa nurse. “Ako na lang po riyan. Baka kayo pa ang magpagamot mamaya kapag nabugbog kayo ng babaeng amazona na ‘to.”
Sinunod naman siya ng nurse na kaagad na tumayo sa tools at ibinigay sa kanya ang bulak. “Mabuti pa nga. May gagawin pa kasi ako, pagkatapos niyan. Pahiran mo na lang ng ointment ‘yang labi ng girlfriend mo,” wika ng nurse.
Magkasabay na nanlaki ang mata ng dalawa sa sinabi ng nurse. ‘Girlfriend?’
“Hindi ko po siya girlfriend.”
“He’s not my boyfriend.”
Korong wika nila sa nurse. “Eh, ano kayo? Walang label? Naku! Mahirap ‘yan, lahat ng bagay ngayon, may label. Kung walang label, huwag pumayag sa next level,” sambit ng nurse bago iiling-iling na iniwan silang dalawa.
Umupo si Vander sa harapan ni Ticia at siya na mismo ang gumamot sa natamo nitong sugat. Nakatitig lang si Ticia sa kanya at sa pagkakataong iyon, wala nang narinig na daing si Vander sa dalaga. Siguro ay dahil magaan ang kamay nito habang nilalapatan siya ng pangunang lunas.
“Alam mo, napaisip ako sa sinabi ng nurse,” wika ni Vander.
“Alin doon?”
“Naisip ko lang. Hindi kasi ako naniniwala na may boyfriend ka talaga. Kasi kung meron man, siya dapat ngayon ang nandito at hindi ako.”
Napabuntonghininga si Ticia bago sinabing, “Ang totoo niyan, sinabi ko lang iyon para tigilan na ako ng kaibigan mo.”
“If that’s the case, panindigan mo na.”
“What do you mean?” kunot-noong tanong ni Ticia.
“Be my girlfriend.”