Chapter 6

1235 Words
ASHLEY'S POV Andito na naman ako sa guestroom at nakakulong. I lose track kung ilang araw na ako dito. Masyado akong naging kampante this past few days at hindi ko naalalang may pamilya ako sa labas ng bahay na 'to. Kailangan ko ng makaalis dito at baka matagal na akong hinahanap nina Kuya. Nandito ako sa terrace at nakatanaw sa labas. Tanghaling tapat na at hindi pa ako pinupuntahan dito ni Manang Wina para ayain sa pagtatanghalian. Hindi na masyadong mahigpit sa akin ang mga bantay. Kung tutuusin eh, napasok ko na lahat ng kuwarto sa bahay na to. Pero... hindi pa rin ako pwedeng lumabas. As in dito lang sa loob ng bahay ako pwedeng maglibot. Si Kyro naman hmmm... nakukuha ko na yung loob niya. May karupukan ang loko. Kunting landi mo lang bigay na. Tsk! *Door Opens..* Napalingon alo sa pinto ng kuwarto at nakitang nakasilip si...Kyro. Speaking of the devil. "Hello!" Bati niya at pumasok. "Hmm, akala ko si Manang Wina ang susundo sakin para mananghalian? Anong hinagawa mo dito?" Tanong ko. "Wala si Manang Wina, humingi ng urgent leave dahil nagkasakit yung apo niya. Sinusundo ka?" Nakangiting sagot niya. "Sabi ko nga hahaha," at lumabas kami ng kuwarto. "Ano daw ang sakit ng apo ni Manang Wina?" Tanong ko. "Hmm, Dengue," sagot niya na ikinagulat ko. "D-dengue?! Sana huwag naman lumala yung sakit ng apo niya," sabi ko habang nakasunod lang sa kaniya. "By the way, ilang araw na ba ako dito? I lose track of it," sabi ko. "Hmm, magdadalawang lingo na hahaha! Bakit, plano mo ng tumakas?" Natatawang tanong niya. "Hmmm, magdadalawang linggo? Ganun ko naenjoy ang lugar na to? Nakakaloka. Pero ang sagot sa tanong mo....hmmm... maybe? Maybe yes? Maybe no? Hahahaha. Pinagaaralan ko pa ang bawat galaw ng mga bantay mo kaya baka matagalan pa ako," natatawang sagot ko. "And you really answered me ha? So brave of you hahaha!"parang nangaasar na sabi niya. "Tse! Pasalamat ka nga at nandito ako! Hindi ka nabuburyo!" Sabi ko. Tumawa siya," Kahit wala ka dito hindi ako mabubury—" Mabilis akong pumunta sa harap niya at namaywang, " Ha talaga?! Kaya pala naikuwento salin ni Manang Wina na madalas kang magswimming at magensayo sa pagbaril para mabawasan ang pagkaburyo mo dito? Oh c'mon, alam ko na ang background mo hahahaha!" Sabi ko. Nakangisi niyang inilapit ang mukha niya. Ilang inches na lang amp. He's testing me! "Oh really? Manang Wina told you my background? Manangg Wina knows nothing but false info hahaha!" "W-what! Are you saying na hindi totoo na pinatay mo ang sarili mong kuya para makuha ang position niya na pagiging Mafia Boss?! Sinasabi mo bang ... hindi mo pinapatay ang ex-girlfriend mo na anak pala ng isang Police Chief? Sinasabi mo bang... hindi mo pinatay ang buong angkan ng mga Fortalejo?!" Sigaw ko. Naestatwa siya at nakakunot ang noong nakatingin sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang umatras at napailing iling. "I don't know kung paano nalaman lahat ng iyan ni Manang Wina. I didn't know. How could she. ...." matiim niya akong tinignan kaya napalunok ako. "Then you know some things about me. And she knew about me? Maybe I should shoot you now... but I have made a deal with you. So thank me. Bumaba ka na lang kung kakain ka pa kasabay ko," sabi niya at bumaba. Napaupo naman ako sa lapag dahil nanghina ako. A-akala ko, tutuluyan niya ako. About sa mga sinabi ko? Totoong kay Manang Wina nanggaling ang lahat ng yun. Ang tungkol sa urgent leave ni Manang? Ako ang nagadvice nun matapos ko siyang pilitin na magsalita. Sinabi ko sa kaniyang umalis siya dito at puntahan ang pamilya niya. Sinabi kong magpakalayo layo na sila dahil ito nga ang gagawin ko. Ngayon, nakompirma ko na. Pero, hindi ko kailangang kabahan dahil may isang salita siya. Dahan-dahan akong tumayo at napaisip. He's a demon pero may isang salita. Tskk, that's new. Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nakaupo na siya sa paborito niyang upuan at kumakain. Umupo ako sa isang upuan at kumain na lang din. Tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya. Tumingin nga siya sakin. "What?" "Sungit mo ah! May favor lang ako," sabi ko. Nangunot ang noo niya at napatuwid ng upo," Favor? Hihingi ka ng pabor sa akin?" "Oum. Isang pabor lang to kaya huwag ka ng magdamot hahaha!" Sabi ko. "Spit it out." "Ipangako mo munang gagawin mo ang pabor ko," nakangising sabi ko. Mas lalong nangunot ang noo niya. "At ano naman ang mapapala ko sa pabor na yan?" "Hmmm... hindi ko alam. Maybe kapalit ng pabor ko magbigay ka ng kondisyon para hindi ka lugi hahaha!" "Tsk, your funny. At talagang ikaw pa ang nagsuggest niyan?" Tanong niya. Halatang pigil na matawa. "Naman! So, ano ang kondisiyon kapalit ng pabor ko?" "Sabihin mo muna ang pabor mo," sabi niya. "Fine, huwag mong ipapatay sina Manang Wina," seryosong sabi ko. Sumeryoso siya," Kapag hindi ko siya ipinapatay, ikakalat niya ang sikre—" "How so sure mister? Hahahaha. Nakausap ko siya, at nangako siyang hindi ipagaasabi sa iba ang sikreto mo." "How so sure, darling? Nangako man siya pero ang tanong? May isang salita ba ang matandang yun?" Sabi niya. "I trust her. At alam niyang isang maling desisiyon ang ipagkalat ang sikreto mo. Isa pa.... kung ayaw mo gawin ang pabor ko? Edi wag bwhahaha. Ipapatay mo man si Manang Wina... I'm still here! Planning to escape hahahaha," sabi ko. "Makatakas ka man dito ay may tiwala ako sa deal natin," seryosong sabi niya na ikinatigil ko. "That's it! Tiwala! Kailangan mo lang din pagkatiwalaan si Manang! Matanda na yun at alam kong mas pinahahalagahan niya na ang buhay niya. She wouldn't dare to speak against you," sabi ko. "Pinipilit mo ko?" Natawa ako," Ang tanong? Magpapapilit ka ba? Bwhahahaha!" "Tsk, fine! Gagawin ko na!" Sabi niya. "Waaah talaga? Thanks! I owe—" Naputol ang sinasabi ko ng magsalita siya. "Sa isang kondisyon!" Nakangising sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. "May kondisiyon na talaga?! Tsk, ano yun?" Tanong ko. "Hmmm.... make me happy," sabi niya na ikinagulat ko. "M-make you happy?! Hindi ako magaling sa kama! Hoy! Huwag kang ganiyan! Mabait ako ah! Wala akong alam sa ganiyan ganiyan! Hanggang flirt lang ako pero hindi pwede sa kama!" Sigaw ko at napatayo pa. "HAHAHAHAHA! BWHAHAHAHAHA! YOU! YOU! HAHAHAHA! YOU REALLY THINK NA SA KAMA? HAHAHAHAH! BWHAHAHAHA! YOUR SO F-FUNNY! HAHAHAHA" malakas na tawa niya. Kumuha ako ng orange at ibinato sa kaniya. Pero ang loko nakailag! "Kyro! Hoyy! Mukha kang baliw! Bwisit ka! Anong nakakatawa!?" Sigaw ko pero parang hindi niya ako naririnig kasi tawa pa rin siya ng tawa. Amp, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Tama naman ang pagkakaintindi ko diba? Make him happy daw eh. Tsk. "Hooh, sabi ko make me happy. Yun lang hahahha. Hindi ko sinabi na...make me happy in bed! Bwhahahahhahahahaha nakakatawa ka! Bwhahahaha!" Sabi niya. Asar akong napaupo at kumain na lang ulit. Hindi ko siya pinansin. Amp, kasalanan niya yun eh. Make me happy? Make me happy! @lol siya! "Hey! Kailan mo ko papasayahin?!" Tanong niya. "Masaya ka na kaya tapos na ang kondisyon mo! Tsk, happy pill mo ko ngayon noh? Kaloka. Bahala ka na nga diyan," sabi ko at uminom saka tumayo. Iniwan ko na siya doon. Tuloy pa rin ang tawa ng loko, bwisit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD