"Nyka, tara?"
"Saan naman?" kunot noong tanong niya habang nag lalatag ng pag hihigaan.
"Sa Drinking Bar."
"What? Are you serious? Ang alam ko,naaamoy mo pa lang ang alak nalalasing kana haha." pagbibiro niya.
"Hoy hindi ah!"
"Tseee! Manahimik ka, hindi kita kayang buhatin no!"
"Hindi naman tayo mag papakalasing. Sige na." ngiti ko,pilit kinukuha ang kanyang loob.
"Whatever haha, sandali at mag bibihis lang ako."
DRINKING BAR...
"Hi Nyka," bati ng bar tender, maganda itong ngumiti.
"Hey." kaway niya at sumenyas ng dalawa.
"Hoy bruha mukhang suki kana dito ah!"
Natawa lang siya at tsaka umupo sa harap.
"Hi Nyka, Janna. Nice to see you here." nagulat ako ng may tumapik sa likod ko. Nilingon ko ito. "Can we join?" at umupo sa tabi namin tsaka sumenyas sa bar tender ng dalawa.
"Oh! Lucas, Ian. Kamusta na?" bati ni Nyka.
Si Ian at Lucas ay schoolmate namin noong kolehiyo.
"Hi Janna." ngiti ni Ian sa akin.
"Hi." tipid akong ngumiti, tsaka lumaghok.
Pakiramdam ko ay nag iinit ang mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa iniinom ko o dahil sa presensya ni Ian sa akin.
"Naaalala mo ba yung huli kong sinabi sayo?"
"Matagal na yun,kinalimutan ko na." agad kong sagot.
Tumawa siya na labas ang dimple. "Is it because of Luke, your bestfriend?"
"Hindi, dahil ang mga ganung pangako ay hindi ko na inaasahan."
"Hmm what's wrong? Have I done something wrong back then? That's why you don't believe my promises anymore?"
Umiling lang ako atsaka sunod sunod na lumaghok ng beer.
"Hey easy!" awat ni Ian. "Can we talk Janna yung tayong dalawa lang?" humarap siya sa akin tila nakikiusap.
"Okay." maikli kong sagot.
Nag paalam si Ian sa dalawa at hinila ako papunta sa bakanteng mesa.
"Janna please tell me, kung anong nagawa kong mali dati. Okay naman tayo bago tayo huling nagkita hindi ba?"
"Ian, It's been 2years ago. Pinapanindigan mo pa din ba ang pag papanggap mo sa akin?" naiinis ako sa malambing niyang pakikipag usap sa akin, na akala mo ay nakalimutan na ang ginawa nila ng mga kaybigan niya.
Pakiramdam ko ay unti unti ko ng nararamdaman ang hilo at pagka lasing.
"Hindi ko maintindihan." naguguluhan niyang sabi. "Janna." pag tawag niya pa.
Napa tungo na ko sa mesa at napapikit, hindi na kayang labanan pa ang pagka lasing. Narinig ko nalang ng lumapit sila Nyka at Lucas sa akin.
"Nyka, ako na ang bubuhat kay Janna. Ihahatid na namin kayo." alam kong boses ito ni Ian.
Narinig ko pa ang boses ni Luke, pero hindi ako sigurado kung dala lang ba ito ng kalasingan. Hanggang sa mawalan na ko ng malay.
KINABUKASAN
Ang sakit ng ulo ko,bumangon ako upang pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay dumeretso ako sa kusina, naabutan ko si Nyka na nag luluto ng almusal. Umupo ako at hinilot hilot ang sintido.
"Anong nangyari kagabi?"
"Hindi mo na maalala? Binuhat ka ni Luke at hinatid niya tayo. Pinapagalitan ka nga niya kahit alam niyang hindi mo na siya naririnig." natatawa siyang nag kwento. "Pero wait, anong pinag usapan niyo ni Ian kagabi?"
"Wala yun,"
"Wow ha?" pinagtaasan niya ko ng kilay at bumalik sa ginagawa.
"Hindi pa ba tapos yan? Nagugutom na ko."
"Matatapos na po prinsesa!" sarkastika niyang sabi.
At sabay kaming natawa.
Maya maya matapos mananghalian ay nag paalam na siya.
Nilibang ko nalang ang sarili sa pag lilinis ng bahay hanggang sa hindi ko namalayan ang oras, hapon na pala. Sandali pa akong umidlip sa sofa sa may sala.
Naalimpungatan ako ng may kumatok.
"Sino yan?"
"Your best bestfriend, Luke!" seryoso ang kanyang tinig,natawa naman ako.
Binuksan ko ang pinto at natatawang yumakap sa kanya at madali ring kumalas. Pero seryoso ang mukha niya.
"Anong dala mo?" ngiti ko. Kinuha ko ang mga dala niya at nilagay sa mesa.
"Your favorite food, kumain kana."
"Sandali at pag hahanda muna kita, sabayan mo na akong kumain." Nag tungo ako sa lagayan ng pinggan. "Kagagaling mo lang ba sa trabaho?"
"Hmmm," sagot niya.
Umupo ako sa harap niya at pilit na pinapaganda ang ngiti, alam kong pagagalitan niya ko dahil napaka seryoso ng mukha niya.
"Janna, Don't get drunk when I'm not around." seryosong bigkas niya.
"Sorry."
"Are you still inlove with Ian? Alam mo ang ginawa nila ng mga kaybigan niya sayo hindi ba?"
"I know,"
"Alam mo pala, bakit kasama mo pa sila sa bar kagabi?" malumanay siyang nag sasalita.
"Doon lang kami nag kita sa bar,hindi naman namin alam ni Nyka na doon sila pupunta."
"Okay, kumain kana."
"Sorry na, wag ka ng magalit." ngiti ko.
"Hindi naman ako galit, inaalala ko lang ang nararamdaman mo."
"Hindi ko naman siya nagustuhan,"
"Really huh?"
"Hmmm."
"May trabaho ka bukas?" tanong ko habang kumakain.
"Yes, ang dami kong kelangan asikasuhin. Baka hindi ako maka punta dito bukas pagka galing sa trabaho."
"Sus okay lang yun no!"
"Gusto ko si Nyka lang ang nakakasama mo. You know naman na pinoprotektahan lang kita Janna."
"Oo." sandali pa akong natahimik. "Pupunta nalang ako sa inyo bukas."
"Hmm, inaantay ka din ni Mom." ngayon lang siya ngumiti. "Susunduin muna kita bukas bago ako pumasok."
"Okay." ngiti ko.
Natigil siya sa pagkain ng may tumawag sa telepono niya. Nag pasintabi siya upang kausapin ito sa labas.
Bakit kelangang lumabas pa! Tsh!
Tinapos ko ang kinakain ko at nag tungo sa labas ng bahay.
"Andito ako sa bahay ng bestfriend ko." rinig kong sabi niya sa kausap.
"Hmm uuwi na din ako, okay see you tomorrow bye."
Pinatay niya ang linya at humarap sa akin.
"Oh tapos ka na bang kumain?" nakangiting tanong niya.
"Sino yun?"
"Ang alin?"
"Yung tumawag?"
"Ah si Princess."
"Bakit daw?" kunot noo kong tanong.
"May tinanong lang siya about sa trabaho."
May tinanong pero halos isang oras mag kausap?
"Hmm okay, tapusin mo na ang kinakain mo gusto ko na mag pahinga."
"Wow bansot pina paalis mo na ba ko?"
"Wag mo nga akong tinatawag ng ganyan!" inis akong tumalikod at dumeretso sa kusina.
"Marunong na palang magalit sa akin ang prinsesa ko?" natatawang niyang sabi habang pinag papatuloy ang pagkain.
Hindi ko siya pinansin, hindi ko alam kung bakit ako naiinis gayong wala namang siyang ginagawang mali. Napabuntong hininga nalang ako sa pakiramdam na to.
Kinabukasan, sinundo niya ako at hinatid lang sa bahay nila tsaka umalis.
"Hija." masaya akong sinalubong ni Tita.
Pumasok kami at umupo sa couch.
"Kumain ka na ba?"
"Yes po tita." ngiti ko.
"Hija, samahan mo naman ako mamaya sa mall."
"Shopping uli tita?" natatawa kong tanong.
Natatawa din siyang tumango. "Ito lang ang libangan ko, after lunch na tayo umalis."
"Sige po tita."
Nag paalam ako na aakyat at papasok sa kwarto ni Luke.
Grabe! Hindi man lang nag tiklop ng higaan at nag linis ng kwarto niya. bulong ko.
Nilinis ko ang kwarto ni Luke, tinignan ko na din ang damitan niya at tiniklop ang mga nagulong damit.
"Janna," bungad ni tita Venus. "Kain na tayo."
"Sige po tita, tapusin ko lang ito."
"Sana kayo ang mag katuluyan ng anak ko." banggit ni Tita habang magandang naka ngiti sa akin.
Nag init ang mukha ko sa sinabi niya. "Tita naman." inarte kong sagot.
Mahina siyang natawa. "Ikaw lang ang gumagawa ng ganyan sa kaniya. I'm surprised that during the time when you we're bestfriends with him, you didn't fall in love with each other."
"Hahaha!" peke akong tumawa. "Tita malabo."
"Why naman? Hindi mo ba gusto ang anak ko?"
Hindi ako nakasagot. "Tita tara na, kumain na tayo para marami pa tayong mapamili." pag iiba ko ng usapan.
"Haha okay hija."
Mabilis kaming nakarating sa mall dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay nila tita. Nag tungo agad kami sa bilihan ng damit, halos lahat ata binili na ni tita. Iba talaga pag mayaman.
Habang nag lalakad nasalubong namin si Ian.
Syempre hindi ko siya tinignan,kunyari hindi ko siya nakita,pero binati niya ako.
"Janna," ngiting ngiti itong bumati. "Hello po."
"Tita, si Ian nga po pala. Schoolmate ko nung college."
"Oww, hello." tipid si titang ngumiti.
"Ma'am excuse pwede ko bang makausap sandali si Janna?"
"Ah yes, go ahead." alinlangang sagot ni tita.
Bahagyang lumayo si tita para bigyan kami ng privacy upang makapag usap.
"Ano ba yun Ian?" kunot noo kong tanong.
"Janna, busy ka ba mamaya? Pwede ba tayong mag dinner?"
Napa ikot ko ang paningin. "Ano ba ang sasabihin mo?"
"Gusto kong malaman kung bakit biglang nag iba ang pakikitungo mo sa akin, okay naman tayo nung huli tayong nag kita hindi ba? Sabi mo sa akin oo hihintayin mo ko pero bakit bigla kang nag bago ngayon?"
"Ian, hindi mo ba naiintindihan? Dalawang taon na ang nakalipas, isa pa." sandali akong natahimik. "May nalaman ako tungkol sa inyo ng mga kaybigan mo!"
"Ano ba yun Janna? Sabihin mo naman sa akin oh!"
"Kunyari ka pa, pi-
"Janna hija, lets go baka gabihin tayo." bumaling siya kay Ian. "Pasensya na."
"Sige po." maikling sagot nalang ni Ian.
Nag lalakad kami patungo sa foodcourt. "Hija do you want to eat? Mag meryenda na muna tayo."
"No tita, busog pa po ako." ngiti ko.
Pag gawi namin sa foodcourt natanawan namin si Luke.
"Si Luke ba iyon? Sino yung kasama niya?"
"Si Princess po,ka trabaho niya."
"Kaya pala." makahulugang salita ni Tita sabay tingin sa akin.
Hinila niya ako patungo sa pwesto nila Luke.
"Nice lunch anak with your new friend?"
"Mom," gulat siyang napatayo at tumingin sa amin. "What are you doing here?" ngiti nito.
"Obvious ba?" iniangat ko ang bitbit na pinamili ni tita.
"Hello po." bati ni Princess.
"Hi," hindi man lang ito nginitian ni tita at bumaling sa anak. "Friendly ka na pala ngayon Luke?"
"Sa kumpanya ni Dad siya nag tatrabaho Mom."
"Hmm, Janna sige na at pumunta kana sa friend mo. Narinig ko may dinner date pa kayo." nagulat ako sa sinabi ni tita. Pakiramdam ko ay gusto niya lamang asarin ang anak. "What his name nga ba? Hmm Ian."
"What?" hinila ni Luke si Tita sa di kalayuan pero naririnig ko pa din ang usapan nila. "Mom hindi mo kilala ang Ian na yun."
"Bakit kilala ba ni Janna iyang Princess na yan?"
"Mooom." ungot niya, at malalim na bumuntong hininga.
Bumalik si Luke sa gawi ko. "Janna, ayokong sumasama o nakikipag usap ka sa lalaking yun, okay?" nakasimangot na sabi niya.
Inis akong tinalikuran siya, niyaya ko na si titang umuwi. Hinatid naman niya ako sa bahay ko.
Anong gusto niya? Siya lang ang nakikipag date at ako ay walang karapatan?
Busangot akong humiga agad sa higaan ng makarating.
CONTINUE...