PROLOGUE
Masaya ako simula noong nakilala ko si Luke. Hindi kami masyadong close ng Daddy niya dahil lagi naman itong wala sa bahay nila, pero ang Mommy ni Luke na si Tita Venus ay sobrang close ko. Madalas niya akong sinasama tuwing nag shoshopping siya sa Mall.
Tinuturing na ko ni Tita na parang tunay niyang anak, pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako ng pangalawang ina.
Wala na ang mama at papa ko. Si papa namatay dahil sa sakit sa puso ang mama ko naman ay hindi nakayanan ang pag kawala ni papa kaya sumunod siya dito. Pasalamat pa ako dahil naiwanan nila ko ng bahay, sobrang wasak na wasak talaga ang mundo ko noon. Ang tanging natatakbuhan ko lang sa tuwing nalulungkot ako ay si Luke, hindi siya umalis sa tabi ko. Lagi niya akong pinapasaya at inaalala, hanggang sa maka move on ako sa nangyari andito pa rin siya at patuloy akong inaalagaan, kaya ang laki ng pasasalamat ko kay Luke dahil hindi niya ako pinabayaan.
Mayaman ang pamilya ni Luke samantalang ako ay isang simpleng tao lang pero mararamdaman mo ang pag tanggap nila sa akin at ayun ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos, na kahit wala na akong mga magulang ay iniwanan niya pa rin ako ng taong hindi ako pababayaan.