DREAM 17

2020 Words
"Bakit ka nagpunta rito ng ganoon kaaga?" tanong ko kay Troye. Ngayon ay kakalabas lang namin sa bahay. "Maaga akong nagising, sobrang aga pa para pumasok kaya naisipan ko na daanan ka na." I rolled my eyes. "Sana natulog ka na lang muna sainyo." Hindi na niya pinansin ang sinabi ko. Kukunin ko na sana ang helmet nang may bumusina. Namilog naman ang mga mata ko nang makita ang sasakyan ni Gio. Nakalimutan ko na sabay nga pala kaming magbebreakfast ngayon. Kunot noo siyang nakatingin sa amin. Ibinaling ko ang mga mata ko kay Troye. "May usapan nga pala kami ni Gio." Walang ekspresyon niyang sinuot ang helmet at sumakay sa motor niya tapos ay pinaharurot ito. Kinabahan naman ako. Sobrang bilis ng pagmamaneho niya! "Bakit nandito si Troye? Sasabay ka na sana sa kanya?" Kita ko ang inis sa mga mata ni Gio. "Akala ko kasi 'di ka na pupunta." Umangat ang isang kilay niya. "Wala naman akong sinabi na hindi na ako makakapunta." "Sorry, Zaiv." Hindi na niya ako pinansin at pinagbuksan na niya ako ng pinto sa front seat. "Ah, Gio." Nag-aalangan pa ko kung sasabihin ko ba o hindi. "Nagbreak fast na nga pala ako. Nagluto kasi si Mama." Lalong sumilay ang iritasyon sa mga mata niya. Hindi siya kumibo at binilisan na lang ang pagmamaneho. "Nagpipintura tayo sa panaginip ko. We were so happy." I tried to break the silence but he remain silent. Hanggang sa makarating na kami sa St. Scholastica ay hindi pa rin ako pinapansin ni Gio. "Zaiv, please? I'm sorry." He took sigh. "Hindi kita matitiis, Zira. Alam mo 'yan." Niyakap naman ako ni Gio. Napangiti ako. Hinatid ako ni Gio hanggang sa classroom namin. Niyaya niya ako na sabay na kaming maglunch at pumayag naman ako dahil hindi ko na siya nasabayan sa pag-aalmusal kanina. "Saan kayo nagpunta ni Troye kahapon?" tanong sa akin ni Queen. "Sa Montreal Flower Fields." Ngumuso naman siya. "Buti pa kayo. Samantalang ako hinatid agad ni Eiron. Siguro kasi babalik agad siya doon kay Therese." Napailing na lang ako sa sinabi ni Queen. Our last professor before our vacant time decided to dismiss the class early. Meron daw kasi siyang meeting. "Sasabay ka kina Eiron?" tanong ko kay Queen. "Daina! Naaksidente daw 'yong crush mo! Si Lacosta" Namilog ang mga mata ko sa narinig. Nagkatinginan kami ni Queen at sabay na chineck ang phone namin. May apat na message akong natanggap mula kina Eiron. From: Eiron We're here Montreal General Hospital. From: Kier Zira! Naaksidente si Troye! Nataranta ako at agad kong kinuha ang bag ko tsaka lumabas. "Zira, saglit!" Humabol sa akin si Queen. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at kinakabahan ako. Lord, kayo na pong bahala kay Troye. "Relax! Namumutla ka, Zi. Baka ikaw naman ang mahimatay," pagpapakalma sa akin ni Queen. Nang makarating kami sa hospital ay agad kong tinakbo ang papunta sa room na pinaglipatan kay Troye mula sa emergency room. Nadatnan ko siya na nakikipagtawanan kina Kier. Natigil siya sa pagtawa nang makita ako. Sa inis ko ay sinugod ko siya at pinagsusuntok sa dibdib. "Aray!" daing niya. I don't care kung pilay pa ang braso niya at may sugat siya at wala rin akong pakialam kung nandito si Shaneya at ang mga kaibigan niya. He deserves my punches! "Zira." Sinaway ako ni Queen. "Anong nakakatawa, Troye Lacosta? Naaksidente ka na nga ay nakukuha mo pang tumawa!" inis na sabi ko. Lalo naman akong nainis nang ngumisi siya. "Someone looks so worried." He smirked. "Gago ka! Malamang nag-aalala talaga ako!" Muli ko siyang pinagsusuntok. Tumawa naman siya. "Bakit ang cute mo, Zira?" Nag-init ang pisngi ko. "Ewan ko sa'yo!" Inis na sabi ko tsaka lumabas. Bwiset na 'yon! Alalang alala ako pero parang joke lang para sa kanya ang nangyari. Napaigtad ako nang magring ang phone ko. Gio is calling Napapikit ako bago sagutin ang tawag niya. Hindi na ako nakapagsabi sa kanya dahil sa taranta ko. "Zira, where are you?" I took a sigh. "Nasa ospital ako, Gio. Naaksidente si Troye. Hindi ako makakasabay sa'yo sa pagkain." "Okay." Rinig ko ang lamig sa boses niya. Pinatay niya na rin ang tawag. Nakita kong lumabas sa room ni Troye si Shaneya. Nagpakawala pa ako ng isang buntong hininga bago bumalik sa kwarto ni Troye. Pare-pareho naman silang lumingon sa akin. "Kumusta ka?" tanong ko kay Troye. "I'm fine. You don't need to worry," he answered. Tumayo sina Queen, Eiron, Josh, Kier at Vince. "Bibili kami ng pagkain, dito na tayo maglunch." Tumango ako kay Eiron. Ngumisi naman sa akin si Kier. "Ikaw na munang bahala kay Troye." Nang makaalis sila ay bumaling ako kay Troye. "Ayan ang sinasabi ko sa'yo!" Muling pagsesermon ko sa kanya. "Masyado ka kasing kaskasero!" "Ganyan ka ba talaga? Sugatan na nga 'yong tao sinesermonan mo pa?" I crossed my arms in front of him. "Kasalanan mo 'yan!" "Hindi ko naman ginusto." Umangat ang sulok ng labi ko. "Really? Kung makapagdrive ka nga lagi parang gusto mo na makita si San Pedro!" Natulala ako nang kagatin niya ang ibabang labi para pigilan ang pagngisi niya. Nag-init pa ang mga pisngi ko. "Bahala ka nga." Akmang tatalikuran ko na siya at uupo na lang sa may upuan nang bigla niyang hatakin ako sa braso. "Ano ba?" "Dito ka lang, please..." He pleaded. Nasa ganoong pwesto kami nang may pumasok na nurse. "Naku, air! Wag na ho muna kayong maggagalaw," sabi niya kay Troye. Tinapunan pa niya ako ng nanghuhusgang tingin. "Bawal po muna kayo magharutan ni sir, ma'am. Hindi po makakabuti sa pilay niya." Namilog ang mga mata ko. "Hindi kami naghaharutan!" Ngumuso ako tsaka tinungo na ang upuan. Binalot ng ingay ang buong kwarto nang makabalik sila Queen. "Hoy, Troye! Kaya mo naman sarili mo, 'di ba?" Tumango si Troye kay Vince. "Sa akin ka na sumakay Zira pabalik sa school," pagpepresinta ni Kier. "Kay Vince ka sumabay," madiin na sabi ni Troye. "Baka kayo na ni Kier ang sunod na dalhin dito kapag nagkataon." Natakot naman ako kaya bumaling ako kay Vince. "Sa'yo na 'ko sasabay." Tumango naman siya. "Walang maiiwan dito kay Troye?" tanong ni Queen. Umiling naman si Eiron. "May exam kami. Hindi pa naman nagbibigay ng special exam ang prof namin sa major." "Tsaka okay lang si Troye mag-isa rito. Mukhang tinamaan 'yong isang nurse sa kanya at siguradong babantayan niya si Troye." Ngumisi pa si Josh. Umangat ang isang kilay ko. Kaya naman pala ang sungit ng nurse sa akin. "Iba pa rin kung may magbabantay kay Troye na kakilala niya," sabi ko. "Ikaw ba, Zira? Pwede ka?" tanong ni Vince. "Hindi na kailangan. Isama niyo na si Zira," sabi ni Troye. Tumango ako. "Sige ako na lang muna ang maiiwan dito. Wala naman kaming quizzes ngayon, 'di ba, Queen?" Mabilis naman na tumango si Queen. "Oo. Wala naman." "Bakit nagpaiwan ka pa?" tanong ni Troye nang makaalis sila. "Walang magbabantay sa'yo." He smirked. "Nanjan naman 'yong nurse." Inirapan ko na lang siya tsaka binuklat ang magazine na nasa gilid. "Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka," sabi ko pa. Pasado alas tres nang may nagrasyon ng meryenda para sa mga pasenyente. Nakita kong hirap na hirap si Troye sa paghawak sa kutsara dahil pilay ang kanang braso niya at hindi siya sanay gamitin ang kaliwa. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Let me help you." Kinuha ko ang kutsara sa kanya at sinimulan siyang subuan ng sopas. Bumilis pa ang t***k ng puso ko nang magkatitigan kaming dalawa. Meron akong hindi maipaliwanag na nararamdaman. "Ang sabi ng papa mo ay alagaan daw kita pero ikaw itong nag-aalaga sa akin." Nag-init ang mukha ko. "Troye! Wag mo na lang intindihin ang sinabi ni Papa." Nagkibit balikat lang siya. Paubos na ang kinakain ni Troye nang magring ang phone ko. "Wait," sabi ko at ibinaba muna ang hawak kong bowl. Gio is calling... "Gio?" Sumulyap ako kay Troye. Walang ekspresyon siyang nakatingin sa akin. "Hindi ka pala pumasok this afternoon. Kanina pa ako naghihintay ng reply mo." Rinig ko ang lamig sa boses niya. "I'm sorry, Gio. Babawi na lang ako." "Masyado ka bang pinepressure ni Salvatore na sagutin siya?" madiin na tanong ni Troye. Umiling ako. "Hindi naman. He's patiently waiting." Tumango lang si Troye tapos bumalik na siya sa suplado mode niya. Alas singko nang bumalik sina Vince kasama si Queen at kasunod din sina Shaneya at Therese. "Kumusta ang pasyente natin, Zira? Nagpasaway ba?" tanong ni Kier sabay ngisi. Umiling iling naman si Josh. "Paniguradong hindi si Zira ang nagbantay, e." "Ano ba kayo!" saway ko sa kanila nang makitang naningkit ang mga mata ni Shaneya. "You should have told me na walang maiiwan dito para hindi na ako pumasok," reklamo ni Shaneya kay Troye. "Naiwan dito si Zira kaya hindi mo na kailangan mag-abala pa." Natahimik naman si Shaneya. I feel bad for her. E, bakit nga ba kasi siya umalis kanina? "Kung hindi mo lang sana ako pinagtabuyan kanina!" galit na sabi niya. Pinakakalma naman siya ni Therese. Ayoko na madamay sa g**o nila kaya bumaling ako kay Queen. "Uwi na tayo?" Tumango naman siya. Kinuha ko ang gamit ko na nasa upuan tsaka nagpaalam na sa kanila. "Vince, ikaw ang maghatid kay Zira." Troye's ordered. "Pwede naman kaming magtricycle na lang," sabi ko. Sumang-ayon din si Queen pero si Troye ay hindi. I'm about to go out of his room when he called me. "Zira." Nilingon ko siya. "Bakit?" "Thank you." Simpleng sabi niya pero lumakas agad ang kabog ng puso ko. I smiled. "No worries." Saglit lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Nagpasalamat ako kay Vince at hinintay na makaalis siya bago ako pumasok sa loob. "Ang aga mo, ah? Walang practice?" tanong ni Mama. Sumalampak ako sa sofa at pumikit. Inaantok na ako. "Hindi nga po pala ako pumasok ng afternoon classes." "At bakit?" bulalas ni Mama. "Nagbantay ako kay Troye sa ospital. Naaksidente siya at walang magbabantay sa kanya." "Ano?" Rinig ko ang taranta sa boses ni Mama. "Rafael!" pagtawag niya pa kay Papa. "Bakit ka sumisigaw?" tanong ni Papa na ngayon ay kunot na kunot na ang noo. Napailing na lang ako. Minsan din talaga napaka'O.A. din nitong ni Mama. Bigla kong namang naalala 'yong reaction ko kanina nang malaman na naospital si Troye. Napahilamos ako sa mukha ko. Medyo nakakahiya pala! "Magbihis ka. Dadalawin natin si Troye sa ospital. Naaksidente raw." Automatic naman akong napatayo sa sinabi ni Mama. "Are you serious, Ma?" Tumango siya. "Magpalit ka na rin ng damit Zira. Sasama ka sa amin." Wala akong nagawa sa pamimilit ni Mama kahit pa sinabi ko na bukas na lang kami dumalaw ay nagpumilit talaga siya. "Sana ay okay lang siya," sabi pa ni Mama nang nasa sasakyan kami papunta sa ospital. "He's fine now, Ma." Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na 'yan nasabi kay Mama. Napapailing na lang ako. "Nasaan ba ang parents niya?" tanong ni Papa. "Wala na po." Mula sa rear view mirror ay sumulyap sa akin si Papa. "Then sinong kasama niya sa bahay nila?" Nagkibit balikat ako. Hindi ko pa napupuntahan ang bahay nila Troye at wala rin akong alam tungkol sa bagay na 'yan. Bumaba agad kami ni Mama sa sasakyan pagdating sa ospital habang si Papa ay pinark na muna ang pick up namin. "Ma, hintayin na natin si Papa!" Gusto pa kasing mauna ni Mama sa loob. "Kawawa naman kasi si Troye kung mag-isa lang siya ngayon." "Ma, hindi nga siya mag-isa." Malamang ay nandoon si Shaneya at binabantayan si Troye. Habang palapit kami sa kwarto niya ay palakas din nang palakas ang t***k ng puso ko at halos mabingi ako. Kakatok pa sana ako kaya lang biglang pinihit na ni Mama ang doorknob. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Troye nang makita kami. "Kumusta ka, Troye?" nag-aalalang tanong ni Mama. Ngumiti si Troye. "Okay naman po ako, Tita." Bumaling sa akin si Troye. "Namiss mo agad ako, Zira?" Bumilis naman ang t***k ng puso ko. Namilog pa ang mga mata ko habang si Mama ay parang teenager kung tumili. Troye Lacosta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD