Arumi’s POV
I could hear my mom’s sewing machine all the way from the second floor. Ni hindi man lang siya nag-abala na magbihis para makapunta kami sa barangay hall. Wala na yatang balak pumunta roon since nandoon ako lagi. Tuloy lahat ng inquiries ng mga tao ay sa akin. I’m not complaining, though. I actually enjoy it when they ask questions, and I’m happy to answer them.
Today is the distribution of the kits sa mga secluded areas, specifically sa mga public schools na bihirang mapuntahan ng LGU.
As a volunteer worker, and part ng nasasakupan ng nanay ko ang mga area na 'yon, hindi ko puwedeng palampasin ’yon. I’m devoted to my work. I didn’t choose to stay here instead of working in the city for nothing. Maraming batang nangangailangan ng materials para makapag-aral, at hindi ko maatim na hayaan lang 'yon.
Pagkatapos kong magbihis at ipuyod ang buhok, hinagip ko ang sling bag ko at lumabas na ng kwarto.
Dali-dali akong bumaba, pero bahagya akong natigilan nang makita ko kung sino ang kasama ng nanay ko sa sala.
Awtomatikong napataas ang kilay ko nang magtagpo ang mga mata namin. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba hindi siya sasama? Hindi naman gano’n kapanganib ang pupuntahan namin, maarte lang talaga siya. Tingin ko nga puro siya office work, wala man lang initiative na sumama sa field. Dapat hindi na lang siya nanalo bilang SK Chairman kung hindi rin siya bababa sa mga tao.
“Anak…” Nabaling ang tingin ko kay Mama na nakangiti sa akin.
I forced a smile. “Morning,” I greeted. “Sasama sila?” Tumingin ako kina Aaron at Sol na bahagyang nakangiti, kaya sinuklian ko lang din. “Akala ko ba—”
“Sasama kami.” And here we go, the cold-blooded and arrogant Nero being bossy again. “I brought my Hilux. We’ll pick up the kits at the barangay hall.” Saka siya sumimsim ng kape, na para bang wala siyang pakialam kahit nandito si Mama. Napaka-ano talaga. Sarap suntûkin. “And bring the files and the list kung saan tayo mauuna mag-distribute, kung sino ang bibigyan—”
“Nasa barangay hall. Mukha bang inuuwi ko rito?” sarkastikong sansala ko sa kanya. “Saka kung kaya, lahat natin bibigyan.”
“Hindi ba’t sinabi kong i-revise mo? I want the updated list—”
“Pina-overtime mo ako kahapon, ’di ba? Tapos na. Hindi ko lang dinala rito. I’m expecting overtime pay.” Naglakad na ako palapit sa kanila, hindi alintana ang lalim ng tingin niya sa akin.
Wala naman sa akin ang overtime, minsan gusto ko pa nga, pero nakakainis na siya minsan. Lagi na lang niya akong tinatambakan ng trabaho. It’s not like nagrereklamo ako, I love my work and serving people, pero hindi lang naman ako ang volunteer sa barangay. Marami kami. Hindi ako robot. Ako kasi lagi ang nakikita niya. Bwisit na ’yan.
“Are you demanding OT, Miss Arumi?” His cold voice sliced through the air.
Umupo ako sa tabi ni Mama, na ngiti-ngiti pa rin habang nag-aayos ng tela sa sewing machine. Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. Lagi niya kaming nakikitang nagtatalo, pero never niya kaming sinaway.
Well, she knew—my whole family knew that he’s my ex-boyfriend. Botong-boto pa nga sila noon. Sila pa ’yong mas apektado noong naghiwalay kami. But who cares? That was in the past.
Kinuha ko ang tasa niya, dahilan para bahagyang lumaki ang mga mata niya lalo na nang sumimsim ako roon.
“That’s mine—”
I cut him off. “Hindi ba dapat gano’n, Mr. SK Chairman?” Nakangisi akong nag-angat ng tingin sa kanya bago ibinaba ang tasa. “If you’re not going to pay OT, you’re explôiting your worker.”
“Explôiting, huh?” Sumandal siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
For a moment, natahimik ang paligid, tanging makina lang ni Mama ang maririnig sa loob.
He leaned forward with a smug smile. “I’m not explóiting you,” he said calmly. “I’m relying on you. Because you’re the only one I trust to get things done properly.”
Natigilan ako. Hindi ako handa sa sinabi niya. Pakiramdam ko nawala ako sa character ko.
Nag-iwas ako ng tingin nang hindi na ako makatagal sa paraan ng tingin niya sa akin.
Aaron cleared his throat. “Uh… baka mahuli tayo sa schedule?”
Sol nodded awkwardly. “Oo nga. Baka gabihin tayo sa daan.”
Mama finally spoke. “Mag-usap na lang kayo sa sasakyan. Marami pa kayong pupuntahan.”
Nero stood up first. “Let’s go.”
He walked past me. Bahagyang tumama ang binti niya sa tuhod ko habang nakatingin kami sa isa't-isa.
My heart betrayed me for a second. Same warmth. Same gravity. Same Nero I tried so hard to forget.
I clenched my jaw. This wasn’t the time. I grabbed my bag and followed them.
Bago ako lumabas, hinawakan ni Mama ang kamay ko. “Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit,” she whispered softly. “Trabaho muna. Puwede na kayong mag-away pagkatapos.” Biro pa niya.
I forced a smile. “Hindi naman ako galit, Ma,” sabi ko. “At wala akong balak makipag-away sa kumag na 'yon.”
Napailing na lang si Mama. “Sabi mo eh.”
But the truth? I was. Not just at him… but at the part of me that still reacted whenever he was near. Hindi naman kasi madali magmove-on lalo na kung tumagal ang relasyon. It lasted for four years and up until now, I don't know what went wrong. Kung ako ba ang nagkasala o siya. Basta na lang kami pumayag na maghiwalay.
Outside, the Hilux engine started. And as I opened the passenger door, Nero glanced at me through the rear-view mirror, eyes were unreadable.
“As soon as we finish the first school,” he said firmly, almost like a warning, a reminder, “we’ll talk.”
And somehow… I knew that conversation wouldn’t be about work. But us.