Abala ang lahat dahil nasimulan na namin ang outreach program. Kanina ay tumulong kami sa pagdidistribute ng mga pagkain. Ang College of Medicine ang siyang namamahala sa mga free consultation at kung anu-ano pang may kinalaman sa kalusugan ng mga mamamayan dito sa Barrio Ardemia. Nahati rin ang mga estudyante sa mga tasks na dapat gawin at kami ni Queen ay napunta sa pagtuturo sa mga bata.
"Ate Ganda, magaling ka po ba magdrawing?" tanong sa akin ni Isay.
"Hindi naman, Isay, pero marunong si Ate. Ano bang gusto mong idrawing ko?" tanong ko sabay ngiti.
"Gusto ko po iyong sobrang laking bahay, 'yong sobra sobrang laki tapos marami akong pera para makapag-aral ako at ang mga kapatid ko."
Parang nilukot naman ang puso ko. Anim na taon palang si Isay pero ganito na siya mag-isip. Ang nagagawa nga naman ng kahirapan. Iminumulat ang mga batang isip natin sa realidad ng buhay. Nakakakain ako ng higit sa tatlong beses sa isang araw, nakakapag-aral sa magandang Unibersidad pero panay pa rin ang reklamo ko sa buhay na meron kami.
"Ate, bakit parang bigla ka pong nalungkot?"
Umiling naman ako. "Hindi, Isay. Halika magdodrawing na si Ate ng malaking bahay."
Tuwang tuwa si Isay matapos kong maidrawing ang isang mala mansion na bahay.
"Pag laki ko titira ako sa ganitong bahay."
Kitang kita ko ang saya at pag-asa sa mga mata ni Isay.
Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. "Tama 'yan, Isay. Mangarap ka at magtiwala ka na makakamit mo ang pangarap mo."
"Ate ang ganda noon!"
Tumayo siya at sinundan ko kung saan siya pumunta.
"Nognog, ang ganda naman niyan!" Itinuro niya ang ginawang painting ni Nognog.
"Hindi ako ang gumawa niyan, Isay. Si Kuya."
May itinuro si Nognog at nakita kong palapit sa amin si Troye na may dala pang mga bond paper. Tuwang tuwa naman si Nognog dahil sa mga extra bond papers na dala ni Troye.
"Hello po, Kuya! Gusto ko rin po ng ganito." Ngiting ngiti si Isay.
Halos matunaw ang puso ko nang ngumiti si Troye kay Isay. He never smile the way he smiled to Isay.
Mukhang malambot din ang puso nitong masungit na 'to sa mga bata.
"Tinuturuan mo?" tanong sa akin ni Troye.
Tumango naman ako. "Oo. Si Isay."
Bumaling si Troye kay Isay.
"Halika, Isay, gagawa tayo ng painting."
"Ah! Painting pala ang tawag rito."
Napapalakpak pa si Isay sa tuwa.
Kumuha ng upuan si Troye para sa amin ni Isay.
"Kuya Pogi, si Ate Ganda magaling po magdrawing. Ginawa niya po 'to."
Pagmamalaki pa ni Isay sa drawing kong bahay.
"Magaling nga," sabi ni Troye habang nakatingin sa akin.
Nagsimula kaming magpaint.
"Oh, My God!"
Sambit ko nang pahiran ako sa mukha ni Isay ng paint. Tawang tawa naman siya kaya natawa na rin ako. Pinahiran niya rin si Nognog at lalo kaming natawa sa reaksyon nito.
Ngumisi naman ako at pinahiran si Troye.
"Ah ganoon!"
Ngumisi sa akin si Troye tsaka ako pinahiran ng marami sa mukha.
"Troye! Ang daya mo!" reklamo ko.
Natulala naman ako sa kanya nang tumawa siya.
Hindi ko alam pero kumakabog ang dibdib ko ngayon.
"Bakit?" Tumigil siya sa pagtawa.
Umiling naman ako. "Wala. Mas gwapo ka pala kapag tumatawa ka."
"Uyyyy si Ate!" panunukso pa ni Isay at Nognog.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko.
"Hoy, Isay at Nognog! Masyado pa kayong bata para sa mga ganyan."
"Crush mo ba si Kuya Pogi, Ate Ganda? Bagay naman po kayo maganda at pogi." Humagikhik pa si Isay.
"Isay!" nahihiyang saway ko.
I heard Troye chuckles.
Napailing na lang ako.
Alas sais nang hapon natapos ang mga activities namin para sa araw na 'to. Nagpunta ako sa likod ng mga tent kung saan naroon ang paliguan at hugasan ng kamay. Tinatanggal ko ang mga paint sa mukha ko nang may tumikhim sa likod ko. Nilingon ko naman iyon.
"Troye, ikaw pala 'yan."
"Mukhang naparami nga ang paint na nalagay ko sa mukha mo."
"Oo nga at mukhang hindi ka naman nagsisisi."
Ngumisi naman siya.
"Kahit madaming paint ang mukha mo ay maganda ka pa rin naman, Zira."
Tila lulundag ang puso ko palabas. Mabuti na lang ay umalis din agad si Troye.
Napailing na lang ako. Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin?
Sa kakainin namin ay tulong tulong kami sa paghahanda at pagluluto. Nakakatuwa na kahit na 'yong mga anak mayaman na walang kaalam-alam sa kahit pagbabalat ng sibuyas ay tumutulong pa rin.
"Zira."
Lumingon ako sa tumawag sa akin at nagulat ako na si Penelope pala ito, iyong bagong girlfriend ni Dustin.
"Bakit?"
Naunahan ako ni Queen sa pagtatanong.
"Can we talk? Kahit sandali lang."
"At bakit-"
Pinutol ko ang sinasabi ni Queen.
"Sige."
Hindi naman makapaniwala si Queen sa pagpayag ko. Nginitian ko na lang siya.
Sumunod ako kay Penelope. Tumigil siya sa medyo malayo sa kinaroroonan ng mga kasamahan namin.
"Zira, I just want to say sorry for ruining you and Dust," panimula niya.
Hindi ako nagsalita dahil alam kong may karuktong pa ang sasabihin niya.
"I know it's super unbelievable, pero hindi ko talaga alam na kayo pa. Ang sabi niya noong nakilala ko siya ay malabo na ang relasyon niyo and you were about to break up."
Nangilid ang mga luha niya.
"Hindi naman ako 'yong klase ng babae na naiisip mo, Zira. I'm really sorry. Nang malaman ko ang tungkol sa pagmemerge ng mga school natin para sa outreach program na ito ay natuwa ako, 'cause I think this is my chance to apologize to you."
I smiled. "It's okay, Penelope. And believe it or not okay na 'ko."
"Talaga? I mean hindi ka man lang ba galit sa akin?"
Umiling ako. "My heart is fine now. Magiging hipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako nagalit sa'yo. Yes I've been mad to you, but now hindi na talaga."
"Oh My Gosh!" Yumakap naman sa akin bigla si Penelope. "Zira, sobrang saya ko. Tama nga ang naririnig ko about you. You're really a nice person."
Pabalik na sana kami ni Penelope sa mga kasamahan namin nang may mapansin akong dalawang tao sa hindi kalayuan sa pwesto namin ngayon ni Penelope.
"Ah sige na, Penelope. Mauna ka na bumalik. May titignan lang ako."
Kumunot naman ang noo ni Penelope. "Sure ka?"
Tumango naman ako.
Nang makaalis si Penelope ay dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila Shaneya at Troye. May puno malapit sa kanila at doon ako nagtago.
"Bakit ba paulit-ulit na lang tayo, Shaneya?" madiin na tanong ni Troye.
"Kasi paulit-ulit mo rin na hindi pinapakinggan ang mga paliwanag ko, Troye."
Naiiyak naman si Shaneya. Hindi nagsalita si Troye.
"I'm really sorry, Troye, sa mga nasabi ko but please give me a chance to explain, hindi 'yong basta mo na lang akong hindi papansinin. Masakit 'yon para sa akin." Tuluyan nang naiyak si Shaneya.
"Hindi ko na kailangan ang mga paliwanag mo."
Agad naman akong nagtago nang biglang naglakad paalis si Troye.
Naiwan naman ang umiiyak na si Shaneya.
Sila kaya? Tapos nagcheat si Shaneya? Tapos ayaw na siyang bigyan ng chance ni Troye?
Hay! Bakit ba 'ko nangingialam sa mga buhay nila?
Ilang minuto ang nakalipas mula nang sumunod na si Shaneya kay Troye ay bumalik na rin ako sa camp site.
"Zira, saan ka ba nanggaling?" tanong ni Queen. Kumakain na pala silang lahat.
"Nagpahangin lang," pagsisinungaling ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Troye at agad akong umiwas. Ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niya na nakinig ako sa usapan nila ni Shaneya? Bakit ba kasi ang chismosa ko?
"Hoy! Okay ka lang ba?"
Kunot noong tanong ni Queen nang mapansin na wala ako sa sarili.
"Oo. Tara kain na tayo."
Hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang narinig kong pag-uusap nila Shaneya at Troye.
Pero imposible namang nagcheat si Shaneya, kahit marami ang nagkakagusto doon ay hindi niya pinapansin at napakatahimik niya. Pero sabagay kung sino pa nga raw 'yong tahimik ay siya pa itong makakagawa ng bagay na hindi mo inaasahan.
Ako, si Queen at tatlo pa naming mga kaklaseng babae ang kasama namin sa tent. Naunang makatulog sa akin si Queen. Hindi ako makatulog sa kakaisip ko sa narinig kong usapan nila Troye.
Ano bang pakialam mo pa sa kanila, Zira?
Napahilamos pa ako sa mukha ko at pinilit ko na magconcentrate sa pagtulog.
"Zira, aalis ka?" tanong sa akin ni Zaivier.
Alam kong klaro niyang narinig ang sinabi ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit tinatanong niya pa ulit. Hirap na hirap na nga akong sabihin sa kanya na matatagalan ang pagbalik ko rito sa Isla.
I took a sigh. "Oo, Zaivier. Gusto akong papuntahin ni Kuya Zion sa Maynila para magbakasyon."
He clenched his jaw. "At pumayag ka naman?"
"Zaivier, sinubukan ko namang tumanggi pero hindi pumayag si Kuya."
"Tss..."
Napatayo ako dahil sa inis. "Hindi mo na ba ako mahihintay?"
"Isang buwan 'yon, Zira. Isang buwan."
"So, hindi mo na nga ako mahihintay? Iyon na nga e, isang buwan lang pero ganyan ka na umasta."
Tumayo naman siya. "Bahala ka, Zira! Umalis ka kung gusto mo."
Naglakad siya palayo at sinundan ko naman siya.
"Zaivier, please understand. Hindi ko naman-"
"Tama na, Zira. Don't wanna hear your explanation. Just leave pero wag kang umasa na nandito pa rin ako sa oras na bumalik ka."
"Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin, Zaivier?"
Madilim ang magagandang mga mata niya. "Iyon ba ang dating sa'yo, Zira?"
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
This is so frustrating!
Pinapapili ba 'ko ni Zaivier between him and my brother?
Humahangos ako nang magising ako mula sa panaginip ko na iyon. Nailagay ko ang kamay ko sa dibdib ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
As usual, alas tres pa lang nang madaling araw.
Parang nilulukot ang puso ko sa sakit. Simula nang managinip ako ay ito ang unang pagkakataon na mag-away kami ni Zaivier. Sobrang lungkot ng nararamdaman ko.
Dahil hindi naman agad ako makakabalik sa pagtulog ay naisipan kong lumabas muna dahil bigla akong nainitan dito sa loob ng tent. Maingat kong ibinaba ang zipper nitong Tent.
"Ay palaka ka!" sambit ko dahil sa gulat. Sa may duyan kung saan ko binabalak na umupo ay nandoon si Troye.
"Bakit gising ka pa?" tanong ko.
Pinakita niya ang hawak niyang sigarilyo.
Gusto ko sana siyang pagsabihan kaya lang ay naalala ko na baka broken-hearted ang taong 'to.
"Ikaw bakit gising ka pa?"
"Nanaginip ako at ang weird talaga ng mga panaginip ko," sabi ko nang hindi tinitignan si Troye.
"Tungkol saan ba ang panaginip mo?"
"Tungkol sa isang tao. Ang weird kasi kapag nagigising ako ay pakiramdam ko totoo 'yong mga nangyari sa panaginip ko."
"Ganyan naman talaga kapag nananaginip. Kapag nagising ka ay pakiramdam mo totoo ang panaginip mo."
Nilingon ko naman si Troye. "Siguro nga. Tsaka napakaunbelievable rin naman ng mga panaginip ko. Pero sana totoo na lang siya. I want to see him."
"Sino?" tanong ni Troye.
"Iyong boyfriend ko," sabi ko sabay ngiti.
"May boyfriend ka sa panaginip mo?" He smirked.
"Ewan ko sa'yo, Zira." dagdag niya pa.
"Anong iniisip mo? Nababaliw na 'ko? E, tungkol naman talaga doon ang panaginip ko." Ngumuso ako.
"Ganyan ka na ba ka-atat magkaboyfriend kaya napapanaginipan mo na?"
Nangingising siya.
Umangat naman ang sulok ng labi ko. "Ewan ko sa'yo, Troye! Matutulog na nga lang ulit ako," sabi ko tsaka naglakad pabalik sa tent.
kakabalik ko lang sa tent nang magvibrate ang phone ko.
From: Troye
I'm relieved now knowing that you're boyfriend is just an imaginary boyfriend.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Ano bang sinasabi ng baliw na 'to?
Nagtipa naman ako ng reply sa kanya.
To: Troye
Ewan ko sa'yo! Lakas mo mang-asar.
Kakatext ko palang ay may reply na agad siya.
From: Troye
I'm serious.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko.
Muling nagvibrate ang phone ko.
From: Troye
Fucking serious.
Parang may humahalukay sa sikmura ko.
Wag mo na lang pansinin, Zira. Inaasar ka lang ng baliw na 'yan. Tama! Iyon lang 'yon!