Lumuwag ang pagkakahawak ang pagkakahawak ni Esmeralda kay Aiden. “Richard?” usal niya sa pangalan ng lalaki. Nandito si Richard sa mismong party ng kapatid ni Aiden. “We are here and I am not late,” anang lalaki si Aiden at kinamayan ito. “We won’t miss it for the world.” Tumingin sa kanya si Richard at ngumiti. Isang impersonal na ngiti na ibinibigay ng lalaki sa kanya na para sa isang taong noon lang nito nakita. “Hello,” bati nito sa suwabeng boses. Parang may bikig sa lalamunan ang dalaga dahil gustong mangilid ang luha niya. Sumisigaw ang puso niya kay Richard. Tadhana ba ang naglapit sa kanila para magkita sila sa party? Kung kailan tinanggap na niyang di na ito babalik pa sa buhay niya, saka naman ito muling nagpakita. Gusto niyang magpakilala dito bilang si Esmeralda. Ba

