Kung hindi pa ako ginising ni Mama ay hindi pa ako magigising. Hindi ako nagising sa alarm ko dahil alas singko na ako nakatulog ulit. Bwiset kasi 'tong si Troye, e. Hindi na raw siya makatulog ulit kaya nakiusap kung pwede kaming magkwentuhan pero ako lang naman itong kwento nang kwento at tinulugan pa ako.
"Mag-almusal ka na muna, Zira."
"Hindi na, Ma. Late na 'ko."
Kahit natatakam ako sa niluto ni Mama ay totoong late na talaga ko. Mabuti na lang ay late rin lagi ang professor ko sa first subject.
"Anong nangyari sa'yo?"
Nagtatakang tanong ni Queen. First time kong pumasok ng late.
"Napuyat." sagot ko tsaka binuklat ang libro ko para magbasa ulit ng konti.
"Guys, sa gymnasium daw po lahat. May announcement si Ms. Principal," sabi ng Second year representative.
"Tara."
Mabilis naman kaming lumabas ni Queen para pumunta sa gymnasium.
"So mukhang pwede ko na simulan ang announcement ko,"sabi ni Ms. Principal.
"So this Wednesday na gaganapin ang outreach program natin sa Montelacion. Malayo 'yon dito sa Montreal and mananatili kayo doon ng tatlong araw at alam kong aware na kayo rito."
Tradition na ng St. Scholastica ang outreach program taon taon at ngayon ay mga third year ang nakaassign para sa taunang outreach program.
"And I have a good news, ang St. Celestine ay nakiisa sa gagawin nating outreach program kaya makakasama niyo rin ang mga third year student ng University nila. And I'm hoping everything will went well. Bukas ay wag na kayong pumasok, Juniors. Take a rest. For sure, nakakapagod ang gagawin niyo."
Excited naman kami ni Queen. Sa lahat ng events dito sa St. Scholastica ay ito ang pinakahihintay namin. Mas masayang magbigay ng tulong sa iba kesa gumastos para sa mga party nitong University.
"Anim na oras daw ang byahe papunta sa Montelacion," sabi ni Queen.
"Oo at kailangan ata nating magbangka para marating ang isla kung saan gaganapin ang outreach program."
Iyong mga maaarte naming kaklase ay hindi masaya para sa darating na outreach program.
"Nagbreakfast ka kanina?" tanong sa akin ni Troye.
Kaming dalawa ang umoorder ng pagkain namin.
Umiling ako. "Late na 'ko nakapasok."
Tumango naman siya. "Hindi ako nakapasok sa first subject."
"Ikaw kasi! Dinamay mo pa ako sa pagpupuyat mo tapos ay tutulugan mo lang pala ako."
Natawa naman siya.
Totoo ba 'to? Tumatawa ang isang isang Troye Lacosta?
"Parang ang saya niyong dalawa, ah?"
May halong pang-aasar pa ang mga tingin nila Vince.
"Hayaan niyo na. Namiss siguro ang isa't-isa. Hindi sila nakapagbreakfast ng sabay kanina, late si Troye," si Kier.
"E, late rin si Zira!"
Malakas pang sabi ni Queen.
"Ibig sabihin?" si Josh.
"Sa labas kayo nagbreakfast, no? Naglevel up na!"
Siguradong sigurado naman si Queen.
"Hindi kami nagbreakfast."
Tumahimik sila sa sinabi ni Troye. Si Eiron naman ay ngingisi ngisi.
Mga baliw talaga 'to kahit kelan.
"Ano palang bus number ang sasakyan niyo papuntang Montelacion?" tanong ni Eiron.
"Bus number 8 daw," sagot Queen.
"Ah, kami bus 12," sabi naman ni Josh.
Wala muna kaming practice ngayon dahil nga sa darating na outreach program. Pwede naman silang magpractice ang kaso nga lang ay lima kaming third year ang miyembro ng Volleyball team.
Wednesday at ngayon ang punta namin sa Montelacion. Alas singko nang umaga ang call time pero dahil ang bagal kumilos ni Queen kahit kelan ay alas singko y media na kami nakarating dito sa St. Scholastica.
Puno na ang bus na sasakyan namin dahil dalawang block section ang magkasama.
"Ayan ang sinasabi ko sa'yo, Queen! Nahiwalay tuloy tayo sa mga kaklase natin."
Napanguso na lang si Queen.
Kasalukuyan kaming hinahanapan ni Mrs. Madrigal ng bus na pwede naming sakyan.
"Sa bus 12 daw may dalawa pang bakante," sabi ni Mrs. Madrigal.
Puro lalalaki ang laman ng bus 12 dahil mga Engeenering students ang sakay nito.
"Queen! Zira!" kumakaway si Kier habang ngiting ngiti.
Ang may bakante na lang ay sa tabi ni Troye at sa tabi ng isa pang studyante.
"Zira, jan ka na umupo sa tabi ni Troye. Ako na lang doon."
Mabilis namang tumayo si Kier na katabi ngayon ni Eiron.
"Dito ka na, Queen. Ako na doon." Kumindat pa si Kier kay Queen.
Napailing na lang ako tsaka umupo na sa tabi ni Troye.
"Troye."
Kinalabit ko siya dahil nakaharap siya sa may bintana.
Kunot noo naman siyang lumingon sa akin.
"Bakit?"
"Pwede palit tayo pwesto? Mas gusto ko kasi sa may bintana."
Nagulat ako nang mabilis na tumayo si Troye. Akala ko pa naman ay hindi siya papayag.
"Bakit ba rito kayo napasama?"
"Bwiset kasi si Queen. Sobrang bagal kumilos. Anong oras na kami nakarating at puno na ang bus na sasakyan dapat namin."
Tumango lang si Troye tsaka pumikit.
Ang sarap talagang kausap kahit kelan.
Hindi agad ako nakakatulog sa byahe kaya naman nilabas ko ang phone ko. Bakit ba nakalimutan ko pang dalhin ang earphone ko?
Nang lingunin ko si Troye ay payapa siyang natutulog habang may nakapasak na earphone sa mga tenga niya. At dahil matalino ako ay nakaisip ako ng paraan para kahit papano ay mapawi ang inip ko. Dahan dahan kong hinila ang nakapasak sa kaliwang tenga niya at ipinasak sa tenga ko.
And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's meant to be broken
I just want you to know who I am
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nang tignan ko si Troye ay nakatingin na rin siya sa akin.
I just want you to know who I am
Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko.
Anong nangyayari sa akin?
Tumikhim naman ako.
"Sorry. Nabored lang."
Akala ko ay magsusungit siya pero ibinigay niya sa akin ang earbuds na para sa kanang tenga at kinuha niya sa akin ang para sa kaliwang.
"O, para hindi ka mahirapan."
Nang kunin ko ay muli siyang pumikit. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko.
Bakit ganito ang t***k ng puso ko?
Sinubukan ko ring ipikit ang mata ko pero imbis na ang music galing sa earphone ang marinig ko ay ang t***k ng puso ko ang naririnig ko.
Ano ba naman 'to!
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nang magising ako ay nakasandal ako sa balikat ni Troye.
Nakakahiya!
Agad naman ang akong umalis mula sa pagkakahiga sa balikat niya.
"Nandito na ba tayo?" tanong ko nang kami na lang ang naiwan dito sa bus.
Umiling naman siya. "Stop over lang. Nagrestroom 'yong iba, 'yong iba naman kakain."
"Bakit hindi ka bumaba?"
"Paano ako makakatayo kung ginawa mo na akong unan? At isa pa, ang bigat mo."
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko sa pagngiti.
Nag-angat lang siya ng isang kilay sa akin.
"Thank you sa pagiging unan ko for today."
"Gutom ka ba?" tanong niya.
"Oo."
Hinawakan ko pa ang tiyan ko.
"Bakit pa ba 'ko nagtatanong? Malamang gutom ka na. Nakalimutan ko na may alaga ka nga palang anaconda jan sa tiyan mo."
"Hoy, grabe ka!"
Napapeace sign naman ako nang matalim na tignan ni Troye ang kamay ko. Nahampas ko kasi siya.
"Galit ka ba? Ito naman parang hindi naman tayo friends niyan."
Tumayo naman siya. "Halika na. Kabababa lang din nila."
Hinawakan ko naman ang braso niya para pigilan siyang umalis. "Wag na tayong bumaba. May baon akong sandwich. Gusto mo?"
Agad ko naman siyang binitawan nang tapunan niya ulit ng matalim na tingin ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
Bawal ba hawakan ang isang 'to?
Akala ko ay bababa pa siya pero bumalik siya sa pagkakaupo at inilahad ang kamay niya sa akin.
"Ha?"
"Nasaan na 'yong sandwich?"
"Ay oo nga!"
Nataranta pa akong kunin ang sandwich sa bag ko.
Ano bang iniisip mo, Zira? Maghoholding hands kayo? At bakit mo naman naisip 'yon, Zira Rafaela?
"Not bad."
Komento niya nang maka-isang kagat sa sandwich.
"Not bad ka jan! Masarap kaya! Ako gumawa ng chicken spread na 'to," pagyayabang ko.
"Masarap nga."
Natawa naman ako. "Ewan ko sa'yo, Troye!"
Natawa rin siya.
"Aba parang ang saya dito sa bus, ah."
Biglang sulpot ni Queen.
"Gusto mo?" pang-aalok ko.
"Hindi na. Kumain na 'ko. Gigisingin dapat kita kaya lang ayaw ka ipagising ni Troye." Ngumisi pa si Queen.
"Wala akong sinabing ganyang, Queen," pagdedepensa ni Troye.
May sinabi pa si Queen kaya lang ay hindi ko na narinig dahil masyadong mahina.
Pasado alas onse nang umaga kami nakarating sa daungan ng mga malalaking bangka na siyang sasakyan namin papunta sa isang isla rito sa Montelacion kung saan namin gaganapin ang outreach program.
Hinanap pa namin ni Queen ang mga kaklase namin pero ang sabi ay nauna nang umalis ang bangka na sinasakyan nila.
"Sa amin na lang ulit kayo sumabay Queen, Zira," sabi ni Eiron.
"Oo nga naman, friend," bulong pa sa akin ng malanding si Queencel.
At ayun nga ang nangyari, sa bangka na lang na sasakyan ng mga Engeenering students kami sasakay. Pasampa na ako sa bangka nang ilahad ni Troye ang kamay niya sa akin para alalayan ako. Ngumiti naman ako sa kanya tsaka tinanggap ang kamay niya.
Kahit napakasungit nitong si Troye ay hindi mo maipagkakaila na sobrang gentleman niya.
Napapapikit ako sa tuwing humahampas ang malakas na hangin. Bigla naman ay naisip ko si Zaivier. Kumabog bigla ang dibdib ko. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nagtama ang mga namin ni Troye na nakaupo sa harapan ko.
Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at tinignan ang dagat. Bakit umaasa ako na makikita ko si Zaivier, na totoo si Zaivier?
Tirik na tirik ang araw at ang sakit sa balat. Hinubad ni Troye ang suot niyang jacket at inilahad sa akin.
"Masakit sa balat ang init ng araw."
"Paano ka?"
"I'm fine,"simpleng sabi niya.
Kinuha ko naman ang jacket na binigay niya. Inasar naman kami ng mga tao dito sa bangka.
Bakit ba kasi naiwan ko pa ang jacket ko?
"Sana pala iniwan ko na rin ang jacket ko," bulong pa sa akin ni Queen.
Naningkit naman ang mga mata ko sa kanya. Humagikhik lang ang bruha.
Nang makababa kami sa bangka ay namangha ako sa ganda ng isla. Muli akong pumikit at sa pagpikit ko ay muli kong naalala si Zaivier.
Kung sakaling totoo ka, Zaivier, gusto kitang makita. Gusto kong pasalamatan ka 'cause you helped me to heal my heart.
"Zira."
Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses niya.
"Troye."
"Halika na. Nag-aabang na sa atin ang jeep na sasakyan papunta sa lugar kung saan tayo magstay."
Nauna na siyang maglakad kaya nagmadali akong sumunod sa kanya.
Mahirap ang daan papunta sa Barrio Ardemia at parang isang achievement nang marating na namin ang lugar.
Ang daming nagreklamo nang makarating kami sa lugar. Sobrang layo sa kabihasnan nitong lugar. Ang tanging tutulugan lang namin ay ang mga tent na kasya ang limang tao. Bundok itong lugar at puro puno. Hile-hilera ang mga bahay na gawa sa pawid. Pinisil naman ni Queen ang braso ko at may ininguso siya.
Si Dustin kasama ang girlfriend niyang si Penelope.
Napangiti naman ako nang mapatunayan kong hindi na nga ako affected.
"Wala na talaga? Hindi na talaga masakit?"
Hindi naman makapaniwala si Queen.
Umiling ako. "Wala na talaga kong nararamdaman na sakit, Queen, at kahit ako ay hindi rin makapaniwala kung paano nangyari basta ang alam ko lang buo na ulit ang puso ko."
May kumalabit sa gilid ko at nang tignan ko ay may isang batang babae roon.
"Hi! Anong pangalan mo?"
"Isay po," sabi niya sabay ngiti.
Kumuha naman ako ng sandwich sa bag ko at ibinigay kay Isay.
"Salamat po, Ate. Ang ganda ganda mo po at ang bait bait mo pa sana paglaki ko maging kamukha po kita." Natawa naman ako.
"Ako, Isay, ayaw mo ba akong maging kamukha?" Nagtawanan naman kaming tatlo sa tinanong ni Queen.
Nahagip ng mga mata ko si Troye na nasa hindi kalayuan. Nakakrus ang mga braso niya at nakatingin sa amin.
Kumaway ako sa kanya at ngumiti. Ngumiti siya pabalik. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Mas affected pa ko sa pagngiti ni Troye kesa sa makitang magkasama sina Dustin at Penelope.