DREAM 5

2022 Words
Nang magising ako kanina ay parang kinukurot ang puso ko. Ang lungkot at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Dahil ba 'to sa panaginip ko? Malungkot ba ang panaginip ko? Malungkot ba kami ni Zaivier? Nakakabaliw! Kung bakit ba nang magising ako sa panaginip ko ngayon ay wala na akong maalala bukod sa madaming bituin at maliwanag na buwan. Ni hindi ko matandaan kung magkasama ba kami ni Zaivier at kung ano ang mga pinag-usapan namin. Nagtaka naman ako nang makitang walang Troye sa spot kung saan kami laging nakapwesto rito sa cafeteria. Inilibot ko pa ang mga mata ko pero wala talaga. Naghintay pa ako ng 20 minutes at mukhang hindi na talaga siya dadating kaya umorder na ako ng kakainin ko. "Okay ka na ba?" tanong ko sa nagbabasang si Queen. Tumango naman siya tsaka ngumiti. "Oo naman. Bakit naman hindi?" "Queen, you can fool everyone except me. May uhog ka pa sa ilong ay magkaibigan na tayo, e." Natawa naman siya. "Okay na nga 'ko, Zi. Alam mo naman ako masyadong sensitive pero madali rin namang maging okay." Nakikita kong mukhang okay naman na talaga siya. "Mabuti kung ganoon." Nagbuklat na ako ng libro. Hindi na ako nakapag-aral kagabi dahil sa pagmomovie marathon namin ni Kuya. May oras pa naman sana kahit 30 minutes lang kaso lang ay naexcite akong matulog. Mukhang nababaliw na ako pero aaminin kong excited akong mapanaginipan si Zaivier. "Napapanaginipan mo pa rin ba siya?" Tumango naman ako. "Walang gabing hindi, dalawang linggo na ang nakakalipas." "Grabe, Queen! Pero 'di ba nagsimula mo siyang mapanaginipan noong naghiwalay kayo ni Dustin? Baka nga siya 'yong soulmate mo." Ibinaling ko ang mga mata ko kay Queen. "Maniniwala lang ako sa soulmate na 'yan kapag nakita ko si Zaivier sa mundong 'to, sa realidad." "E, hindi mo nga maalala ang mukha niya." Napanguso naman ako sa sinabi ni Queen. Hay Ewan! Pagpasok namin sa cafeteria para maglunch ay naabutan pa namin ang grupo nila Troye na kumakain. Nakasanayan na namin na sumabay sa kanila sa pagkain ng tanghalian. "Bakit bigla kayong umalis kahapon?" tanong ni Vince. "Ah! Kasi nagtext ang mama ni Queen," pagpapalusot ko. Nagulat kami nang ibagsak ni Troye ang spoon and fork na hawak niya. "Gaano ba kalala ang emergency at hindi kayo nakapagpaalam ng maayos?" He clenched his jaw. "Hindi naman emergency, Troye,"sabi naman ni Queen. "Hindi naman pala!" madiin na sabi ni Troye. Napayuko naman si Queen dahil sa tumaas ang boses ni Troye. Sinaway naman siya ni Eiron. Hindi ko na napigilan ang inis ko at tumayo ako. "Bakit ba napakasungit mo?" singhal ko kay Troye. Pinagkrus niya ang mga braso niya at taas noong tumingin sa akin. "Zira, tama na!" saway sa akin ni Queen. "Hindi, Queen! Napakasama ng ugali ng taong 'to." Itinuro ko pa si Troye. "Ano bang pakialam mo kung gusto na naming umuwi? At kung hindi man kami nakapagpaalam ng maayos ay may sarili kaming mga dahilan!" Tumayo si Troye at matalim akong tinitigan. "At ano naman ang mga sarili niyong dahilan?" Natigilan ako. Alam ko ang dahilan ni Queen pero hindi ko alam kung anong dahilan ko. "Basta at wala kang pakialam!" Nainis naman ako sa biglang pagngisi ni Troye. "Mukhang tama nga ang naiisip kong dahilan." Bumalik na siya sa pagkakaupo niya. Nag-init naman ang pisngi ko. "Tumigil ka, Troye! Hindi totoo ang naiisip mo. Wala akong pakialam sainyong dalawa!" Nakagat ko namang ang ibabang labi ko. Hay ano ba 'tong sinasabi mo, Zira! Nagkibit balikat naman si Troye habang nangingisi sina Kier. Nakaramdam naman ako ng hiya. "Para sabihin ko sainyo ay hindi ko type ang isang 'yan kaya wala akong pakialam sa kanila ni Shaneya." Gusto kong sapukin ang sarili ko. Maging si Queen ay ngumisi rin sa sinabi ko. Sa hiya ko ay nagmadali akong naglakad palayo sa cafeteria. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko na 'yon pinansin. Gaga ka talaga kahit kelan, Zira! Pero bago ako makaliko papuntang garden ay may humatak sa akin. Isinandal niya ako sa pader. Halos manghina naman ang mga tuhod ko. Hindi ko makayanan ang talim ng mga titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin. "A-ano ba, Troye!" nauutal na sabi ko. "Nagmadali ka bang umalis dahil kay Shaneya?" "Anong sinasabi mo jan? Siyempre hindi!" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. "Then look at me." Hindi ko siya sinunod kaya hinawakan niya ang baba ko para iharap sa kanya. "Ano ba, Troye! Hindi ako nagseselos kay Shaneya dahil hindi naman kita type. May boyfriend na 'ko!" Umangat ang isang kilay niya. "I don't believe you." "Edi wag ka maniwala! Kahit itanong mo pa kay Queen. Hindi siya taga Montreal pero parati kaming nagkikita!" He clenched his jaw. "Then who is he?" "Zaivier ang pangalan niya!" Totoo namang boyfriend ko siya pero sa panaginip nga lang. Lalong dumilim ang aura ni Troye. Nag-igting pa ang mga panga niya. "Sino?" madiin na tanong niya. "Si Zaivier." Unti-unting lumayo sa akin si Troye. "Ipakita mo siya sa akin para maniwala ako pero kapag wala kang naipakita, iisipin kong gusto mo 'ko at nagseselos ka kay Shaneya." 'Yan ang huling sinabi niya bago siya umalis. Natapik ko naman ang noo ko. Paano ko naman maipapakita si Zaivier? E, ako nga hindi ko alam kung totoo ba siya! Hindi nagsasalita si Queen pero alam kong may gusto siyang sabihin sa akin dahil sa mga titig niya. "Ano ba 'yon, Queen?" Ako na ang nagtanong dahil nabobother na ako sa mga tingin niya. "Hindi ko kasi alam na mabilis ka palang magmove on." Humagikhik pa siya. "Isa ka pa, e. Hindi ko nga gusto si Troye." "E, bakit defensive ka masyado? May pag walk out ka pa?" "Hindi ko rin alam," sabi ko tsaka tumungo sa desk ko. "Pero hindi ko naman siya talaga gusto." "Okay lang 'yan, friend. Ganyan talaga sa umpisa. Sa una indenial pa tayo, confused ka pa and I understand ." "Ano ba, Queen!" naiinis na sabi ko tsaka nag-angat ng tingin sa kanya. "Wala akong gusto sa kanya, okay? And I'm not confused!" "Bakit ka ba nagagalit jan?" Nangingisi pa siya. Inirapan ko naman siya. Saglit lang ang practice namin ngayon kaya nagpumilit si Queen na hihintayin na niya ako para sabay kaming umuwi. Pagpasok namin sa gymnasium ay bukod sa mga kateam mates ko ay nandoon rin ang grupo nina Troye at si Therese na kasalukuyang kausap ni Eiron. "Sabi ko sa'yo wag ka na sumama, e." "Okay lang. Wala namang kami para magkaganoon ako sa kagaya kahapon. Akin na 'yong gamit mo." Kinuha niya ang bag ko tsaka tumakbo papunta sa pwesto nila Troye. Nagtama pa ang mga mata namin ni Troye pero agad akong umiwas. "Trinidad, late ka nanaman!" Humingi naman ako ng sorry kay Coach. Bwiset kasi lagi 'yong professor ko sa last subject. Laging overtime. Nagstretching muna kami. Nagkatinginan pa kami ni Shaneya. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik. Hindi kami masyadong close dahil masyado siyang tahimik at isa pa anak mayaman siya at hindi ako nakikipagkaibigan masyado sa mga anak mayaman. Ako ang unang magseserve ng bola at nakakabingi ang tili ni Queen. Pinandilatan ko naman siya ng mga mata dahil baka paalisin siya ni Coach. "Okay 'yan may audience para kunwari real game na talaga 'to," sabi pa ni Coach. Nagsimula na ang laro at parang masyadong magilas gumalaw si Shaneya ngayon. Easy naman, girl. Practice lang 'to. Sa sobrang gilas niya maglaro ay nasubsob siya nang tangkain niyang kunin ang bolang pinalo ko. Mas mabilis pa sa rescue team kung rumesponde si Troye. "Are you okay?" Halata namang kinilig si Shaneya. Iyon naman pala, e. Gusto niya rin naman pala si Troye. E, bakit ba nag-iinarte pa siya? Bigla akong nahigh blood. "Nice one, Trinidad! Magaling din 'yong pagsubok mong makuha ang bola, Altamirano," pagpuri ni Coach s sa'kin at kay Shaneya. Magaling ba 'yon? E, hindi man lang nahawakan ang bola. Tinapatan ko ang gilas ni Shaneya sa paglalaro. Napapangisi naman ako sa isip ko nang parating hindi nakukuha ni Shaneya ang mga palo ko. "Nice game!" Tuwang tuwa si Coach. "Nag-init ka kanina future Kapitana, ah?" sabi ni Eleanor sabay ngiti. "Baka kasi sa iba mo pa maipasa ang korona mo, Kapitana." Nagtawanan naman kami. "Nice game, Zira." Biglang sumabay sa akin sa paglalakad si Shaneya. Papunta na kami ngayon sa bench. "Nice game rin." Ngumiti rin ako sa kanya. Inabot sa akin ni Queen ang towel at tumbler ko. "Hoy, Zira! Halikaw ka pala talaga," sabi ni Josh sabay ngiti. "Thanks." "Magbibihis lang ako, Queen," pagpapaalam ko. Binilisan ko lang ang pagpapalit at nakasabay ko ulit si Shaneya palabas ng HQ. Sa labas ng HQ ay nandoon ang grupo nila Troye, si Therese at si Queen. "Eiron isabay mo na si Therese. Sasabay na lang ako kay Troye. Hindi raw kasi ako masusundo ngayon," sabi ni Shaneya. Naramdaman ko naman ang paghawak sa akin ni Queen. "Kayo ba Queen? Zira? Maglalakad lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Eiron. "Hindi. Hinihintay kami ni Dustin sa parking lot." Maging ako ay nagulat sa sinabi ni Queen. Tinignan niya na lang ako at may gusto siyang ipahiwatig. "Kayo ulit?" tanong ni Kier sa akin. Bago pa ko makasagot ay nakasagot na si Queen. "Hindi pa. Nakikipag-ayos pa si Dustin." "Akala ko ba may boyfriend ka?" tanong ni Troye. "Bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng magtwo time? Tsaka wala kang pakialam!" inis na sabi ko tsaka hinila na si Queen paalis. Hinila ako ni Queen papunta sa direksyon ng parking lot. "Queencel, don't tell me?" "Totoo, Zira! Nagtext sa akin si Dustin. Hindi naman ako papayag kung hindi ko narinig na ihahatid ni Troye si Shaneya." "E, ano naman?" "Hay naku, basta!" Nandoon nga si Dustin at nakatayo sa labas ng kotse niya. Malapit din kung saan siya nakapark ay nandoon ang mga motor nila Troye. "Zira, let's talk." Nagsusumamo ang mga mata ni Dustin. "Para saan pa ba, Dustin?" "I want you back," derechong sabi niya. Sa gilid ng peripheral vision ko ay nakita kong nakatingin sina Kier. "Sa loob na tayo mag-usap," sabi ko. Papasok na ako sa kotse ni Dustin nang may humila sa akin. "Kier, ikaw na ang maghatid kay Shaneya. Maawtoridad na sabi ni Troye. Mabilis niyang naisuot ang helmet niya sa akin tapos ay isinakay niya ako sa motor niya. Pinaharurot niya kaya napayakap ako sa kanya. Takot ako sumakay sa motor pero ngayon mas gusto kong dito ako nakasakay sa motor ni Troye kesa sa kotse ni Dustin. Nang makababa ako at makuha niya ang helmet ay nagmadali rin siyang umalis. Nakagat ko naman ang labi ko. Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Troye. Kakapasok ko palang ng bahay nang magvibrate ang phone ko. From: Unknown Don't worry about Queen. Hinatid siya ni Vince. Si Troye ba 'to? Pero nagdadrive siya. Hindi ko alam kung bakit nangingiti ako ngayon. Sa ilalim ng puno ng buko ay nakahiga kami ni Zaivier. Napapapikit pa ako dahil sa nakakasilaw na araw. Hinila niya ako patagilid at ngayon ay magkaharap na kami. He traced my nose down to my lips. "Bakit?" I asked. "Napakaganda mo lang, Zira, at chinecheck ko kung totoo ka ba." "Baliw ka! Ikaw nga ang mukhang hindi totoo jan. Para kang Greek God." Natawa naman siya. "Zaivier." "Hmm?" "Bukod dito saan pa kita pwedeng mahanap?" Ngumiti naman siya. "Nandito lang ako palagi." "Paano kung wala ka?" "I won't leave without you." Napangiti naman ako. "Paano kung umalis ka nang wala ako?" "It won't happen." "Pero paano nga-" "Then forget me, Zira. Kung sakaling bumalik ka at wala na ako ay hindi mo na ako mahahanap pa. Hindi na ako babalik sa pagkakataong 'yon at ang gusto ko ay kalimutan mo na ako." Umiling naman ako. "Ayoko." "You have to, Zira." Nangilid ang mga luha ko. "Edi hindi ko hahayaan na umalis ka." "Hanggang pwede pa hindi ako aalis, Zira." Nagising ako na basang basa ang mukha ko ng luha. Ngayon ay malinaw sa akin ang mga pinag-usapan namin ni Zaivier at ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Panaginip lang 'yon pero bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD