ASHLEY'S POV
Time check. 5:40 na ng hapon. Ubos ko na yung pagkain sa ref dahil kinain ko habang nanunuod. Ngayon nandito ako sa may terrace, naghahanap ng daan na pwedeng takasan.
Lahat ng pinto may bantay. Meron ding naglilibot. Ang higpit ng seguridad HUHU! Paano ako tatakas?!
*Door Opens*
Naglakad ako papasok para tingnan kung sino ang pumasok. Isang matandang babae na animo'y nasa singkuwenta na ang tumambad sa akin.
"Hija, magpalit ka daw muna at sumabay sa pagkain ni Kyro," sabi niya at may inilapag na mga damit sa kama.
"Kyro? Sino pong Kyro?" Takang tanong ko.
"Ah si Kyro yung boss namin, " sagot niya.
Kyro? Hindi ba Phyton yun?
"Babalikan kita dito pagkatapos ng trenta minutos," sabi niya at lumabas. Narinig ko pa ang tunog ng paglock. Kakaibang doorknob kasi tsk. Nasa labas ang lock, kaasar!
Lumapit ako sa kama at tiningnan ang mga damit. Simpleng pulang T-shirt at maong shorts. Kinuha ko iyon at pumasok sa CR.
Nang matapos sa pagaayos ay tiningnan ko ang orasan. Sakto namang bumukas ang pintuan at sumilip ang matandang babae.
"Halika na, hija," sabi niya kaya tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Lumabas na kami ng kuwarto.
"Matagal tagal na ang huling pagkakataon na may ipinasok sa kuwartong yan. Kalaban ni boss yun. Kalaban ka din ba, hija?" Tanong niya.
Natigilan ako sa paglakad, nilingon niya naman ako. "Hindi naman po sa kalaban pero mahabang kuwento po!"
Habang pababa sa hagdan ay pasikot sikot ang tingin ko. Lahat ng sulok na hagip ng mata ko ay tinitingnan ko. Pagkababa ng hagdan ay pumasok kami sa isang kuwarto na kung saan ang hapag-kainan. Nasa dulo nakaupo yung si Phyton or Kyro.
"Take a sit and feel free to eat," sabi niya.
Napailing ako," Hindi na kailangang sabihin." At umupo na ako sa isang upuan at kumuha ng pagkain. Ang sasarap ng pagkain HUHU! Para tuloy ayaw ko ng umalis dito! Kung ganito lang naman aba, dito na lang ako! Unlimited yata foods dito eh.
"Ang...takaw," narinig kong sabi niya. Inubos ko muna ang laman ng bibig ko.
"Gaya ka! Dzuuh," at inirapan ko siya. Naka kamay lang akong kumakain kahit may mga kubyertos sa tabi ng plato ko. Aba, mas masarap kumain ng nakakamay! Kumuha ako ng balat ng lechon at isinubo. Oum, may lechon! Waah bigtime syndicate itong kasama ko. Pero mabait siya ah. Hindi niya ako tinuluyan kanina.
Ramdam na ramdam kong may nakatingin sakin pero wala akong paki! Ang sarap ng pagkain eh HUHU! Overwhelming! Parang birthday ko tuloy pero hindi naman kami naghahanda ng ganito ka bongga!
"Kamusta ang ref sa guestroom?" Biglang tanong niya na ikinatigil ko sa pagkuha ng balat ng lechon.
"Ah, ubos na yung pagkain doon! Paki lagyan ng bago salamat!" Wala sa sariling sagot ko at kumuha ng balat.
Narinig kong may tumawa kaya tiningnan ko siya. "Ang takaw nga. Bakit hindi ka mataba? BWAHAHAHAAH!"
"Hoy, sindikatong bully! Manahimik ka diyan ah! Baka ibato ko sayo yung kutsilyo dito," sabi ko at kinuha ang kutsilyo na katabi ng mga kutsara.
"I wanna see you try," nangaasar na sabi niya.
Ibinato ko ang kutsilyo at dumaan iyon sa tainga niya na tumama sa pader at nahulog.
"Alam kong bull's eye akong tumira eh! Umilag ka ba?!" Tanong ko at napatayo pa sa upuan ko. No, bull's eye ako kung tumira! Hasa ako sa ganiyan eh dahil army si Kuya tapos si papa ex-general.
"Oum," sagot niya.
Inirapan ko siya at naupo uli tsaka nagtuloy sa pagkain.
"Sinabi sa akin ng tauhan ko na may sarili kang b***l? Marunong kang gumamit?" Tanong niya na naman.
Isturbo siya takte.
"Oum. Marunong ako kasi...simula bata mahilig ako maglaro ng mga laruang b***l. Legal naman ang pagkakaroon ko ng b***l," sagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin na may kapamilya akong army at dating heneral dahil baka hablutin niya rin ang kutsilyong nasa tabi niya at ihagis sakin.
"Okay," tugon niya.
Napansin ko, "Bakit hindi ka kumakain?"
"Kumain na ako bago ka bumaba," sagot niya.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na siya pinansin pa. Baka magstay muna ako ng ilang araw dito HAHA! Sarap ng buhay eh.