CHAPTER 3

1566 Words
Nakita kong tumatawag si Luke, binaliwala ko iyun at inoff ang cellphone ko. KINABUKASAN Maaga akong nagising, nakalimutan kong kumain kagabi kaya maaga akong nag luto ng umagahan. "Janna, open the door." tinig iyun ni Luke. "Morning, napasyal ka." peke akong ngumiti. "Bansot, anong almusal natin? Ang bango ng niluluto mo." "Wag kang o.a, sinangag lang yan." "Haha, I miss you bansot." "Wow ang sweet, anung nakain mo ha? Sungit!" "Bakit? Masama ka na bang mamiss ngayon? Nag paalam ako kay Dad. Saan mo gustong pumunta?" ngiting ngiting sabi niya. "Alam mo naman kung saan, our favorite place.Sa Regina Rica sa may Sampaloc." "Okay let's go there." masaya niyang sabi. Paborito naming puntahan ni Luke ang lugar na iyon, bukod kasi sa nakakarelax ang paligid presko pa ang hangin na dumadampi sa balat mo. Nag gala at umakyat kami sa napakataas na hagdan. Sobrang ganda ng tanawin, ang sarap langhapin ng preskong hangin dito. Luke and I took a picture to add to our collections and memories to share. Masaya kaming nag gala at nag tatawanan. Ito yung pangyayaring hindi mo na hihilingin pang matapos Akala ko talaga perfect day ko ng maituturing ang araw na ito pero nag kamali ako. May tumawag kay Luke at sinabing naaksidente si Princess, kaya madali siyang nag yayang umuwi. Hinawakan niya ako sa braso at dali daling nag tungo sa kotse, pero hinila ko ang braso ko at tumigil sa pag lalakad. "It's okay Luke, you don't have to take me home, I can go home alone." mapait akong ngumiti. "And One more thing, it looks like you really need to be there so I'm not— "But Janna, it's a bit far. I don't want to just let you go home alone. Halika na ihahatid na kita." halatang aligaga siya. "No, okay lang talaga Luke, may pamasahe pa naman ako oh." Ipinakita ko pa ang pera ko at pilit na magandang ngumiti,para ipakitang okay lang talaga. "Umalis kana Luke, baka hinihintay ka na ni Princess." Ginulo niya ang buhok ko. "Babawi ako my princess." Yumakap lang saglit at madaling umalis. "Hindi na ako ang prinsesa mo." mahina kong bulong, malungkot akong nag lakad lakad. Ano ba ang meron sa kanila ngayon? Bakit sobra naman siyang nag aalala sa babaing iyon? Malalim akong bumuntong hininga. Para akong maiiyak sa lungkot at selos na nararamdaman ko. Nagseselos ako kapag naiisip kong hindi na lang ako ang inaalala niya,hindi nalang ako ang bestfriend niya o baka naman, mas higit pa sila sa iniisip ko. Tumunog ang cellphone ko at wala ko iyong ganang sinagot. "Hello Tita?" halatang malamya ang boses. "Why is your voice like that hija? Hindi ka ba nag eenjoy sa pamamasyal niyo ni Luke?" "Tita umalis po siya. Kinailangan po siya doon sa hospital, ang sabi niya ay naaksidente si Princess. Kaya naman nag paiwan na ako dito." "What!? He really left you there?" "Tita ako naman po ang nag pumilit na mag paiwan na muna dito." "Hmm,May nabanggit ba si Luke kung bakit ganoon nalang siya kung mag alala sa Princess na iyon?" "Wala po tita." "Are you okay? Susunduin nalang kita." "Salamat po tita." Tsaka niya pinatay ang linya. Ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Tita Venus, para akong nagkaroon ng pangalawang ina. Gusto pa ni Tita na mag mall pero tumanggi ako at sinabing gusto ko na mag pahinga. Lumipas ang apat na araw na halos walang paramdam sa akin si Luke, hindi ko alam kung bakit hinahanap ko ang atensyon at pag bibigay niya sa akin ng oras. Bestfriend niya lang naman ako pero bakit kailangan ko makaramdam ng ganito? Tinatawag tawagan ako ni Tita para sabihin na hindi pa niya nakakausap ang anak, hindi niya daw ito naaabutan umuwi sa bahay at pumasok sa trabaho. Masyado daw itong abala. Nang marinig kong mag ring ang cellphone ko ay dali dali ko iyon kinuha sa ibabaw ng durabox, nag babaka sakali na si Luke ang tumatawag, pero hindi. "Oh?" sagot ko. "G ka ba mamaya?" "Ha? Saan?" "Sa Drinking Bar." "Ayoko." agad kong sagot. "Sige na." "Nyka ayoko, magagalit si Luke." "Boyfriend mo ba siya? Nag aalala ba talaga siya sayo? E hindi ba ang sabi mo ilang araw na kayong hindi nag kikita at nag kakausap. Naku Janna abala yon sa trabaho, abala sa duty niya sa hospital haha. Akala ko'y bussiness man ayun pala'y doctor ang nais." "Mapanakit kang babae ka!" "Haha ano? Tara na kasi." "Fine! Dami daming sinasabi." "Haha okay, pupunta nalang ako diyan." Hindi na ako sumagot at pinutol ang linya. Sandali palang ang nakakalipas ng may kumatok. Ang bilis naman ng babaing yun. "Janna." Bumungad sa akin si Ian ng buksan ko ang pinto. "What are you doing here? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" "Si Nyka— "Sabi na nga ba." "Janna, mag usap naman tayo." "Nag uusap na nga tayo," "Janna." nalukot ang mukha niya. "Ano nanaman ba ang sasabihin mo?" pinapakitang naiirita at nakukulitan na ako sa kanya. "Janna, I still love you." "Yun lang ba? Ang inaasahan ko pa naman ay aamin ka sa kasalanan mo sa akin noon." "Ano ba ang sinasabi mo?" "Pinag pustahan niyo lang naman ako ng mga kaybigan mo hindi ba? Nakita ka din ni Luke na may kahalikang iba noon." Hindi siya naka sagot. "Upo ka muna, para mapag isipan mo yung isasagot mo sa akin." sarkastika kong sabi. "Janna— inaamin ko na pumayag ako sa mga kalokohan ng mga kaybigan ko noon, pero habang tumatagal ang panliligaw ko sayo nag babago ang nararamdam ko, totoo lahat ng mga pinaramdam ko sayo noon Janna. Totoo ang binitawan kong pangako sayo noong huli tayong nag kita. Ang isang hindi totoo ay ang sinasabi mong nakipag halikan ako sa iba, hindi iyon totoo maniwala ka." "I don't believe you Ian, si Luke mismo ang naka kita sa inyo! Kaya wag ka ng mag sinungaling sa akin!" "Janna please— "Oh? May drama pala dito." biglang dating ni Nyka. "Umalis kana Ian." "Akala ko ba mahal mo ko Janna." "Noon yun, nung hindi ko pa alam na pinag laruan mo lang pala ako." "Alam ko naman kung sino talaga ang totoong mahal mo Janna." "Umalis kana pwede!" pasigaw kong sabi nauubus na ang pasensya. "Umalis kana Ian please." paki usap ni Nyka. Nang umalis si Ian ay isinarado ko na ang pinto. Hindi na din kami umalis ni Nyka at bumili nalang siya ng alak at pulutan. Dito na din natulog si Nyka. Lumipas pa ang Isang linggo. (Tok! Tok! Tok!) "Sino yan?" pag tawag ko. Tinigil ko ang ginagawa at nag tungo sa pinto. "Nyka— natigil ko ang sasabihin ng si Luke ang bumungad sa akin. Napaatras ako at napatalikod. "Anong ginagawa mo dito Luke?" tsaka pumunta uli sa kusina para ipag patuloy ang pag huhugas ng pinggan. Hindi ko alam kung bakit kaba inis saya ang nararamdaman ko, hindi naman ako ganito dati. "Ano bang klasing tanong iyan bansot? Andito ako dahil namiss kita." hindi ako sumagot. "Sorry kung ngayon lang ako naka punta dito, ngayon lang kasi naging maluwag ang schedule ko at ngayon lang naging okay si— "Okay lang, kahit nga isang taon ka pang hindi mag pakita sa akin ay ayos lang." natatawa kong sabi. "Sus namiss mo lang ako e. Payakap nga." tumayo siya at astang yayakapin ako pero humarap ako sa kanya at tinuro ko siya. "Diyan ka lang!" tsaka tinuloy uli ang ginagawa. "Ang sungit. Sorry na Iloveyou." Nagulat ako, niyakap niya ako habang nakatalikod. Janna kalma! Simpleng akto lang sa inyo ito noon hindi ba? Walang ibig sabihin ng Iloveyou at yakap niyang ito,nag sasabihan na kayo nito noon dahil mahal niyo ang isa't isa bilang mag BESTFRIEND lang! Pero tang ina! Ano itong nararamdam ko? Bakit ang bilis bilis ng t***k ng puso ko, anong problema may sakit na ba ako sa puso? Humarap ako sa kanya at lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng makita kung gaano kaganda ang ngiti niya sa akin at kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Napapikit ako,tinulak ko siya. "Lumayo ka nga!" "Wow ang sungit na talaga ng prinsesa ko, galit ka ba dahil iniwan kita nung nakaraan? Pinagalitan ako ni Mom dahil dun, sorry na Janna." "Hindi ako galit no?" "E ano lang? Galit na galit." natatawang sabi niya. Iba na talaga itong pakiramdam ko sa kanya, naaapektuhan na ko sa lahat ng inaakto at ginagawa niya. Bumibilis ang t***k ng puso ko pag nakikita ko siyang tumatawa, kapag niyayakap niya ko, kapag sinasabihan niya ako ng Iloveyou basta lahat! May problema na ata ang puso ko hindi na normal ang bilis ng t***k ng puso ko. Kelan pa ito nag simula? "Wag kang tumawa!" sigaw ko. Mahahalata niya kaya ako kapag ganto ako umakto? Dapat ay normal pa din ang kilos ko, katulad ng dati. "Sorry." "Ah ano, hindi. Joke lang haha." nag peace sign pa ako. Natawa siya, dahil alam ko mukha akong tanga. "Haha ang cute mo talaga. Kumain ka na ba?" Sabay upo sa sofa. "Hindi pa, bago palang ako mag luluto ng tanghalian." "Hmmm," tatango tangong tugon niya. "Kaya naman pala tinotopak ka haha sandali at kukunin ko lang sa kotse yung binili ko." Nalukot ang mukha ko, masaya ako dahil andito siya. Gusto ko siyang tanungin kung ano na ba si Princess sa kanya pero natatakot ako sa mga isasagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD