Napaka sweet na bestfriend ni Luke para sa akin, hindi naging boring ang buhay ko ng dahil sa kanya.
Mag hapon akong naglinis ng bahay at naglaba kaya hindi ako nakapunta kela Tita. Habang abala ako sa pagluluto ng hapunan ay nakatanggap ako ng text galing kay Luke.
"Hoy prinsesa kong bansot pumunta ka daw dito bukas sabi ni Mom."
O diba ang sweet niya? Ang sarap lang sakalin.
"Sunduin mo ko bukas ha!?" reply ko.
"Wow? Di sundo pa! Wala kang pamasahe?"
"Di wag! Hindi nalang ako pupunta!"
"Fine! I'll pick you up tomorrow morning!"
"Namimiss mo lang ako eh!" pagbibiro ko.
"Yuck! Kilabutan ka nga."
"Arte mo bakla! Kaya hindi ka nag kakagirlfriend dahil napaka sungit mo!"
"Wala akong pake,sayo nga lang problemado na ko tapos mag nonobya pa ko!"
"Eh? Bakit sinabi ko bang problemahin mo ko?"
"Hmmm!" narinig ko siyang tumikhim. "Hindi naman ako mananalo sayo! Susunduin kita bukas ng 7am kaya agahan mo ang kilos mo ang bagal mo pa naman."
"Tse! Manahinik ka nga, sige na at nag luluto pa ko baka masunog pa ito sisihin pa kita!"
"Okay bansot, labyu bye!"
Sabay putol ng linya. Madalas kaming parang aso't pusa minsan naman sweet sa isa't isa.
Negosyante ang pamilya niya,gusto ng Dad niya na siya ang mag mana ng kumpanya nila. Kaya madalas ay talagang nagiging abala siya sa pag aasikaso ng mga negosyo nila at pag tulong sa ama niya.
Ganoon pa man ay madalas pa din akong nasa kanila, kulang nalang ay sa kanila na ako tumira.
KINABUKASAN
Naalimpungatan ako ng may kumatok. Mabagal akong tumayo habang nag lalakad patungo sa pinto, nag iinat at nag hihikab pa ako dahil sa kaantukan.
"Oh hindi ka pa bihis? Kahit kelan ka talaga." bungad agad ni Luke.
"Hala sorry nakalimutan ko." napatakip pa ko sa bibig at tumakbo papuntang kusina para maghilamos at mag sipilyo.
"Lagi naman, bilisan mo at hinihintay ka ni Mom. Ang bagal mo talaga kumilos."
"Sandali naman Luke." Sinimangutan ko siya at humarap sa kaniya.
Napatingin siya sa dibdib ko at nakita ko siya kung paano pamulahan at mag iwas ng tingin,bigla kong naalala na wala pala akong suot na bra.
What the heck! Napatakip ako sa dibdib ko.
"Hoy!" turo ko sa kanya.
"B-bakit? Tinatakpan mo pa wala namang makikita diyan!" pang iinis niya pero sa kabilang gawi pa din siya nakatingin.
"Ang kapal mo!" binato ko siya ng basahan.
Tumakbo ako patungo sa kwarto, matapos ay madaling naligo. Nadatnan ko siyang nakatungo sa lamesa.
"I'm done Luke." tinapik ko siya.
"Ang tagal mo Janna," hinawakan niya ang kamay ko at hinila. "Halika na nga, sa susunod sa bahay ka na matulog delikado ang mag isa dito."
Pinag buksan niya ako ng pinto ng kotse.
"Uyyy nag aalala siya. Concern ka?" nakangiti kong sabi.
"Ofcourse because your my bestfriend! Ayokong may mangyaring masama sayo."
"Nakakahiya naman kasi sa inyo."
"Sa tagal ka ng kilala ni Mom and Dad ay nahihiya ka pa."
"Oo naman no! Ayoko namang isipin ng iba na masyado kong inaabuso ang pagiging mabait nila Tita sa akin."
"Pero Janna delikado ang mag isa, tapos babae ka pa, hindi porket bansot ka ay mapag kakamalan ka na nilang mushroom."
Pinagkunotan ko siya ng noo.
"Concern ka ba? O nanglalait ka na?"
Bigla siyang tumawa. "Syempre concern no! Lab kaya kita."
"Tse!" mataray kong sagot,binuksan ko nalang ang bintana at tumingin sa labas habang masayang sinasalubong ang dampi ng hangin sa aking mukha.
Pagdating sa bahay nila Luke. Sinalubong agad kami ni Tita Venus.
"Oh hija." sabay beso sa akin. "Why didn't you come here yesterday? Hinihintay pa naman kita at mag shoshopping tayo." pagtatampo pa ni tita.
"I'm sorry tita,naglinis po kasi ako ng bahay kahapon." I smiled slightly.
"Mom I'm here, kulang nalang si Janna na ang maging anak mo,you don't notice your handsome son." sabay lapit sa ina at bumeso.
"Naku ikaw talaga!" natatawang ani ni tita.
"Come on prinsesa ko, let's eat first then we'll go to the mall, I'll buy you clothes." hinila ang kamay ko papasok.
"Date na ba yan?" pang aasar ni tita tsaka sumunod sa amin.
"Yes Mom," sabay kindat sa ina.
Kinikilig naman si tita umupo sa harap namin.
"Mom it's not what you think, okay! We're bestfriend. Isa pa friendly date lang yun!"
"Yes I know son, but I found it sweet." natutuwang sabi ni Tita.
Laging ganyan ang iniisip sa amin ni Tita, kahit na sa totoo lang ay wala lang sa amin ni Luke ang inaakto sa isa't isa.
Binigyan ako ni Luke ng fried rice at bacon,hotdog and ham.
"Eat." nakangiting tumingin siya sa akin. "I know paborito mong breakfast yang fried rice and hotdog."
"Kaya naman talagang ikaw pa ang nagluto, Luke." pang aasar ni Tita Venus.
"Mom just eat." pikon na sabi nito.
Hindi kona inintindi si Luke at nag simula ng kumain. Si tita ay pasimpleng nangingiti kapag inaasikaso ako ng anak niya. Pero talaga namang napaka simple lang nito sa amin, walang nakaka kilig sa akto sa akin ni Luke. Madalas kaming ganito, sweet ,minsan nag tatalo nag aasaran, ganto na kami. Kilala na namin ang isa't isa dahil matagal na din naman kaming mag kaybigan.
Parehas kaming no jowa since birth haha ewan ko ba? Nang minsan kasing may manligaw sa akin ay nalaman ni Luke na niloloko lang ako nito, dahil nakita niya itong nakikipag halikan sa iba. Simula nun ay hindi na talaga ako nag paligaw.
Si Luke naman kaya hindi nag kaka nobya ay masungit siya sa ibang babae,pag wala siyang interes dito ay pinapakita niya talaga na ayaw niya dito. Wala siyang pinakilala na ibang babae sa pamilya niya bukod sa akin.Nung una nga akala ni tita na nobya ako ni Luke.
Pagkatapos kumain ay umakyat siya sa kwarto, nag paalam siya na maliligo lang sandali. Dahil naiinip na ako ay sumunod ako at pumasok sa kwarto. Naupo ako sa kama at nilibot ang mata sa kanyang silid. Nakakaramdam ako ng antok dahil bukod sa kulang ang tulog ko ay nakasanayan ko ng matulog pagkatapos kumain.
Naramdaman ko nalang na tinatapik na ako ni Luke. Napabangon ako at madaling inayos ang sarili.
"Ang tagal mo naman." busangot ko. "Ano ba yan! Mag bihis ka nga muna." sabay talikod dahil nakatapis lang siya.
"Bakit sinabi ko bang pumasok ka?"
"Pupunta na nga ako sa baba, bilisan mo sungit dahil inaantok lang ako kakahintay sayo."
Binagsak ko ang pagsara sa pinto at pumunta sa sala. Walang tao doon kaya nahiga ako sa couch upang ipag patuloy ang naudlot kong tulog.
Nang magising ako ay mukha agad niya ang bumungad sa akin. Napatitig pa ako sa kanya.
Parang kamatis na namumula ang kanyang pisnge at tanging gulat ang mababasa sa mukha niya. Napatayo siya at tumalikod.
"Antukin mo talaga, tumayo ka na nga diyan!" binato niya sa akin ang unan.
Tumama yun sa mukha ko, nag kunyari akong nasaktan, kinusot kusot ko ang mata ko.
Naramdaman ko siyang lumapit sa akin. "I'm sorry Janna, nasaktan ka ba?"
"Ay hinde! Ikaw kaya batuhin ko! Uuwi na nga ako!" pagtatampo ko kuno.
"Sorry na, gusto mo bilhin natin lahat ng paborito mong foods? I'm sorry talaga my princess." ngiti niya.
"Talaga? O sige sabi mo yan ha!?"
Tatawa tawa akong sumakay sa kotse.
Pagdating sa mall ay nag yaya agad ako sa bilihan ng damit. Ang daming magaganda pero ang gaganda din ng presyo, napakamot ako sa ulo. Nahihiya din naman ako kay Luke dahil masyadong mahal ang mga damit talaga dito.
"Gusto mo ba ito?" Nakita niyang tinitignan ko ang isang kulay itim na damit. "Janna take this."
"Pero masyadong mahal Luke,ayoko." nahihiya ko itong binalik sa kaniya.
"Okay." sabay binalik sa pagkakasabit.
"Hala akina nga! Bakit mo binalik?"
"Ang gulo mo talaga." bahagya siyang natawa.
"Nag bibiro lang eh!"
Matapos naming mamili ng damit ay binili nga niya ang lahat ng gusto kong pagkain, syempre tumanggi na ako sa iba dahil masyadong madami na ang dala namin. Inabot na kami ng hapon sa pag iikot sa mall.
"Hi Luke." bati ng isang babae sa kanya ng masalubong namin ito. "Is she your girlfriend?"
"No. She's my bestfriend, Janna." ganting ngiti nito.
"Ah hi." nahihiya kong inabot ang kamay ko.
"Oww, hi I'm Princess." maganda itong ngumiti sa akin. "Mauuna na ko, meron pa akong imemeet. Bye Luke see you tomorrow."
Nang makaalis si Princess ay dinanggi ko si Luke.
"Hoy ikaw ha!? Type mo yun no?" pang aasar ko.
"What? No!" kunot noo niya pang sinabi.
"Sus! Halata naman! Alam ko kasi ang isang Luke! Sinusungitan mo ang isang babae kapag hindi ka interesado o kapag hindi mo type, pero yung Princess na yun mukhang close kayo."
"Tumigil ka nga Janna, empleyado siya sa kumpanya ni Dad."
"Okaaaaaay." pang iinis ko pa.
I even saw his jaw tighten with annoyance.
"Mag pasama ka kay Nicka mamaya," pag iiba niya ng usapan pero naka kunot pa din ang noo.
"Oo tinext ko na siya kanina. Pupunta nalang daw siya sa bahay."
"Sige mabuti naman."
"So, abala ka uli bukas?"
"Hmmm, kelangan ko pang tapusin ang mga pinapagawa ni Dad."
"Sige." maikli kong sagot.
"Sa susunod ay mag papaalam uli ako kay Dad, alam mo naman na sayo ko lang inuubos ang oras ko kapag day off ko. Basta lagi ka lang pumunta sa bahay, gusto ka ni Mom laging kasama mag shopping."
"Oo naman no! Alam mo Luke ipasok mo kaya ako sa kumpaya niyo, para naman may pera ako!"
"You don't have to work, just tell me everything you need and I'll buy it."
"Wow spoiled? Haha sige na kasi."
"No."
Sinimangutan ko lang siya at sumandal sa bintana. Dumaan muna kami sa bahay nila at sandaling pa akong nag paalam kay Tita pagkatapos ay hinatid na niya ako sa bahay.