CHAPTER 5

1175 Words
Tamad akong bumangon sa higaan, namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak. Pero pinilit ko pa rin ang sarili na kumilos sa bahay. Tok! Tok! Tok! Napatingin ako sa pinto,iniisip kung si Luke ba ang nasa labas. Napailing ako. Bakit naman siya pupunta? Kung abala na siya sa iba. "Hija? Si tita Venus ito." nag aalalang pag tawag niya. "Tita Venus," pag bigkas ko palang sa pangalan niya ay parang gusto ko ng tumakbo at umiyak ng umiyak sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili ko ng mabasa ko sa mga mata niya ang lungkot at pag aalala, niyakap ko si tita habang humahagulgol sa kanyang dibdib. "It's okay hija." pag alo niya sa akin. "I know what happened." "I thought we fell for each other, I was wrong dahil tanging bestfriend lang talaga ang tingin niya sa akin." pahikbi hikbi kong sabi. "I'm sorry Janna, dahil sa anak ko nasasaktan ka ng ganyan." "No tita, it's not your fault. Sa umpisa palang alam ko na ang katayuan ko sa buhay niya pero pilit ko pa rin iniisip na baka pwedeng higit pa kami sa mag bestfriend." humarap ako sa kanya at kinabog ng paulit ulit ang dibdib ko. "This stupid heart of mine suddenly throbbed for him, I was too stupid to fall in love with the person who only considers and looks at me as my bestfriend." "Hija." halos maiiyak na pag tawag ni tita at niyakap ako. "I'm sorry." Kumalas ako sa pagkaka yakap sa kaniya,pinunasan ko ang luha ko at pilit na ngumiti. "Okay lang po tita, mag papanggap na lang siguro ako na okay lang at masaya para sa kaniya, sa kanila ni Princess. Walang mangyayari kung mag mumukmok lang ako, hindi naman niya ako pupuntahan dito para piliin," kunyaring natatawa pa. "Dahil hindi naman niya alam ang totoo kong nararamdaman." "I'm always here for you hija." hinaplos niya ang aking buhok habang naka ngiti. "Thankyou po tita." "Gusto mo bang lumabas tayo?" nakangiti niyang tanong. Umiling ako. "I want to be alone for a while. Sorry tita." "I understand." hinaplos niya pa ang buhok ko at nag paalam. Nag tungo ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Nyca. "Hey what happened?" halatang nasasabik niyang tanong. "Hindi ba ang sabi mo mag tatapat kana kay Luke, so ano? Kayo na ba?" "Sila na ni Princess." deretso kong sagot. "What!? Sabi ko na nga ba iyong Princess na yun talaga ang tinatrabaho niya! Sus kunyari pa siyang abala sa trabaho, utot niya!" "Nyca." Ayoko ng umiyak pa, wala na akong mailalabas na luha. "Oh? I know hindi ka okay, pupuntahan kita diyan." "Wag— Pinutol na niya ang linya. Maya maya nga lang ay nandito na siya sa bahay at nag yaya ng pumunta sa Drinking Bar. Paulit ulit akong tumanggi pero masyado siyang mapilit kaya ang ending hapon palang andito na kami sa Bar. Pagpasok palang napansin agad namin ang magkaybigan. Gusto kong umatras ng makita si Ian pero hinila ako ni Nyca patungo sa harap kung saan mismo sila. "Oh! Jeffrey lasingin mo itong kaybigan ko!" turo niya sa akin. "Nyca." suway ko at mahina siyang hinampas sa balikat. Natatawa lang siyang nakipag usap sa bartender. "Hi," Nahihiyang bumati si Ian sa amin. "Janna, what happened? Mukhang hindi ka okay." "Wow! Biruin mo iyon, napansin mo?" pagsingit ni Nyca. "Sino nga bang hindi makakapansin niyang namumugto mong mata haha!" Hindi ko pinansin si Nyka. Hindi pa siya nakakainom pero parang may tama na siya. "Okay lang." pilit akong ngumiti. "Really?" lumapit pa siya sa akin. "I know you're not okay." "Alam mo naman pala eh! Nag tatanong ka pa!" Mahina kong bulong. "What?" inosente niyang tanong. "Wala, ang sabi ko okay lang talaga ako." ngumiti ako. "Ikaw itong hindi okay." Iniabot sa akin ni Nyca ang drinks ko. Sunod sunod ko iyong nilaghok. Inihayag ko ang baso ko sa bartender ng maubos agad ang laman nito. "Isa pa." agad naman niya itong nilagyan. Nakita ko ng matawa habang naiiling si Ian. "Ayan talaga ang ibig sabihin sayo ng okay lang?" "Oo." Natatawa siyang lumaghok din hanggang sa maubos ang laman. "Okay lang din ako." ngiti niya. Humingi uli siya ng isang basong beer at tuloy tuloy uli iyong nilaghok. "Hoy ano iyan? Nag papaligsahan ba kayo ha? Ayos pa ba kayong dalawa?" "Okay lang" sabay naming sabi, nagkatinginan kami at sabay ring natawa. "Ayos a!" natatawang bigkas ni Lucas. Maya maya lang nakita kong dumadating si Luke. Nanliliit ang mata kong tinitignan ito. Anong ginagawa niya dito? Lasing na ba ako para isiping nandito siya. Natatawa akong umiling. Nababaliw ka na Janna. Kinuha ko ang baso ko,iinumin ko na ang laman nun ng may pumigil sa akin. "I told you to stop drinking, I don't want you to drink when I'm not around!" "Ano ba!?" pilit inaagaw ang baso. "Stop it Janna. Iuuwi na kita!" "No!" sigaw ko. "Sino ka para utusan ako? Boyfriend ba kita? Hindi naman diba? Umalis ka na!" pakiramdam ko ay lasing na ako at hindi ko na alam ang mga sinasabi ko. "I'm your Bestfriend!" Natatawa akong tumingin sa kaniya. "Ayun na nga eh! Bestfriend mo lang ako!" "Ano ba ang problema Janna? Bakit ka nag iinom? At bakit kasama mo ang lalaking iyan!?" "Kelangan ko ba talaga mag paliwanag sa iyo? Kasi para sa akin wala ka ng pake doon!" Tumalikod ako, ramdam na ang hilo at gegewang gewang ng nag lalakad. "Janna." rinig kong tawag ni Nyca. "Ihahatid na kita." hinawakan ni Luke ang braso ko,pero agad ko iyon binawi. "Si Ian na ang maghahatid sa akin." "Mabuti pa nga. Hayaan mo ng si Ian ang maghatid sa kanya Luke. Umuwi kana." Ramdam kong bumagsak ako sa sahig hanggang sa mawalan na ng malay. Kinabukasan. "Sandaliiii." pagsigaw ko ng marinig kong may kumakatok. Hinilot hilot ko ang sintindo ko. "Oh Luke anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng yakapin niya ako. "Namiss kita." agad ding kumalas. "Ano ba ang problema? Pwede mo naman siguro sa akin sabihin, kaybigan mo rin ako." "Ha?" painosente akong tumawa. "Wala no? Sino bang nag sabing may problema ako? Teka may dala ka bang pagkain?" pag iiba ko ng usapan. "Haha ikaw talaga." ginulo niya ang buhok ko. "Sandali kukunin ko lang sa kotse." Maya maya ay nakangiti siyang bumalik at iniabot ang pagkain. "Sabay na tayong kumain bago ako pumasok." ngiti niya. Hindi ako kumibo,nagtungo ako sa kusina para kumuha ng pinggan at kutsara. Habang kumakain kami ay panay ang kwento niya tungkol sa kanila ni Princess. Halata sa kaniya na sobrang saya niya. Napipilitan akong ngumiti sa tuwing tumatawa siya. Pinapakitang masaya talaga para sa kanila. Mahirap para sa akin ang mag panggap na hindi nasasaktan, na okay lang at walang nararamdaman para sa kaniya. Pinipilit kong maging normal sa harap niya, maging kagaya ng dati. Isang Janna na wala lang sa kanya ang yakap at mga malalambing na salita. Isang Janna na inuudyokan pa siya na mag nobya na. Isang Janna na wala pang nararamdaman para sa bestfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD