"Kuya, wag ka na umalis!"
Sabado ngayon at itong magaling kong kapatid na babalik na ulit sa Maynila bukas ay ayaw magpapigil sa gala niya ngayon.
"Naka-oo na 'ko sa kanila, Zira."
Napanguso naman ako.
At ano namang gagawin ko dito sa bahay mag-isa? Kung alam ko lang edi sana sumama na lang ako kina Mama sa Montecarlos. Aalis pa man din si Queen.
"Mas pipiliin mo pa sila, Kuya? Aalis ka na bukas at ngayong may free time ako mas pipiliin mo pa na makasama 'yong mga kaibigan mo!"
Pinagkrus ni Kuya Zion ang mga braso niya. "Alam mo ikaw napakamatured mo namang babae pero pagdating sa akin nagiging childish ka, kaya hindi ako nagkakagirlfriend, e!" reklamo niya pa.
"Paano ka magkakagirlfriend? E, lagi kang binabasted?"
Naningkit naman ang mga mata niya.
"Bahala ka, aalis na 'ko."
Agad ko naman siyang pinigilan.
"Kuya, isama mo na lang ako!" I pleaded.
"Hindi pwede doon, Zira!" sigaw niya pa.
"Sige na. Alis ka na," sabi ko tsaka pumasok na sa loob.
"Fine! Sasama ka pero sa tabi lang kita."
"Okay!" masayang sabi ko tsaka nagmadaling umakyat sa taas para magpalit ng damit.
Umangat naman ang isang kilay ni Kuya. "Ano ba namang damit 'yan?"
Itinuro niya pa ang suot kong hanging blouse.
"O.A m. mo talaga kahit kelan."
"Nakikita 'yong pusod mo, Zira!" nanggagalaiting sabi niya.
"Malinis naman, ah?" Humagalpak pa ako sa tawa.
Naningkit ang mga mata niya. "Bahala ka. Wag ka na lang sumama." Akmang aalis na siya.
"Ito na magpapalit na." Padabog pa akong bumalik sa taas at nagpalit ng blouse.
"May maayos ka naman palang damit."
Pumara na si Kuya ng tricycle. Nanlaki naman ang mga mata ko nang huminto ang tricycle sa hideout ni Troye.
"Bakit?" tanong ni Kuya nang hindi pa rin ako bumababa sa tricycle.
"Ah, nandito na pala tayo?" Pagmamaang-maangan ko.
Gusto ko na lang umuwi. Ayos na pala sa akin kahit mag-isa lang ako sa bahay.
Nang papasok kami sa loob ay hinawakan ni Kuya ang palapulsuhan ko.
Oh, s**t!
Mas maraming lalaking nakatambay ngayon dito kumpara nang nagpunta kami noong nakaraan.
"Zion!"
Umapir pa si Kuya sa mga kaibigan niya. Kilala ko ang mga iyon dahil nagpupunta sila sa bahay.
"Mukhang hindi ka nanaman nakalusot kay Zira, ah?"
Nang banggitin ang pangalan ko ay naglingunan sa akin ang mga lalaking busy sa paglalaro ng billiards.
Halatang nagulat naman si Troye nang makita ako.
"Hi, Zira!" bati sa akin ni Kier.
"Boss, kapatid ko. Makulit kaya sinama ko na," pagpapakilala pa sa akin ni Kuya kay Troye.
"Bakit mo pinapakilala, Zion? E, ang sabi ni Arth girlfriend ni Boss Troye ang kapatid mo."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Jix, bestfriend ni Kuya.
Gulat na gulat naman si Kuya Zion.
"O, mukhang nakalusot sa striktong Kuya."
Nagtawanan naman ang kaibigan ni Kuya.
Hay! Gusto ko na umuwi!
"Zion, sa loob na muna si Zira," sabi ni Troye kay Kuya.
Tumango naman si Kuya at naningkit pa ang mga mata sa akin.
"Bakit sumama ka rito?" tanong ni Troye habang papunta kami doon sa loob na parang maliit na bahay.
"Hoy! Nangulit akong sumama kay Kuya kasi hindi ko alam na rito siya pupunta. Akala ko tatambay lang sila sa bahay nila Jix."
"At sasama ka pa rin kahit alam mong puro lalaki sa pupuntahan ng Kuya mo?"
"O, ano naman?"
Nakita kong nag-igting ang mga panga ni Troye.
"Dito ka na muna sa loob, Zira. At wag kang lalabas doon."
"Ano namang gagawin ko rito? Doon na lang ako sa labas. Manonood na lang ako sa kanila-"
"Wag kang makulit. Maraming movies na pwedeng panoodin jan."
"Ang boring kaya manood ng movie na mag-isa-"
"I'll stay here."
Natigilan naman ako.
"Kumain ka na ba? Kukuha lang ako ng pagkain. Pumili ka na lang ng papanoodin natin."
Parang may kung ano naman sa loob ng tiyan ko.
Bumalik si Troye at may dala siyang slices of cake at orange juice.
"'Di ba naglalaro ka? Okay na 'ko dito."
Naiilang na sabi ko.
"Tapos na ako maglaro kanina. May napili ka na ba?"
"Ah! Tatanungin kasi sana kita kung ano bang hilig mo."
"Ikaw ang pinapapili ko, Zira."
Ang sungit talaga ng bwiset na 'to!
"O ito na nga po, boss."
"Stop calling me that," madiin na sabi niya.
Ang arte! Kainis!
"Ito na, Troye."
Sabi ko at tinuro ang gusto kong panoodin.
"Love story 'yan ah, Baka hindi mo gusto."
Hindi na niya ako pinansin at nagplay na ng movie. Para kaming magkaaway ni Troye dahil nasa magkabilang dulo kami ng couch.
E, ano bang gusto mo Zira Rafaela? Dikit na dikit kayo?
"Troye, thank you nga pala sa paghatid sa akin kagabi," sabi ko nang maalalang hindi nga pala ako nakapagpasalamat kay Troye kagabi.
Tumango lang siya.
"Tsaka bakit mo nga pala ako hinatid? Hindi ba ihahatid mo si Shaneya?"
Nilingon naman ako ni Troye. "Ano bang gusto mong marinig na sagot, Zira?"
"Ewan ko. Hindi ko alam sa'yo ."
Natatarantang sabi ko tsaka ibinaling ang mga mata ko sa pinapanood.
I heard him chuckles.
Nakakainis naman 'tong si Troye. Mukha siyang walang pakialam sa paligid niya pero napakama-issue niyang tao.
"Alam ba ng boyfriend mo na nagpupunta ka sa lugar na maraming lalaki?"
I rolled my eyes. "Hindi ko nga alam na rito pala pupunta si Kuya."
"Pero sasama ka pa rin kahit alam mong mga kaibigang lalaki niya ang kasama."
Grabe! Walang lusot, ah?
"Hindi naman siya mahigpit."
Hindi ko iniaalis ang mga mata ko sa pinapanood ko.
"O, baka naman hindi niya alam?"
"Alam niya!"
Ang kulit naman nitong si Troye.
"O, baka wala ka naman kasi talagang boyfriend."
Sa inis ko ay hinarap ko na siya. "Meron nga! Bakit ba ang kulit mo?"
Nakakrus ang mga braso niya ngayon. "Kung ganoon bakit makikipag-usap ka pa sa ex mo?"
"Wala lang. Hindi kami nagkaroon ng chance na mag-usap noong naghiwalay kami-"
Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ko at tumayo na.
"Mahal mo pa rin siya," sabi niya tapos ay lumabas.
Anong pinagsasabi ng masungit na 'yon?
Natapos ko na ang movie at hindi na bumalik si Troye. Kinain ko na rin ang cake na nasa harapan ko.
Biglang bumukas ang pinto.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko kay Kuya.
Tumango naman siya. "And you owe me an explanation."
I rolled my eyes. Isa pa 'tong lalaking 'to.
"Boss, uwi na kami," pagpapaalam ni Kuya kay Troye.
Tumango naman si Troye. "Ingat kayo, Zion."
"Thank you nga pala sa pamovie at pacake mo, Boss Troye."
Naningkit naman ang mga ni Troye sa akin. Ngumisi lang ako.
Bakit kaya ayaw niyang tawagin ko siyang Boss Troye? E, 'yon iyong tawag sa kanya doon sa Hideout.
"So, boyfriend mo pala si Troye Lacosta?"
Salubong na salubong ang kilay ni Kuya.
"Hindi nga. Siya 'yong kaibigan ko na naghahatid sa akin sa bahay. Sinabi niya lang 'yon kasi kinukulit ako ni Arth noong nagpunta kami sa Hideout."
He clenched his jaw. "So nagpupunta ka doon sa Hideout?"
"Isang beses lang 'yon, Kuya. Sinama lang nila kami ni Queen."
"Hindi ko kailanman hinadlangan ang lovelife mo, Zira, pero sa pagkakataon na ito ay hindi ako sang-ayon kay Troye."
"Ano bang sinasabi mo jan, Kuya? Hindi ko naman gusto si Troye."
"Mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo."
Madiin na sabi niya.
"Pero, Kuya, bakit ayaw mo kay Troye?" tanong ko.
"Masyadong babaero ang isang 'yon, Zira."
Tumango tango naman ako. "Isang babae palang naman ang nakikita kong-"
"Zira!"
"Fine. Ang O.A. mo talaga!" Natawa pa ako.
Ngayon ay babalik na si Kuya sa Maynila para magtrabaho at mamimiss ko nanaman ang ugok na 'to.
"Zira, iyong sinabi ko sa'yo, ah? Date all the men you want but not him."
Tumango naman ako. "Oo, Kuya. Hindi ko rin naman type ang ganoon kasungit na lalaki."
Humalik pa sa noo ko si Kuya. "Magpakabait ka at mag-aral ka pa nang mas mabuti. See you again soon."
"I love you, Kuya. Ingatan mo ang sarili mo." Nangilid ang mga luha ko.
"Napakaiyakin talaga. I love you."
Kumaway pa ako sa papalayong tricycle na sinasakyan ni Kuya. Kung bakit kasi sa Maynila pa siya nagtatrabaho.
At dahil wala si Kuya ay ako na muna ang magluluto ng pagkain ko. Umalis kasi sina Mama kanina nang makaalis si Kuya at may bibisitahin daw na kaibigan nila na kadarating lang galing America.
Nagluluto ako nang tumunog ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang makitang unknown number ang tumatawag.
"Hello?"
Isang buntong hininga lang ang narinig ko.
"Hello?"
"Zira, it's me Troye."
"O, napatawag ka?"
Hininaan ko muna ang apoy at humila ng upuan sa may counter table.
"Gusto ko lang sana itanong kung bakit hindi mo inaaccept ang friend request ko sa f*******:?"
"Kelan pa ba 'yon?"
"Kanina lang."
"Hindi pa naman ako nag-oonline ngayong araw."
Narinig ko pa ang mahinang mura niya. Pinigilan ko naman ang sarili ko na matawa.
"Damn! Sige na. Iyon lang."
Bigla niyang pinatay ang tawag.
Anong nginingiti ngiti mo jan, Zira Rafaela?
Kahit masungit ang isang 'yon ay may cute side rin naman siya.
Nang matapos akong kumain ay nag-aral lang ako sandali tapos ay natulog na.
"Zira!"
Kasalukuyan akong nakatayo sa dalampasigan. Nakapikit at dinadama ang ihip ng hangin na tumatama sa balat ko.
Nang magmulat ako nang mga mata ay nasa tabi ko na si Zaivier.
"Anong ginagawa mo?" he asked.
Umiling naman ako. "Wala lang. Dinadama ko lang ang hangin."
Kinuha niya ang mga takas kong buhok at isinipit sa likod ng tenga ko.
"You're so beautiful, Zira."
"Alam ko," sabi ko sabay tawa.
He chuckled. "Mabuti naman kung ganoon."
"Pero kahit alam ko na ay mas gusto kong naririnig iyon mula sa'yo."
He pinched my nose. "Ikaw talaga."
"Saan ka nga pala galing?" tanong ko.
"Naglakad lakad lang habang hinihintay ka then look what I've found." Tumuro siya sa may dagat.
"Magbabangka tayo?"
Excited na tanong ko.
"Let's go?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Kaya lang ay wala naman tayong life jacket Zaivier. Baka kung anong mangyari sa atin."
"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo, Zira. Come on. Trust me."
Sa sinabi niya ay napanatag ako. Tiwala akong hindi ako papabayaan ni Zaivier.
Tuwang tuwa ako habang namamangka kami ni Zaivier. This place is so unrealistic. Grabe! Kung maganda na kung saan kami nagstay ni Zaivier ay may mas maganda pang mga spot.
Pumikit ako at itinaas ang mga kamay ko. At sa pagmulat ng mga mata ko ay magkalapit na ang mga mukha namin ni Zaivier.
I smiled. "Para akong nananaginip. This place is so unrealistic just like you, Zaivier. Parang hindi ka totoo."
"Totoo ako, Zira." He smiled.
"Pero parang hindi."
Ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.
"I won't let you go."
"Tama 'yan! Wag talaga. Madami kayang nakapila sa akin."
Naningkit naman ang mga mata niya. "Ipagpapalit mo ba 'ko?"
Mabilis akong umiling. "Ikaw ang pinakagwapong lalaki na nakita ko kaya bakit kita ipagpapalit?"
He clenched his jaw. "Paano kung nakakita ka pa ng mas gwapo?"
Ngumisi naman ako. "Hindi na 'ko makakakita pa dahil ikaw na ang pinakagwapo, Zaivier."
Lumapit pa ako sa kanya at pinatakan siya ng halik.
"I love you, Zaivier...."
"I love you too, Zira...."
Alas tres nang madaling araw at kagigising ko lang mula sa panaginip ko. Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko.
Para talagang totoo ang mga panaginip ko tungkol sa'yo, Zaivier.
At dahil hindi pa naman agad ako makakabalik sa pagtulog ay naisipan kong buksan ang f*******: account ko at iaccept ang friend request ni Troye.
Troye Lacosta
Inistalk ko ang f*******: account niya. Grabe napakafamous naman ng lalaking 'to. Iyong mga babae kung makapagcomment sa mga pictures niya ay isinusuko na ang mga dangal nila. Nasa kalagitnaan ako ng pag-stalk kay Troye nang magpop up ang message mula mismo sa kanya.
Troye:
Bakit gising ka pa?
Me:
Nagising lang. Nagkita kami ng boyfriend ko. :)
Troye:
Sa ganitong oras?
Me:
Yup.
Hindi na niya nireplyan ang chat ko. Seener naman pala ang isang to. Maglolog out na ko nang magreply si Troye.
Troye:
Bakit napakagaling mong galitin ako, Zira?
Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako.
Hay! Ano na ba 'tong nangyayari sa akin?