“Talk about what?” malamig kong tanong. “If it’s personal, I don’t have time. If it’s work, sa barangay na tayo mag-usap.” Umayos ako ng upo sa passenger seat at nagsuot ng seatbelt.
“Work,” tipid niyang sagot. “There’s nothing to talk about personally. That was in the—”
“I know,” putol ko agad. “Can we go now?” Bumaling ako sa kanya at pilit na ngumiti. “Tumatakbo ang oras, Mr. SK.” Halos pandilatan ko siya ng mata dahil nakikita ko ang dalawa sa likod na obvious na tense. At mas lalong bumibigat ang tension kapag nagkakasagutan kami ni Nero.
“Uhm… baka puwedeng i-on ang aircon, Mr. SK?” nag-aalangang pakisuyo ni Sol. “Ang init.”
“Tension nga,” bulong ni Aaron. “Aray—ano ba? Totoo naman.”
Nero turned on the aircon as he started maneuvering the car. Tahimik lang kami hanggang sa makalabas ng compound.
Magpapatugtog na sana ako nang maantala ang kamay ko sa ere. I almost forgot, wala na pala akong karapatan mangialam sa kotse niya. We’re not together anymore.
Mukhang napansin niya kaya tumingin siya sa akin. “What? Magpapatugtog ka?” iritado niyang tanong sabay taas ng kilay.
Umayos ako ng upo. “Hindi na—”
He took my hand, pressed my fingers on the screen, at ayun, tumugtog ang music.
Seriously? Nagrere-lapse ba ’to? Bakit ganito ang nasa playlist niya? Multo?
Binawi ko agad ang kamay ko nang mapansin kong nakahawak pa rin siya doon. Sabay kaming napaayos ng upo at tumikhim. Nakakailang, lalo na’t alam naming nakatingin ang dalawa sa likod.
“Here.” Nagulat ako nang ilapag niya sa kandungan ko ang iPad niya. “Review the data.”
“What? Bakit ako? Hindi ba dapat ikaw?” I blurted out, annoyed. “Sinend ko na nga sa’yo para mareview mo, tapos ibabalik mo sa akin?”
Hindi siya umimik. Tuloy lang sa pag-drive na parang wala siyang narinig.
“Nero naman!” napataas na ang boses ko. “Ayoko.”
“Tingnan mo lang kung may mali. I was tired last night. Ang dami kong pinirmahang project proposals. Past five ko na ’yan nakita, hindi ko na-review lahat.”
Huminga ako nang malalim. “At ako? Sa tingin mo hindi ako pagod? Past twelve ko na ’to natapos Nero, tapos sasabihin mo ngayon na hindi mo na-review?” Napapikit ako at napahawak sa batok ko. Umagang-umaga, naha-highblood ako sa lalaking ’to. “Bwisit,” I murmured.
“I heard that.”
“So? Nakakabwisit ka naman.”
I had no choice but to review the data. Ito ’yong sinurvey namin the other day, at hindi pa pala niya na-review. What if may mali? Paniguradong mapapasubo kami sa mga sponsors.
Ilang beses akong napabuntong-hininga. Pinipilit kong kumalma kahit sa gilid ng paningin ko, nakikita kong nakangisi siya.
Sinasadya niya talaga ’to. Bwisit siya.
Nang matapos ko na, halos ihagis ko sa kanya ang iPad.
“Mahal ’yan,” he said, sounding way too pleased.
“Anong pakialam ko?” I snapped, saka tumingin sa bintana. Kapag pinatulan ko pa ’to, masusuntôk ko na talaga.
Pagdating namin sa harap ng barangay hall, agad akong bumaba. May sasabihin sana siya nang pagsarhan ko siya ng pinto.
Yes. I slammed it. Ayaw na ayaw pa naman niya ’yon.
Nagmartsa ako papasok ng office niya. Sumunod naman sina Aaron at Sol.
“Talagang mag-ex sila?” bulong ni Sol pagpasok namin sa office. “Hindi halata. Nagbabangayan eh.”
“Ssh, baka marinig ka,” saway ni Aaron.
Nilingon ko sila at ngumiti. “Oo. Ex ko.” I confirmed, diretso ang tono. “Anyway, kayo na lang ni Aaron sa biscuits at drinks, ha? Ako na sa kits.”
Halos sabay silang tumango at dumiretso na sa stockroom.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang marinig ko ang boses ni Nero.
“Meron ka ba?”
Tumayo ako nang tuwid. “Bakit? Ibibili mo ’ko ng napkin?”
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. “W-What?”
I scoffed. “As if namang kaya mo.”
“Are you challenging me?” malamig niyang sabi. Hindi ko siya pinansin.
“Rumi…”
I rolled my eyes. “Bakit ba? Kita mong may ginagawa ako.”
Nagulat ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko.
“Nagtatanong ako nang maayos,” he said dangerously. “Do you want me to report you to your father?”
Binawi ko ang kamay ko. “Tss. Diyan ka naman magaling, ang magsumbong.”
“Meron ka ba?” he asked again.
Napabuntong-hininga ako. “Wala. Bakit? Natatakot ka ba?”
The words slipped out.
His brows drew together. “Natatakot?”
“Bumili ng napkin,” pag-iwas ko.
Pero pareho naming alam na hindi ’yon ang ibig kong sabihin. Bago kasi kami maghiwalay, may nangyari sa amin at hanggang ngayon, hindi pa rin ako dinadatnan.
Natatakot ba siya na baka buntis ako? At masira ang image niya bilang SK Chairman sa barangay? Tss. Parehong-pareho sila ng ama ko, puro pagpapaganda ng image ang gusto.
“Rumi…” His eyes softened, and he reached for me again, but I pushed his hand away.
“Whatever. Look, busy ako. Inaayos ko ’tong kits—”
“Ako na,” he cut in.
“Huwag na. Ako na.”
“Sabing ako na. Ano’ng hindi mo maintindihan sa sinabi ko?” Biglang lumalim ang boses niya. “AKO NA, RUMI.”
Tahimik akong umatras. Umupo na lang ako sa gilid habang siya ang nag-ayos.
Pagkatapos, binuhat niya ang mga kahon. Tinulungan siya ni Aaron. Tutulong na rin sana ako, pero tinaliman niya ako ng tingin.
Fine. Ano pa nga ba?
Pinanood ko na lang sila habang isa-isa nilang binubuhat ang mga kahon na may lamamg kits, biscuits at drinks.
“Teh, huwag na lang talaga,” bulong ni Sol. “Mukhang wala sa mood si SK.”
“Hindi naman mabigat,” irap ko pa.
“Come on, doon na lang tayo sa sasakyan.”
Wala akong nagawa nang hilahin niya ako palabas.
Habang nakasandal kami sa sasakyan, I was watching Nero. Tahimik, seryoso, focused. Ganyan siya kapag nasa trabaho. Same Nero. Same problem.
Nang matapos sila, lumapit ako sa kanya para magpaalam. “Sa likod ako sasakay.” Hindi ako humihingi ng permiso, sinasabi ko lang.
Katulad kanina, hindi niya ako pinansin. He was busy typing on his phone.
“Nero…” tawag ko ulit. This time, mas madiin.
“I’m busy,” malamig niyang sagot.
“Busy saan? Sa babae mo?”
Napahinto siya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, lukot ang noo.
“B-Babae?” mahina niyang ulit.