bc

(Filipino) Loving the Man Without A Heart - Completed

book_age0+
5.2K
FOLLOW
51.2K
READ
billionaire
contract marriage
one-night stand
manipulative
goodgirl
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

*Connected to Loving the Forbidden Charmer

*Paperback available

Wala sa plano ni Esmeralda ang umibig. Ulila na at naubos ang kabuhayan nila sa pagpapagamot sa kapatid niyang may leukemia, kinailangan niyang pumasok sa marriage for convenience kay Aiden. Kailangan siyang pakasalan ng lalaki para makuha ang mana nito sa lola nito at nang makawala ito sa aroganteng kapatid.

Pero nagbago ang lahat nang sagipin niya ang guwapo at matipunong lalaki na tinangay ng ilog sa gitna ng malakas na bagyo - si Richard Infante. Mayaman ito at arogante, mga katangiang ayaw niya sa isang lalaki. At dahil walang komunikasyon sa labas ng baryo, itong mapagpipilian kundi ang mamuhay ng simple sa baryo nila dahil wala itong kahit isang kusing sa bulsa nito.

Subalit sa bawat titig nito na parang may lihim na galit ay natutunaw siya. Sinindihan nito ang apoy sa puso at pagkatao niya. Pinadama nito sa kanya kung paano ang magmahal kahit sa maikling panahon ng pagsasama sila. Handa siyang talikuran ang lahat para maghintay sa pangako na babalikan siya.

Subalit sino ang mag-aakala na ang pag-ibig niya ay siyang susunog sa lahat ng plano at pangarap niya lalo na kung ang lalaking mahal niya ay isa palang kaaway?

Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.

1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.

Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial.

2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.

Go to Youtube and search Dreame Buy Coins.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“You are perfect. Just simply perfect, my dear,” sabi ng bading na designer. “At mamatay na ako sa inggit dahil perfect bride ka para kay Aiden,” sabi ng baklang designer na si Shawie. Abot-tainga ang ngiti nito habang sinusukatan siya para sa wedding gown. Nasa bahay siya ni Aiden sa Tagaytay, ang lalaking pakakasalan niya sa loob ng tatlong buwan. Mula sa sala ng villa ay tanaw niya ang magandang tanawin ng Taal Lake. Pinaghahandaan ni Aiden ang kanilang kasal. Mula sa mamahaling wedding gown hanggang mala-fairy tale na kasalan na gagawin sa hardin ng villa nito. Hindi siya makapaniwala na tatlong buwan na lang ay ikakasal na siya. Isang buwan ang nakakaraan ay wala iyon sa plano niya. Sa isang iglap ay nag-iba ang lahat at magkakaroon siya ng mala-fairy tale na kasal. Isang kasal na pinapangarap ng maraming babae. “O, bakit hindi ka nakangiti?” puna ni Shawie habang sinusukat ang leeg niya. “Mas maganda kung laging nakangiti ang mga bride.” Napapitlag ang dalaga nang marinig ang boses nito. Pilit siyang ngumiti nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. “Iniisip ko kasi kung ano ang wedding gown na gusto ko.” “Hay, malaking problema nga iyan,” sabi nito at inilagay ang medida sa leeg nito. Isinulat nito sa notebook ang sukat niya. “Dahil mahihirapan kang mag-decide kung ano sa mga gown ko ang magugustuhan mo sa dami ng magagandang designs ko. Of course, you want a perfect fairy tale gown.” Maraming nagsasabi na isa siyang makabagong Cinderella. Isa lang siyang hamak na mananahi sa bayan ng San Luis subalit ngayon ay magiging Mrs. Aiden dela Merced na siya, ikakasal sa lalaking pinapantasya ng maraming kababaihan. Si Aiden na nagmamay-ari ng karangyaan sa paligid niya. Isa rin ito sa tagapagmana ng Brava International Hotels na may branch sa iba’t ibang bansa. Subalit wala siyang makapang kasiyahan sa puso na katulad ng ibang babaeng ikakasal sa kabila ng karangyaang maari niyang matamo o sa halos perpektong lalaking pakakasalan niya. May kulang. Ikakasal siya sa lalaking hindi niya mahal. “Shawie, nakapili na ba si Esmeralda ng wedding gown niya?” tanong ni Lexie, ang personal assistant ni Aiden. Perpekto ito mula sa pixie hair cut, ruffled white blouse, navy blue na pencil skirt at black pumps. Mas bagay ito sa eleganteng villa na iyon kaysa sa kanya na isang probinsiyana. “Not yet,” sagot ni Shawie. “Dahil katatapos ko pa lang siyang sukatan.” Nanlalambot na umupo si Esmeralda sa sofa. Parang pagod na pagod siya kahit na ang ginawa lang niya ay tumayo habang sinusukatan. At sa palagay niya ay lalong sasabog ang utak niya oras na kailanganin pa niyang mamili ng design ng gown. Iyon na lang ang poproblemahin niya at ang mga iimbitahin dahil ang wedding coordinator ni Aiden ang bahala sa iba. “Pwede mo ba akong tulungang mamili ng gown, Lexie?” magiliw na tanong ni Esmeralda sa dalaga. “Sure. Aiden sent me here to help you out. Any designs in mind?” pormal nitong tanong nang tabihan siya at binuklat ang collection ng design ni Shawie. “I am sure you have a dream wedding gown in mind.” “A-Ang totoo wala akong maisip. Masyado kasi akong maraming iniisip. Simpleng wedding gown lang sana.” At kung pwede sana ay di mahal. Ayaw niyang magastusan nang malaki si Aiden. May sarili siyang disenyo sa isipan dahil mananahi siya pero walang nahahawig sa gawa ni Shawie. “No. A simple wedding gown won’t do. Aiden wants to make this as grand as possible. I think this off-shoulder ballgown is perfect for you.” Matabang siyang ngumiti at tumango na lang. Pagdating sa fashion at kung ano ang babagay sa mga mayayaman ay si Lexie ang bahala. Magaling doon ang assistant ni Aiden. Kahit na masyadong magarbo sa panlasa niya, wala siyang magagawa. Si Lexie pa rin ang nasusunod. Trabaho nito na tiyakin na mukhang pangmayaman ang kasalan nila ni Aiden. Di ito tungkol sa kanya bilang isang bride. “Excuse me, Ma’am Esmeralda,” singit ng isang kawaksi na bitbit ang cordless phone. “May tawag po kayo.” Kumunot ang noo niya. “Sino daw?” tanong niya. Kung si Aiden kasi ay direkta na itong tatawag sa cellphone niya. “Si Sir Amadeus po,” sagot ng kawaksing namumutla. Nanlamig si Esmeralda. Hindi niya nagawang abutin ang telepono nang malaman kung sino ang nasa kabilang linya. Kapatid ni Aiden si Amadeus dela Merced, ang CEO at President Brava International Chain of Hotels. Hindi miminsang nabanggit sa kanya ng mga kawaksi doon at ni Lexie kung gaano ito kabagsik at kasungit. Taliwas sa kapatid na si Aiden na mabait sa tauhan at laging mahinahon. Hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin nito kapag nagkausap sila. Subalit hindi na siya umaasang tatanggapin siya nito bilang hipag. Dahil ito ang dahilan kung bakit kailangan nilang sumuong ni Aiden sa kasal na iyon. Napatingin siya kay Lexie na parang humihingi ng tulong kung dapat niyang kausapin si Amadeus o magtatago na lang siya. Nang tanguan siya nito ay saka niya inabot ang cordless phone. “Excuse me,” sabi niya kina Lexie at Shawie. Nagtungo siya sa balkonahe ng villa kung saan ay natatanaw niya ang berdeng lupain at ang asul na lawa at kalangitan. Kahit paano ay nawala ang kaba niya. “H-Hello.” Sa simpleng salita na iyon ay hindi maitago ang panginginig niya. “Esmeralda Solomon?” anang isang baritonong tinig. “This is Amadeus dela Merced, Aiden’s brother.” Naramdaman niya ang panginginig ng kamay nang marinig ang boses nito. Nakakahipnotismo iyon at puno ng awtoridad. Lalaking-lalaki. Na kapag sinabi nitong tumalon siya sa bulkan ay gagawin niya nang walang pag-aalinlangan. Hindi niya alam na maapektuhan siya nang todo sa simpleng pagtawag lang nito sa pangalan niya. “H-Hi, S-Sir Amadeus!” aniya sa pinasiglang tinig. “Wala si Aiden dito. May inasikaso lang siya sa Manila pero maya-maya lang nandito na siya.” Kailangan niya itong pakitunguhan ng mabuti dahil ayaw niyang mapulaan nito. Ganoon din si Aiden. Kung magkakaroon man ng problema sa pagitan nila ay titiyakin niyang hindi sa kanya manggagaling. “I know,” paangil nitong sabi. “Ikaw ang gusto kong makausap.” Sumandal siya sa railing ng balkonahe para sa suporta. Nagpapahiwatig ang tono nito na hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya. “Tungkol saan?” “Stay away from my brother, opportunist!” Napatuwid siya nang tayo. “A-Ano po?” aniyang nabingi sa sinabi nito. “Sabi ko, layuan mo ang kapatid ko,” diin nito. “Walang lugar sa pamilya ang mapagsamantalang tulad mo. I know you are after my brother’s money. You are just a good for nothing poor b***h that he picked up somewhere. You are unworthy.” Humigpit ang hawak niya sa telepono. “Sandali, Mr. dela Merced! Sumosobra na yata kayo,” sabi niya sa kontroladong boses. “Hindi dahil mahirap ako pwede na ninyo akong insultuhin. Ni hindi nga ninyo ako kilala.” Inaasahan na niyang palalayuin siya nito kay Aiden subalit hindi inaasahan na ganito ito kabalasik. Ayaw niya sa lahat ay mga mayayamang kung umasta, akala mo ay pag-aari ang buong mundo. Na ang mga mahihirap ay parang kasing liit lang ng langgam na madaling tapakan. “Kilala na kita, Esmeralda Solomon. Hindi ko lang alam kung saan ka napulot ng kapatid ko. Pero natitiyak ko na hindi ka nababagay sa kanya. You don’t even have a college diploma,” panunuya nito. Huminga siya nang malalim habang pinipigil ang pagsambulat ng galit. Hindi siya nakatapos ng kolehiyo dahil nasa unang taon pa lang siya sa kursong Education ay namatay ang mga magulang niya sa isang malaking baha at naiwan silang ulila ng kanyang nakababatang kapatid na si Jeremy. Kailangan niya itong itaguyod at kalimutan muna ang sarili. Kailangan niyang pagyamanin ang lupaing iniwan ng mga magulang upang patuloy silang mabuhay. “Hindi iyan ang batayan ng pagiging mabuting tao, Mr. dela Merced,” matapang niyang sabi. “Kung may problema po kayo sa kasal namin ng kapatid ninyo, mas mabuti kayo na lang ang mag-usap. Kung gusto ninyo na pigilan ang kasal, sa kanya manggagaling at hindi sa akin. Kapatid ninyo ang gustong magpakasal sa akin.” Maaring totoo ang akusasyon nito na hindi niya mahal si Aiden. Subalit may mabigat siyang rason kung bakit kailangan niya itong pakasalan. Ganoon din si Aiden dahil di rin naman siya mahal nito. Kung pakakasalan man siya ni Aiden, si Amadeus ang nagtulak sa kapatid para gumawa ng bagay na ikagagalit nito. At dapat niyang ipaglaban anumang interes na mayroon sila ni Aiden sa isa’t isa. Hindi niya papayagan ang sinuman na masira ang balak nila. “How much do you need so you will stay away from my brother?” tanong nito. “Five million? Ten million?” Kung ibang tao siguro siya, baka maakit siya sa alok nito. Sapat na iyon para matapos ang problema niya sa buhay. Hindi pa niya kailangang pakasalan ang lalaking hindi niya mahal. “Kulang iyan para bilhin ako.” “How much, you greedy b***h?” “Kung hindi ninyo makukumbinsi si Aiden na umurong sa kasal namin, magkita na lang tayo sa kasal namin. Imbitado ka sa reception.” “Everyone has a price. Don’t be so pompous about this or you won’t even get a red cent!” angil nito. “Salamat, Mr. dela Merced. Kahit huwag mo na kaming regaluhan,” aniya sa magaang boses na may halong pang-aasar. “You had just declared war, Esmeralda Solomon,” wika nito sa mapanganib na boses. Kakaibang kilabot ang naramdaman niya sa piping pagbabanta sa boses nito. “Sisirain kita hanggang bumalik ka sa putikang pinanggalingan mo.” In-off na rin niya ang cordless phone dahil ayaw na niyang makausap pa si Amadeus. Mabuti na lang at pansamantala lang silang magsasama ni Aiden. Di niya gugustuhing maging parte ng buhay niya si Amadeus habambuhay. “JEREMY, pumasok na tayo sa loob. Mahamog dito sa labas,” pakiusap ni Esmeralda sa kapatid nang puntahan sa balkohane. “Di ba sinabi ng doktor magpahinga agad at huwag magtatagal dito sa labas lalo na’t malamig?” “Ate, tinitingnan ko lang ang castle mula dito.” May malaking teleskopyo sa balkonahe ni Aiden. “Pwede bang pumunta tayo doon kasama ang ibang mga kaibigan ko? Sigurado ako na magiging masaya sila.” Mula sa bahay ni Aiden sa Tagaytay ay natatanaw ang Fantasy World, isang theme park na di natapos ang construction. Iyon sana ang magmimistulang Disneyland ng Pilipinas. Doon sila namasyal ng kapatid nang lumipat na sila sa resthouse ni Aiden sa Tagaytay. Sa Maynila talaga ito nakatira pero ayon dito ay mas maganda sa kalusugan ni Jeremy kung sariwa ang hanging malalanghap nito. Dati ay tumutuloy sila sa Childhaus na tinutuluyan ng mga batang may cancer at ang pamilya ng mga ito habang nagpapagamot sa Maynila. Naging kaibigan na nito ang mga bata doon. Kaya kahit na di na sila doon tumutuloy ay gusto pa rin nitong dumalaw sa naturang lugar para makita ang mga kaibigan. Wala naman kasing bata sa lugar na iyon sa Tagaytay kaya nalulungkot siguro ito. “Titingnan ko muna ha? Siguro pagkatapos ng kasal ko,” sabi ni Esmeralda at niyakap ito mula sa likuran. Sumimangot ito. “Ate, matagal pa iyon.” “Sasabihin natin kay Miss Laly kung gusto mong mamasyal sa Fantasy Land kasama ang mga kaibigan mo .” Pareho silang lumingon sa nagsalita sa likuran. “Kuya Aiden!” Tumakbo si Jeremy at sinalubong ito ng yakap. “Talaga bang isasama natin ang mga kaibigan ko sa Fantasy World? Gusto kong makakita rin sila ng kastilyo.” “Oo naman. Ako na ang bahala. Sa ngayon, maglinis ka na ng katawan para makapag-dinner na tayo.” Hinarap niya lalaki. “Hindi ka na sana nangako kay Jeremy. Baka malaki ang magastos mo kapag ipinasyal mo rin ang mga kaibigan niya. Malaki na nga ang nagastos mo sa pagpapagamot sa kanya.Sa halip na chemotherapy at radiology ay pinili niya na gamitin ang alternative treatment kung saan iinom si Jeremy ng gamot na mula sa iba’t ibang halaman. Ayaw niyang i-subject ang kapatid sa ibang treatment na magpapahina sa katawan nito. Sampung taon pa lang ito. Di kaya ng puso niya na makitang nasasaktan at nanghihina ang kapatid. Mas mahal ang naturang treatment pero napatunayan naman na mas nakakapagpalakas ang mga iyon sa cells ng katawan. Kaya siya nagsasakripisyo ng ganito para maging mas maayos ang paggaling ng kapatid niya. “Let him enjoy his youth. Hayaan mo siyang i-enjoy iyon kasama ang mga kaibigan niya. Sigurado ako na dahil sa sakit nila, madami din silang di nae-enjoy sa buhay. Ikukuha ko rin siya ng private tutor para makahabol siya sa mga klase. He is bright. He can catch up.” “Sobra-sobra na itong naitulong mo sa amin. Parang di ko matatangggap...” Umiling ito. “Hindi lang ako ang tumutulong sa iyo, di ba? Tinutulungan mo rin naman ako para makawala ako kay Kuya Amadeus. Tumawag daw siya sa iyo kanina sabi ni Lexie.” Isinara ng dalaga ang pinto ng balkonahe dahil lalo siyang nilamig nang maalala ang pag-uusap nila ng kapatid nito. “Tinawag niya akong gold digger,” kaswal niyang sabi. Na parang hindi masakit sa pandinig nang sabihin iyon ni Amadeus kanina. “Pasensiya ka na kay Kuya,” mapagpakumbabang sabi nito. “Lahat ng gusto kong gawin, lagi niyang kinokontra. Ang gusto kong negosyo, pinakikialaman niya. Of course, he won’t agree to this wedding. Tingin niya wala pa akong karapatan na hawakan ang perang pamana ni Lolo. I have to wait until I am thirty. Fuckin’ thirty. I can’t wait for three more years.” Mas bata sa dalawang magkapatid na dela Merced si Aiden. Anak ito sa pangawalang asawa ng ama. Pinakasalan ng biyudong si Cerilio dela Merced ang ina ni Aiden na si Rosal Pontillas noong walong taon si Amadeus. Namatay ang sina Rosal at Cerilio noong fifteen na si Aiden at nasa kolehiyo naman si Amadeus at nag-aaral sa ibang bansa. Nabanggit sa kanya ng kawaksi na malayo ang loob ng magkapatid sa isa’t isa. May shares pa rin sa kompanya si Aiden at walang choice kundi magtrabaho sa ilalim ni Amadeus. Kontrolado pa rin ng kapatid ang pera nito ayon na rin sa bilin ng namayapa nitong Lolo Armando. Kaya naman gusto na ni Aiden na magsarili. Plano nitong gawing flower farm ang malawak nitong lupain sa Tagaytay. Iyon ang pangarap ng nasira nitong ina. Subalit para maisakatuparan ang balak ay kailangan nito ng pera. Tinangka nitong kumuha ng loan subalit gusto ng mga investor na gawing guarantor ay si Amadeus. Nang hingin nito ang tulong ng kapatid ay pinagtawanan lang ito. Sinabi na mas mabuti kung magfo-focus na lang si Aiden sa pagma-manage sa mga hotel bago intindihin ang ibang bagay na wala naman itong karanasan. Dahil di makuha ang suporta ng kapatid bilang guarantor ay nahihirapan din si Aiden na makakuha ng loan sa bangko kahit viable daw ang proyekto. Wala rin itong malapitang iba dahil di rin magsisikilos ang mga bangko kung walang ayuda ni Amadeus. Ang tanging pag-asa na lang nito ay ang trust fund na iniwan ng lolo nito na makukuha lang nito kung nag-thirty na ito o kung nag-asawa na. At dahil naka-focus pa sa trabaho ay walang oras makipag-date o magkanobya ang lalaki. Nakilala niya ito nang hinimatay si Jeremy habang patawid sila ng kalsada at patungo sa istasyon ng bus. Ubos na noon ang perang napagsanlaan ng lupain nila sa probinsiya. Hindi sapat ang kinikita niya bilang isang mananahi upang tustusan ang pagpapagamot dito. Nagkataong dumaraan ang sasakyan ni Aiden at tinulungan siyang dalhin si Jeremy sa ospital. Dahil wala na siyang sapat na pera ay ito rin ang nagbayad sa bill sa ospital. Nang sabihin niya dito na hindi pa niya alam kung paano ito mababayaran ay saka ito nag-propose sa kanya. Patuloy sila nitong tutulungan na magkapatid kung magpapakasal siya dito. “Tama ba talaga itong plano natin?” usal ni Esmeralda habang nakatingin sa kawalan. Hindi kaila sa kanya na marami ang babaeng gustong makipagpalit sa pwesto niya. Pawang mga babaeng matataas ang estado sa buhay. Subalit mas pinili nitong magpakasal sa isang estranghero dahil ayaw nitong maging panghabambuhay ang kasal. Pagkatapos ng isang taon ay maari na silang maghiwalay at magkanya-kanya ng buhay. Kung may pagpipilian lang ito ay ayaw nitong ikasal sa ganoong sitwasyon. Subalit may kailangan itong patunayan sa kapatid. “Magtulungan tayo. Hindi man tayo magiging totoong mag-asawa, magiging mabuti naman tayong magkaibigan.” Tiningala niya si Aiden. “Salamat sa tulong mo. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aming magkapatid kung wala ka.” Ayaw niyang pabayaang lumala ang sakit ni Jeremy at umuwi sa probinsiya nang susukot-sukot. Wala na rin silang babalikan doon kapag di niya natubos ang nakasanla nilang sakahin at bahay. Lahat iyon ay inayos na ni Aiden. “Enough of the thank yous. Baka hindi tayo matapos dito. Let’s have dinner.” Ngumiti ito at inalalayan siya sa braso. Biglang nag-ring ang cellphone nito. “Yes, Lexie. What? Sa Palawan nang isang linggo at sa susunod pang linggo sa Bangkok naman. Why me?” Mariing pumikit ang lalaki. Animo’y malaking problema ang ibinalita dito. Lumayo na muna siya dito para bigyan ito ng space. Tumuloy siya sa kusina para mag-brew ng kapeng paborito nito. Iyon lang naman ang kailangan ng lalaki para ma-relax. He needed it badly. “Yes. Of course. This is just a trick to get me.” Sapo nito ang ulo nang balikan niya sa sala dala ang kape. “Thanks for giving me a heads up, Lexie. Bye.” “Magkape ka muna. Fifteen minutes pa daw ang hapunan,” sabi niya at inilapag ang kape sa salaming center table. “May problema ba?” Binalingan siya ni Aiden na puno ng pag-aalala ang mukha. “Ipinahanda ko na ang mga gamit mo. Kailangan ninyong umuwi ni Jeremy sa San Luis bukas.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

NINONG III

read
416.9K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Twin's Tricks

read
560.4K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook