CHAPTER 4

1417 Words
Hanggang sa maka alis nalang si Luke ay hindi ko naitanong sa kanya ang tungkol sa kanila ni Princess, hindi din niya nababanggit sa akin. Kinabukasan pumunta ako kela Tita Venus, alam kong hindi ko doon maabutan si Luke dahil ang sabi niya ay abala pa din siya sa trabaho. Nag kwento ako kay Tita tungkol sa nararamdaman ko, halos mag sisigaw siya sa tuwa ng sabihin kong in love na ata ako sa anak niya. Sobrang hiya ang nararamdaman ko ng aminin ko ito. "Really hija?" tuwang tuwang sabi niya hindi maka paniwala. "Alam na ba ni Luke ang nararamdaman mo para sa kanya?" "No tita, ayoko pong sabihin please." "Why naman? Sa tingin ko ay bagay na bagay kayo." kinikilig na ani niya. "Tita." pakiramdam ko ay namumula ako sa sinasabi niya. "Yiiieh namumula ka hija." parang teen ager kung mag react si tita. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito, dati ang tingin ko lang kay Luke ay bestfriend na matatakbuhan sa oras ng problema hindi ko inaakala na mahuhulog ako sa kanya. "Hija ayaw mo ba talagang sabihin iyang nararamdaman mo sa kanya?" pamimilit niya. "Ayoko po tita." "Gusto mo ako nalang ang mag sabi— "Huwag tita! Ako na po, ayokong sa iba manggaling na gusto ko siya. Gusto ko ako po mismo ang mag sabi." "How sweet." kinikilig na sabi niya. Pero nawalan ako ng ng tyempong sabihin ang nararamdaman ko, lagi siyang abala. Araw araw na nga ako kela tita para lang maabutan siya pero hindi talaga kami mag pang abot. Isang linggo akong ganoon, isang araw hindi ako pumunta sa kanila. Niyaya ko si Nyca na mag gala, nag punta kami sa Windmill sa may Pililla Rizal. Nakaka relax din kasi ang hangin dito. Mataas ang lugar kaya tanaw ang napaka daming bahay at ang laguna lake. "Ang layo pero sulit grabe ang ganda dito. Ang lakas ng hangin." "Pangatlong beses ko ng pumunta dito pero talagang namimiss ko ang lugar na ito." "Bakit hindi si Luke ang inaya mo?" "Abala siya Nyka." bigla akong nalungkot sa tanong niya. Hindi siya sumagot at masayang pinag masdan ang tanawin. Nag lakad lakad kami. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Luke ang nag text. From: Sungit Bakit hindi mo sinabi sa akin na pumunta ka diyan? Ang daya! Sorry kung abala ako. Ingat ka ha bansot. Napangiti ako, nakita ni Nyka yun. "Uyy Inlove si gaga! Si Luke siguro ang nag text kaya naman may pangiti ngiti ka pa diyan!" pang aasar niya. Sabay umariba ng kanta. "I pray for all your love Boy our love is so unreal I just wanna reach and touch you, squeeze you Somebody pinch me This is something like a movie And I don't know how it ends boy But I fell in love with my bestfriend. (I think I'm in love)." paulit ulit niyang kinanta ang huli habang nakahawak sa dibdib at nakatingin sa akin. "Hoy tumahimik ka nga!" tinakpan ko ang bibig niya. "Hahaha, ano mag sabi ka nga! In love ka kay Luke no?" "Hindi a!" pagtanggi ko. "Okay sige, siguro naman okay lang na kantahin ko yan sa harap niya habang mag kasama tayong tatlo. Kasi hindi ba? Wala ka namang gusto sa kanya." pang aasar pa ni Nyca. "Nyca!!" suway ko. "Bakit?" natatawang tanong niya. "Oo na! In love na ako kay Luke! Pero wag ka namang maingay!" "Alam na ba niya?" "Hindi pa." "Bakit?" "Hindi ko masabi dahil lagi siyang abala." "Haaay, baka naman si Princess ang tinatrabaho kaya masyadong abala." "Hoy wag ka ngang nega! Madami lang talagang pinapaasikaso ang Daddy niya sa kaniya." "Di mo sure haha." "Alam mo panira ka ng moment, halika na nga. Pumunta tayo doon." Dito kami nag palipas ng oras ni Nyka. Dahil pareho naman kaming walang sasakyan ay namasahe lang kami. Gabi na ng makararing ako sa bahay. Hindi na ako kinulit ni Ian simula ng huli kaming mag kita. Laging si Nyka ang nakakasama ko sa tuwing may gusto akong puntahan o kaya naman kapag siya ang may gustong puntahan. Madalang kaming mag ka text at mag kausap sa telepono ni Luke, naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya. Kaya naman nililibang ko nalang ang sarili sa mga gala namin ni Nyka para hindi ko siya palaging naiisip. Mahirap talaga kapag nasanay ka na palagi mong siyang kasama, lagi kang iniintindi, lagi kang inaalala, sweet sayo at inaalagaan ka. Nag bago lang simula ng maging abala siya sa trabaho. Isang buwan na kaming hindi nag kikita ni Luke, pero kahit ganoon pakiramdam ko ay lalong nadadagdagan ang nararamdaman ko sa kanya. Nananabik akong makita siya at pag laanan uli ako ng oras niya. Pero dumaan pa ang dalawang linggo puro call and text lang kaming dalawa. Nag punta ako sa kanila dahil tumawag sa akin si tita para mag pasama uli mag shopping. "Hija, bagay sa iyo ito. You're so pretty, isuot mo ito mamaya." "Ha? Anong meron mamaya tita?" "Maagang uuwi si Luke mamaya, chance mo na ito hija." kinikilig na sabi ni Tita Venus. "Kinakabahan ako Tita, hindi ko alam kung kaya ko bang umamin sa kanya." "Kaya mo yan." ngiti niya. Binilhan ako ni Tita ng dress na kulay violet, may pagka maiksi pero siguradong babagay sa akin. Hinatid ako ni Tita sa bahay. "Hija don't forget, sa bahay kana mag dinner. Wear the dress okay?" "Opo tita. Pasok po muna kayo." "No it's okay anak, mag hahanda pa ako para sa dinner natin mamaya." "Sige po tita, salamat po ingat po kayo." paalam ko sa kanya. Pagka dating ko nilabhan ko agad ang damit na binili ni tita at dinryer, mabuti nalang bago mag alasais ay natuyo na ito. Tinapat ko muna saglit sa electricfan bago ako naligo. Tinignan ko pa ang sarili sa salamin,sinisigurado kung bagay ba talaga sa akin ang damit. Saktong 7pm ng makarating ako kela Tita Venus. "Wow you're so beautiful." bungad agad ni Tita. "Hmm Nice dress hija." papuri ng Daddy ni Luke. "Salamat po tita tito." nahihiya kong sabi. Bahagyang bumulong si Tita sa akin. "Oh diba? Bagay sa iyo. Ang ganda ganda mo, maya maya lang andiyan na si Luke." "Tita." nag iinit ang pisnge ko. Natawa lang si tita at nag intindi sa kusina. Umakyat ako at pumasok sa kwarto ni Luke, nakagawian ko ng bisitahin ang kwarto ni Luke sa tuwing nag pupunta ako dito. Bumukas ang pinto. "Janna?" "Luke, s-sorry kung pumasok ako." "Okay lang," bigla siyang namula. "A-ang ganda mo." "Huh?" "Sabi ko ang ganda ng suot mo, bagay sayo." "Salamat. Punta na ko sa sala, sumunod ka nalang." "Sige." Pigil hininga akong lumabas pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, ito na ata ang pinaka pormal at maayos naming pag uusap. Tahimik kaming nag hapunan. Nakikita ko si tita na patingin tingin sa amin ni Luke at biglang mangingiti. Si Luke ang nag asikaso ng kakainin ko,lagi niya itong ginagawa kapag sabay kaming kumakain. "Ang sweet talaga ng anak ko." pang aasar ni Tita Venus tila kinikilig pa. Natatawa at naiiling lang si Tito Erick. "Mom it's normal, there's no romantic excitement about it." "Okay." ngiti ni Tita. Matapos kumain. "Luke, ikaw na ang mag hatid kay Janna." "Yes Mom." bumaling siya sa akin. "Let's go?" "Hmmm." Sandali pa akong nag paalam kela tita at tito. Niremind pa ako ni tita sa sasabihin ko, halos icheer niya ako. Pag dating sa bahay. "Janna." "Luke." sabay naming sabi at sabay kaming natawa. "Ano yun?" tanong niya. "May sasabihin ka ba? Ikaw muna." natatawa kong sabi. "Sige." ngiti niya. Nababasa ko sa kanya ang excitement at tuwa. "Janna, kami na ni Princess, gusto ko ikaw ang unang makaalam." masaya niyang sabi. Natahimik ako sandali, parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapag salita. "Huy Janna?" Hinawakan niya ko sa balikat. "Ah, congrats." "Why don't you seem happy? Aren't you happy that your bestfriend already has a girlfriend." ngiting ngiting sabi niya pa. Paano ako magiging masaya kung hindi naman ako ang girlfriend mo tsk! Halos gusto kong matunaw at mawala na parang bula sa pinag kakatayuan ko. "Masaya." pilit akong ngumiti. "Ikaw ano yung sasabihin mo?" "Ah wala, gusto ko lang sabihin na ingat ka, mag papahinga na ko." "Okay, thankyou sa oras mo bansot, goodnight." niyakap pa niya ko at ginulo ang buhok bago umalis. Halos bumagsak ang luha ko, wala akong tigil na umiyak ng umiyak. Gusto kong maalis ang bigat at sakit na nararamdaman ko,gusto kong mawala kahit sandali lang sa mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD