DREAM 15

2013 Words
"Are you kidding me?" Para akong nanghina sa isiniwalat ni Gio. He shook his head. "I'm also dreaming about you, Zira. I can cleerly see you in my dreams and I still remember you when I'm awake. Sa isang Isla, hindi ba? We were there. Just the two of us. Pero ang mga detalye sa pangyayari sa panaginip na 'yon ay ang siyang hindi ko maalala." Nangilid ang mga luha ko at niyakap ko si Gio. "I'm looking forward for this day, iyong makikilala ko si Zaivier, iyong malalaman ko na totoo siya at mapapasalamatan 'cause he healed my wounded heart. Thank you, Zaivier." Agad kong pinalis ang tumulong luha sa mga mata ko. "Ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas na sabihin sa'yo 'to, Zira. At ngayon ay sobrang saya ko." Bumitaw ako mula sa pagkakayakap. "Pero bakit nga pala Zaivier?" tanong ko. He took a sigh. "Hindi mo ako kilala pero alam kong magkakilala tayo sa totoong buhay, Zira. You even confessed to me before. Sinubukan ko kung hindi mo talaga ako naalala, that's why I used a fake name pero nagtuloy tuloy ang panaginip ko at hindi mo ako tinatawag sa totoong pangalan ko." "Hindi ko talaga maalala ang kahit na ano tungkol sa lalaking nasa panaginip ko." Bumuntong hininga ako. He reached for my hands. "But now you know who's Zaivier is. It's me, Zira." Ngumiti ako. "This thing is so unexplainable, how can we have a dream like that? It's creeping me out." "Let's just enjoy it, wala namang ginagawang masama ang mga panaginip na 'yon sa atin." Tumango ako kay Gio at ngumiti. Now I finally meet Zaivier pero hindi ako sobrang saya sa tulad ng inaasahan ko? Siguro ay never ko kasi talagang inexpect na kilala ko pala si Zaivier. "See you in my dream?" tanong ko kay Gio. Nasa tapat na kami ng bahay namin. He smiled. "See you, Zira. I'll pick you up tomorrow." "Okay, Zaivier," sabi ko sabay tawa. Natawa naman siya. "It's kinda weird." Nakahiga na ako sa kama ko at tulala sa ceilings. Gio is Zavier? Zaivier is Gio. Masaya naman ako pero hindi sobra. Hindi ko pa ata naabsorb na siya si Zaivier? Pero kahit na ang mahalaga ay alam ko na kung sino si Zaivier. Sayang nga lang at hindi naaalala ni Gio ang scenes sa mga panaginip namin. Panay ang paghampas ko sa dibdib ni Zaivier. "Nakakainis ka!" Iyak ako nang iyak. Nakatulog na ako sa kakahintay sa kanya. "Hush now, Zira. I'm here." Hinila ako ni Zaivier para yakapin. "Nandito na ako and I will never leave you again, I'm sorry." "Where have you been?" Namamaos na ang boses ko dahil kanina pa ako iyak nang iyak. "Sa kabilang Isla, namamangka ako para mangisda tapos nasira ang bangka ko at sa pinakamalapit na Isla ako tumigil para ayusin ang bangka ko. I'm sorry ginawa ko ang lahat para matapos agad ang pag-aayos but I failed." "I'm scared." He took a sigh. "I'm scared too, Zira." Sa gabing ito ay maikli lang ang panaginip ko kay Zaivier, maybe because I already knew his in reality. Kinuha ko ang phone ko at nagsent ng message kay Gio. To Gio: I dreamed about you again. Inaasahan ko na makakatanggap ako ng text mula kay Gio dahil paniguradong nagising din siya. "Hindi kaya nauuna siyang managinip sa akin?" tanong ko pa sa sarili ko. Nagsabi ako kay Mama na hindi ulit ako dito magbebreakfast sa bahay. Nagyaya kasi si Gio. "Good morning, Zira!" He smiled. Ngumiti rin ako. "Good morning, Zaiv!" Natawa naman siya tsaka umiling iling. "Sorry hindi kita nareplyan, hindi na kasi ako nagchecheck ng phone sa ganoong oras." Tumango naman ako. "It's okay, Zaiv." Ngumiti naman siya. Sa cafeteria lang ng university kami kumain. Sinulyapan ko pa ang spot kung saan kami sabay na kumakain noon ni Troye. He's not here. Bigla akong nalungkot nang maalala na rito siya nagbebreakfast dahil walang magluluto para sa kanya. Nakiusap pa nga siya sa akin na sabayan ko siya lagi. Hindi ko namalayan ang pagbuntong hininga ko. "Okay ka lang, Zira?" Ngumiti ako. "Oo." "Maaga ka pa rin pumapasok?" tanong ni Queen nang madatnan niya ako na nagbabasa dito sa classroom. Tumango ako. "Sabay kaming nagbreak fast ni Gio." "Wala na talagang puwang si Troye?" malungkot na tanong niya. Pinandilatan ko naman siya ng mga mata. "Ano bang sinasabi mo jan?" "Wala! Mas bagay kayo ni Troye, e." "Queen!" Naiirita na ako rito kay Queen dahil pinipilit niyang sumabay ako sa kanila nila Troye maglunch. Umiwas pa 'ko kung sasabay lang din naman ako sa kanila, 'di ba? Palabas na si Queen nang magtext si Gio. From: Gio Zira, sorry hindi ako makakasabay sa lunch. May pupuntahan ako. Bawi ako sa'yo. Tinawag ko naman si Queen. "Bakit?" she asked. Ngumuso ako. "Sabay na lang tayong dalawa. Hindi raw makakasabay si Gio, e." "Sumabay ka na sa amin, Zira. Nagpabili na kasi ako ng pagkain kay Kier e." Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Nakatunganga si Queen sa akin at inaantay ang sagot ko. I took a sigh. "Ayoko naman na kumain mag-isa." "Yes!" Tuwang tuwa pa siya. Nagulat pa sina Kier nang makitang kasama ako ni Queen. Bakit? Dalawang beses palang naman akong hindi sumasabay sa kanila, ah? "Tinext kita Kier! Sabi ko isabay mo na rin 'yong kay Zira," singhal ni Queen kay Kier. "Ha? Hindi ko nacheck, e." Kumamot pa si Kier sa ulo niya. Kumpleto na kasi ang pagkain nila. "Okay lang. Bibili na lang ako," sabi ko. Tumayo si Troye. "Ako na ang bibili," walang ekspresyon na sabi niya. "Ako na." Naningkit ang mga mata niya sa akin kaya sinabi ko na lang ang gusto ko. Tumango siya tsaka umalis. "Bakit ba kinikilig ako sainyo?" Humagikgik pa si Queen. "Tumigil ka nga!" saway ko sa kanya. Nagtawanan naman sina Eiron. Saglit lang nawala si Troye. Nilagay niya sa harap ko ang pinabili kong pagkain. I gave him a weak smile. "Thanks." Wala siyang sinabi at wala rin siyang ekspresyon. Nagkukwentuhan sina Queen habang kami ni Troye at ay parehong tahimik. Nakakailang! Magkatapat pa man din kami. Patapos na kaming kumain nang magtanong sa akin si Vince. "Zira, nililigawan ka ba ni Gio Salvatore?" tanong niya. Bigla namang may lumapit na lalaki sa akin. Kaklase ko 'to sa isang subject. May dala dala siyang bouquet ng bulaklak at mga chocolates. "Zira!" Kumunot ang noo ko. "Bakit?" "Pinapabigay ni Gio. Sorry daw kung hindi ka niya nasabayan sa pagkain." Narinig ko naman na may sumipol alin man sa kanila pero sigurado akong hindi si Troye. "Ah, thanks." Nang kunin ko ay umalis na 'yong lalaki. "Patay na patay, ah?" Iiling iling si Queen. Hindi ko alam pero sumulyap ako kay Troye. Nag-angat siya ng isan kilay sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. "So, nililigawan ka nga?" tanong ulit ni Vince. Si Queen ang sumagot. "Hindi pa ba obvious?" "May balak kang sagutin siya?" Namilog ang mata ko sa tanong ni Kier. Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Oo?" Sinulyapan ko si Troye. Nakatingin siya sa akin at muli siyang nag-angat ng isang kilay. "Hindi ka sigurado?" He gave me a wicked smile that sent shivers down my spine. "Sigurado!" Lalo lang siyang nangisi. Ano ba, Troye Lacosta? "Anong pakulo ni Gio?" tanong ni Queen. Nagkibit balikat naman ako. "Ewan ko." "Basta penge ako ng chocolates, ah?" Ngiting ngiti naman si Queen. At tuwang tuwa siya nang binigay ko sa kanya ang isang haba na Toblerone, para talagang bata. Nagpaalam muna ako kay Queen na pupunta sa HQ para ilagay ang mga extrang damit na dala ko tsaka para mailagay na rin muna itong bouquet at chocolates. "Wag mo sagutin kung hindi ka sigurado." Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita si Troye dito sa lumang building. Sa likod kasi nito ang HQ. "Hoy, itigil mo nga 'yan!" saway ko sa kanya dahil nagyoyosi siya. "Ang lakas ng loob mo na magyosi rito sa loob ng campus. Baka mahuli ka!" Ako pa ang natataranta samantalang sa kanya ay wala lang. "You care?" "Of course I care for you, Troye!" "Why?" I took a sigh. "You're my friend." Tumango siya at itinapon sa sahig ang sigarilyo niya tsaka niya inapakan. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Sa HQ." Tumango naman siya. "Sige, alis na 'ko," pagpapaalam ko. Muli niya akong tinawag. "Masaya ako na sumabay ka ulit sa amin maglunch, Zira." Ngumiti naman ako at tumango. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa lakas ng kalabog ng puso ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang paglabas ko sa HQ ay nasa gilid ng pinto si Troye at nakasandal. "Nakakagulat ka naman. Wala rito si Shaneya, ah?" Tumalim ang tingin niya sa akin. "I'm waiting for you, Zira." "Bakit?" He took a sigh. "Kailangan ba natin mag-iwasan? Hindi ba magkaibigan naman tayo?" Ngumuso ako. "Pero nagseselos ang girlfriend mo." "Nag-usap na kami Zira, she don't need to get jealous." Naningkit ang mga mata ko. "Kahit ako ay magseselos kung ikaw ang boyfriend ko tapos ay nakita ko kayong malapit ng ibang babae." "Selosa ka pala?" tanong niya sabay ngisi. "Kasi gusto mo 'yong babaeng iyon. That's why I'm jealous pero kung pure friendship lang naman ay hindi ako magseselos." Kumunot ang noo ko nang makitang nakangisi si Troye. "Bakit?" He gave me a wicked smile. "Kung ikaw ang girlfriend ko ay maging si Queen ay lalayuan ko." "Lacosta!" Humalakhak naman siya. Napailing na lang ako. I hate to admit it but I'm happy now. I'm happy with his company. Kailangan ba talaga naming mag-iwasan? He's right were friends at wala naman akong balak na sumawsaw sa relasyon nila ni Shaneya. Walang afternoon classes at pumayag akong sumama kina Queen sa Hideout. From: Gio Wanna go out? Punta tayong Montreal mall? Nagtipa naman ako ng reply sa kanya. To: Gio Sorry, pupunta kasi ako sa Hideout. Agad din siyang nagreply. From: Gio Hideout? 'Yong kay Lacosta? To: Gio Yup. Sa parking lot ay nakaabang na sa amin sina Troye. "Kay Kier ka na lang sumabay," bulong pa sa akin ni Queen. Nang malapit na kami sa kanila ay naglahad ng helmet sa akin si Troye at agad ko namang kinuha. Nakakalokong tingin pa ang binigay sa akin ni Queen. "Namiss kong sumakay sa motor mo," sabi ko kay Troye. "You like riding cars, bakit mo naman mamimiss ang pagsakay sa motor ko?" walang ekspresyon na tanong niya. Ngumuso naman ako. Binigay ni Troye ang jacket niya sa akin dahil masakit daw sa balat ang init ng araw. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na mapangiti. I really love his musky scent, ano kayang perfume niya? "Humawak ka nang mabuti," he ordered. Humawak ako sa damit niya pero hinila niya ang mga kamay ko para mapayakap ako sa kanya. "Troye!" saway ko. "Baka malaglag ka." At napapikit ako nang paharurutin niya ang motor niya. Bakit ko ba nakalimutan na kaskasero nga pala ang isang 'to? Habang nasa byahe kami ay rinig na rinig ko ang kalabog ng puso ko at kinakabahan pa ako na baka naririnig din ni Troye ito. Nang makarating kami sa Hideout ay kakarating lang din nila Queen. Tinulungan ako ni Troye na magtanggal ng helmet. "Thanks," sabi ko nang ibalik ko sa kanya ang jacket niya. Tumango siya at inilahad ang kamay niya sa akin. I get it. Maraming lalaki sa loob at gusto niyang hawakan ko ang kamay niya para wala nang magtangka sa akin. I smiled then I gave my hand to him. "Good," komento niya. Ni walang ekspresyon ang mukha niya. Pagpasok sa loob ay nalaglag ang panga ko nang makita si Gio. Ngiting ngiti pa siya sa akin. Pero agad na nawala nang dumapo ang tingin niya sa mga kamay namin ni Troye na magkahawak. "Zaiv?" nasabi ko dahil sa gulat. "Zaiv? As in Zaivier?" bulalas na tanong ni Queen. Tumango naman si Gio. "Yes, Queen. I'am Zaivier." Napasinghap naman si Queen. Hinila ako ni Troye papunta sa loob pero hindi ko siya pinigilan na gawin 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD