Walang ekspresyon na tumingin sa akin si Troye. Umiling iling pa siya tsaka dumerecho sa baba kung saan naroon ang kusina. Sinundan ko naman siya.
"Zaivier? Ayun ba 'yong lalaki sa panaginip mo?" tanong niya.
Nakatalikod siya ngayon sa akin.
Tumango ako na akala mo ay nakikita niya 'ko. "He's real and he is Gio."
"Kaya sasagutin mo siya?"
I took a sigh. "I like the guy in my dream, Troye. I like him a lot."
Derechong tumingin sa mga mata ko si Troye. "You like Gio?"
"I like Zaivier."
Kumunot ang noo niya. "Iisa sila, 'di ba?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Yes."
"So basically, you like Gio."
I like Zaivier, yes! There is no doubt but Gio? I don't know.
"Kung iisa sila dapat ay gusto mo rin si Gio."
Natigil lang kami sa usapan namin nang dumating dito si Eiron.
"Anong lulutuin?" he asked.
Sinulyapan ako ni Troye. "What do you want?"
"Do you have ingredients for pizza?"
Tumango naman siya. "Okay. I'll make pizza."
"Marunong din ako. Let me help you."
Tumango naman siya.
Si Troye ang nagmamasa ng dough habang kami ni Eiron ang naghihiwa ng mga ingredients.
"Alam ba ni Gio Salvatore na nandito ka?" tanong sa akin ni Eiron.
I nodded. "Yup. Sinabi ko. Nagyaya kasi siyang mamasyal kami."
"Bantay sarado," komento pa ni Troye.
Nag-angat ako nang tingin at nakita ko si Shaneya kasunod si Therese.
"O, nandito kayo?"
Gulat din na tanong ni Eiron. Tinabihan siya ni Therese habang dumerecho si Shaneya kay Troye.
I feel so awkward. I wanna go upstairs kaya lang ay may ginagawa ako.
"Eizzyk, bakit nandito sila?" mahinang tanong ni Therese pero sapat pa rin para marinig ko.
"We invite them," sagot ni Eiron.
Sumulyap ako kay Troye at nakita kong nakatingin sa akin si Shaneya, she even raised her eyebrow.
"Aakyat na siguro ako," pagpapaalam ko sa kanila.
"Stay here. May ginagawa ka, 'di ba?" madiin na sabi ni Troye.
Tumango naman ako at tinuloy ang ginagawa ko.
"Bakit pa kayo nagpunta rito?" tanong ni Troye.
Sumulyap ako sa kanya at tumingin din siya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Banned na ba kami dito?" sarkastikong tanong ni Shaneya.
Nagulat ako sa isinagot ni Troye. "Gusto mo ba?"
Oh, My God! Paano niya nagagawang maging rude sa girlfriend niya?
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Troye!" iritadong sabi ni Shaneya.
Tumawa naman si Troye. May sinabi siya pero hindi ko narinig.
Hanggang sa maluto na ang pizza ay wala nang kumibo sa amin.
Nagkayayaan na manood ng horror movie. Nasa sulok ako at tumabi sa akin si Queen.
Biglang nagvibrate ang phone ko.
From: Troye
Bored?
Medyo tumalon ang puso ko. It's been a while since the last time I received a message from him. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Umiling naman ako. Nagtipa rin ako ng reply ko sa kanya.
To: Troye
Hindi naman. Why?
Nakita kong sumisilip si Shaneya sa phone ni Troye pero hinayaan niya lang. Tinignan ako ni Shaneya. Kumunot ang noo niya. Hindi ko na lang siya pinansin.
Halos mabasag na ang eardrums ko kakasigaw ni Queen. Ako naman ay hindi masyadong makapagconcentrate sa pinapanood ko sa hindi ko malamang dahilan. Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang may kumatok. Si Josh ang pinakamalapit sa pinto kaya siya ang nagbukas.
"Si Zira?"
Napalingon ako nang marinig ang pangalan ko.
"Let's talk," sabi ni Gio.
Tumayo naman ako.
"Bakit?" madiin na tanong ni Troye na siyang nakatayo rin ngayon.
Kumunot ang noo ni Gio. "Sa amin na lang 'yon, bro."
Tumalim lalo ang mga tingin ni Troye. "Saan mo balak kausapin si Zira?"
Lumapit si Eiron kay Troye at bumulong.
I gave Troye a weak smile tsaka ako sumama kay Gio. Dumerecho kami sa kotse niya.
"I came here for you, akala ko ay sa labas ka lang at manonood ng billiards," malamig na sabi ni Gio.
"I'm sorry, hindi naman ako pinapayagan ni Troye na magstay sa labas ng mini house nitong Hideout."
He clenched his jaw. "Sino ba siya? Para sundin mo?"
"Gio, calm down. He's my friend."
Lumisik ang mga mata niya. "Arth said earlier that you are Troye's girlfriend."
"Para wala lang pumorma sa akin, Gio."
"At ayaw mo ng may pumoporma sa'yo?"
I rolled my eyes. Naiinis na ako sa usapan namin. This is nonsense.
"Umiwas ka na kay Lacosta at wag na wag ka na rin magpupunta sa ganitong lugar. Ikaw ang number 1 student sa year natin tapos ay nasa ganitong klase kang lugar."
Tuluyan ng nagngitngit ang kalooban ko. "Gio, baka nakakalimutan mo na nililigawan mo pa lang ako pero kung higpitan mo ako ay daig mo pa ang papa ko!"
Natigilan siya. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya. Hindi ako nakaramdam ng guilt. He's asking me too much for a suitor.
He took a sigh. "I thought parang tayo na rin. May balak ka bang sagutin ako, Zira?"
Ako naman ang natigilan.
"I'm Zaivier baka lang nakakalimutan mo."
Ngayon ay nakaramdam na ako ng guilt. How can I forget that he is Zaivier? He's the one who saved my heart.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "I'm sorry, Zaiv."
Hindi naging sapat 'yon para mawala ang lungkot sa mga mata niya.
"I'm in love with you, Zira. At akala ko ay gusto mo rin ako kahit na hindi na bilang Gio pero bilang Zaivier."
"I like you, Zaiv, a lot. Hindi ko palang naaabsorb na ikaw nga si Zaivier. Just give me some time."
Tumango naman siya. Pumungay ang mga mata niya. "Sasabay ka na ba sa akin pag-uwi?"
"As long as I want to kaya lang ay ayokong iwan si Queen."
Tumango naman siya. He caressed my cheek. "I'm sorry for this fight, Zi."
Napapikit ako. I remember how Zaivier calls me Zi.
Napangiti ako kay Gio. "You are Zaivier."
No doubt.
Hinatid ako ni Gio hanggang sa pinto ng mini house. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng malamig na tingin ni Troye. Tapos na ang movie at mukhang nagkukwentuhan na sila.
Tumayo si Troye. "I'll drive you home."
Hindi ako umimik dahil akala ko ay si Shaneya ang sinasabihan niya pero umangat ang isang kilay niya sakin.
"I said I'll drive you home, Zira."
Nilingon ko si Shaneya. Nanlilisik sa galit ang mga mata niya.
"Hindi na, okay lang-"
He clenched his jaw. "Hinihintay ka ba ni Gio?"
Mabilis naman akong umiling. "Hindi. Umuwi na siya. Sabay na lang kami ni Queen."
"Ihahatid ko siya, Zira," sabi ni Eiron.
"Eizzyk!" deklamo naman ni Therese.
Nagkatinginan kami ni Queen. Tumayo siya.
"Sabay na lang kami ni Zira."
"Hindi!" madiin na sabi ni Troye tsaka hinila ako palabas.
"Troye!"
Dinala niya ako kung saan nakapark ang motor niya. Inabot niya sa akin ang helmet. Nakatitig lang ako rito.
"Suotin mo na!" galit na sabi niya. "I'm breaking some rules now, so please cooperate with me."
Rules? Anong rules?
Akala ko ay ihahatid na ako ni Troye sa bahay pero tumigil kami sa Montreal flower fields.
"Magdidilim na," sabi ko. "Hindi na magandang ideya ang pagpasok jan sa field."
Walang ekspresyon ang mukha niya. Ngumuso na lang ako.
I was wrong. Akala ko ay ang mga bulaklak ang nagpapaganda lang dito sa Montreal flower fields. Pero napakaganda ng mga ilaw.
"Hindi pa ako nakakapunta dito ng gabi."
Namamangha na sabi ko. Iginiya niya ako papunta sa isang bench.
"In 30 minutes this will be close," aniya.
Tumango naman ako.
"I'm leaving."
Nag-angat ako ng tingin. "Kelan?"
He took a sigh. "After midterm. May aasikasuhin ako. I will be gone for 3 weeks or a month."
Parang biglang kinurot ang puso ko.
Aalis siya? Saan siya pupunta?
"Ingat ka."
Marami akong gustong itanong pero mas minabuti ko na lang na wag na. Sinulit namin ang 30 minutes dito sa flower fields. Hindi na muli kaming nag-usap hanggang sa maihatid na niya ako sa bahay.
"Thanks, Troye."
Sinubukan ko siyang bigyan ng totoong ngiti but I failed. I'm too sad to give a genuine smile.
Tumango siya at pinaharurot na ang motor niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.
Pag-akyat ko ay dumerecho ako sa study table ko hindi para mag-aral kung hindi para buklatin ang planner ko.
May two months pa bago matapos ang midterm. Nagnote ako sa araw na pagkatapos na pagkatapos ng midterm.
Troye is leaving today but I don't know where he's going. I don't know also when he's gonna come back.
"Si Troye ulit ang naghatid sakto? Akala ko huli na 'yong nakaraan? May schedule ba sila ni Gio?"
"Mama!" saway ko kay Mama.
Kasalukuyan kaming naghahapunan pero kung anu-ano ang sinasabi niya. Nakatingin lang sa amin si Papa.
"Nakakausap mo ba ang kuya mo?"
Biglang tanong ni Papa.
"Nagkakatext naman po kami paminsan minsan," sabi ko.
"How's your studies?" seryosong tanong ni Papa.
I smiled. "Okay naman po, Pa. Matataas pa rin po ang mga grades ko."
"Good."
Pagdating sa pagboboyfriend ay wala namang problema kina Papa as long as hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko. Hindi rin sila namimili ng lalaking para sa akin basta ba ay matino kang lalaki at kayang kaya mo na humarap kay Papa. He's a soldier. Nakakatakot siya kung titignan mo pero ang totoo ay napakabait ni Papa.
Nag-aaral ako nang biglang pumasok si Mama sa kwarto ko at may dalang gatas.
"Makakatulong para makatulog ka ng mahimbing."
Ngumiti naman ako. "Thanks, Ma."
"Bakit?" tanong ko nang nakatitig lang siya sa akin.
"Torn between Troye and Gio?"
Namilog ang mga mata ko. "Of course not! I know who I want."
"Then sinong gusto mo?"
Natigilan ako sa tanong ni Mama.
She gave me a wicked smile. "I know who you want."
Ngumisi pa siya ulit bago umalis.
Napailing naman ako.
Si Mama talaga.
Tawa ako nang tawa habang nagpipintura kami ng kwarto nitong rest house. Galing sa bayan si Zaivier para bumili ng mga gagamitin namin.
"Zaiv!" sigaw ko nang talsikan niya ako ng puting pintura.
Humagalpak lang siya sa tawa.
Ngumuso naman ako. "Ayoko na."
Binitawan niya ang hawak niya tsaka lumapit.
"I'm sorry..."
Panunuyo niya.
Ngumisi naman ako tsaka pinahiran siya ng pintura sa damit. Ako naman ang halos mamatay sa kakatawa.
"Naisahan mo ako doon, ah!" reklamo niya.
"That's what you called strategy." Ngumisi pa ako.
Hinila niya ako tsaka pinatakan ng halik.
"Natahimik ka, 'di ba?" He smirked.
Nag-init naman ang pisngi ko.
"I've never been this happy in my entire life, Zi."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Maging ako. I've never felt this kind of happiness before even those times that I'm with Dustin.
I caressed his cheek. "You make me so happy in every day of my life now, Zaiv."
"I love you..."
He whispered.
I smiled. "I love you too, Zaiv..."
Lumulundag ang puso ko sa tuwa nang magising ako. Dahil sa tuwa ko ay nagtext ako kay Gio.
To: Gio
We were so happy in our dream, I know you can't remember it when you're awake :)
Tuwing umaga kapag papasok ako ay naliligo muna ako bago bumaba para magbreak fast dahil may c.r. naman ako rito sa kwarto ko. Pero ngayon ay itinali ko lang ang buhok ko tsaka bumaba.
"Good morning, nak!" energetic na bati sa akin ni Mama. "Halika na! Ikaw na lang ang hinihintay namin."
Ang energetic masyado ni Mama, ah?
Pagpasok ko sa dining area ay halos malaglag ang panga ko nang makita si Troye at seryosong nakikipag-usap kay Papa.
"Hoy! Anong ginagawa mo rito?"
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa ay ngumisi. Namilog naman ang mga mata ko tsaka dali daling bumalik sa kwarto ko.
Damn! I'm only wearing a spaghetti strap night dress.
Ang manyak ng isang 'yon!
Nagpalit lang muna ako ng damit at hindi na muna naligo dahil gusto ko agad malaman kung bakit nandito sa bahay si Troye.
"Bakit ka nandito?"
Sinulyapan niya lang ako tapos ay bumaling na ulit kay Papa.
Ngumiti si Papa. "Mabuti naman at nakilala ko na itong si Troye bago matapos ang vacation leave ko dahil baka matagalan nanaman bago ako makabalik."
Bumaling sa akin si Papa. "Matapang itong manliligaw mo, Zira. Hindi natakot sa shotgun ko. I like him."
"Papa!" saway ko sa kanya.
Ngumisi si Troye.
Ano nanamang kabaliwan 'to, Lacosta?