Kanina pa ako rito sa harap ng salamin at ginagawa ang best ko para matakpan ng concealer ang pagmumugto ng mga mata ko.
Kung bakit kasi ako iyak nang iyak kaninang madaling araw!
Nakampante naman ako na hindi na mapapansin sa school ang namumugto kong mga mata dahil hindi ito napansin ni Mama.
"Pasok na po ako, Ma, Pa."
Humalik ako sa kanila tapos ay lumabas na.
Nagulat naman ako nang makita si Gio sa labas ng bahay namin.
"Kanina ka pa?"
Umiling naman siya tsaka ngumiti. "Just on time."
Binuksan niya ang front seat ng kotse niya. "Hop in."
"Thanks," sabi ko nang papasok na ko sa loob ng front seat.
"Dapat sinabi mo na dadaanan mo 'ko, paano pala kung nakaalis na pala ako?"
Ngumisi lang siya sa akin.
He turned on the stereo. Parang may kung ano naman sa tiyan ko dahil sa kantang tumutugtog ngayon.
Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start
I looked away. Nakaramdam ako ng lungkot at feeling ko ay maiiyak nanaman ako.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Gio.
I shook my head. "Hindi naman."
"Parang ang tamlay mo, e."
"Ah! Antok pa kasi ako," I lied.
Saktong kabababa ko lang sa kotse ni Gio ay siyang kabababa lang din ni Troye sa motor niya. Nagkatinginan kami pero inalis din niya ang tingin niya sakin.
Bumuntong hininga ako. This is for the best.
"Hindi mo naman ako kailangan ihatid, Gio."
Nagpupumilit kasi siya. Malayo pa naman ang building namin sa building ng Engineering.
"I want to, so please?"
Tumango na lang ako. Napakapersistent ng taong 'to.
"Zira."
Malapit na kami sa classroom ko nang tawagin niya ako.
Nilingon ko siya. "Why?"
"I'm gonna court you. I really want to pursue you."
Hindi siya nagtatanong kaya tumango na lang ako. Sumilay ang ngiti sa labi niya.
"I'm so happy!" he uttered.
Wala naman sigurong masama kung bibigyan ko ng chance si Gio, right? Pero hindi pa sa ngayon.
"Pero wag ka muna umasa-"
Pinutol niya ang sinasabi ko. "I'll wait, Zira. I'll wait."
Tumango naman ako.
Umismid naman sa akin si Daina.
"Ang landi," komento niya pa.
I just rolled my eyes.
Mula pa noong freshman ako ay kairingan ko na 'yan si Daina at ngayon ay napapagod na akong patulan siya. I realized that I don't need to stoop down to her level. Masyado akong mataas kumpara sa kanya.
"Ngayon ka lang gumagawa ng assignment?" takadong tanong ko kay Queen.
Pero imbes na makitaan ko siya ng pagkataranta ay parang sobrang ganado niya.
"Okay lang, patapos na rin ako." Humagihik pa siya.
"Ang saya natin, ah?"
Nag-angat naman siya ng tingin at ngumisi sa akin. "I'll tell you later."
Nagkibit balikat na lang ako.
"The highest score for our long quiz is...of course, Ms. Trinidad."
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin.
Papunta na ako kay Mrs. Alfonzo nang biglang sumulpot si Troye. Kumatok siya sa pinto na siyang nakaagaw ng pansin ni Mrs. Alfonzo.
"O, Lacosta?" Lumapit siya kay Troye. Impit pang tumili ang iba kong kaklase dahil sa presensya ni Troye.
"Pinapatawag na po kayo para sa meeting niyo."
Bumalik na muna ako sa upuan ko.
"Daina, 'yong crush mo!"
Rinig ko pang sabi ng kaibigan ni Daina.
"Ah, ganoon ba? Ako na lang ba ang kulang?" natataranta na si Mrs. Alfonzo.
Tumango naman si Troye.
Nagulat si Troye nang iaabot ni Mrs. Alfonzo ang mga papers na hawak nito sa kanya.
"Pakibigay na lang kay Zira for distribution."
Tapos ay nagmadali itong umalis.
Napasinghap naman ako.
Walang ekspresyon na pumasok si Troye sa classroom namin.
"Trinidad, Zira Rafaela," pagbanggit niya sa buong pangalan ko.
Nanlamig pa ako habang palapit sa kanya. Nang nasa tapat na niya ako ay narinig ko pa ang impit na tili ni Queen.
Gaga ka talaga, Queencel!
Inabot ni Troye sa akin ang mga papel.
"T-thanks."
Halos mamura ko pa ang sarili ko dahil sa pagkautal ko.
Walang ekspresyon niya pa akong tinignan.
"You got a perfect score, good job," sabi niya tsaka umalis.
Pinilit ko naman na umaktong normal kahit na sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin?
"Papansin ka talaga! Ang landi mo!" nanggagalaiti nanaman sa galit si Daina.
I rolled my eyes. "O, papel mo. 15/50 ka."
Namilog naman ang mga mata niya matapos kong iannounce ang score niya. Halos mapunit pa 'to nang hablutin niya sa akin.
Kakasabi ko lang na hindi ko na siya papatulan pero napakafulfilling din kasi kapag nakakaisa ako kay Daina e.
"Ang b***h, ah?" sabi ni Queen sabay tawa.
"Ang kulit, e."
Kilig na kilig pa si Queen habang kinukwento na inakbayan siya ni Eiron at sinabing hindi sila nagkabalikan ni Therese.
"So? Aasa nanaman tayo ulit?"
Ngumuso siya. "Napaka mo! Siyempre masaya lang ako. Kuntento na ako na single kami pareho."
Napailing na lang ako.
"Sa kanila na tayo sabay kumain, ah?"
I took sigh. Gustuhin ko man ay hindi pwede.
"Ikaw na lang, Queen."
Ako naman ang nagkwento tungkol sa pinag-usapan namin ni Troye kagabi.
"Ang arte niyo ni Troye!" reklamo niya pa.
"Siya kasi! Bakit pa niya kailangan magkagusto sa akin?" pagsisi ko pa kay Troye.
"E, gusto mo rin naman siya, ah?"
Natigilan pa ako sa sinabi ni Queen.
"Hindi, ah!"
Nangapa pa ako ng sasabihin ko.
"I like Zaivier. Umiyak nga ako kagabi dahil sa kanya, e."
"Dahil kay Troye?"
Namilog naman ang mga mata ko. "Kay Zaivier!"
Humagalpak naman sa tawa si Queen. Inirapan ko naman siya.
Kaibigan ko ba talaga siya?
Katulad kahapon ay nag-aabang na si Gio sa tapat ng room namin para sabay kaming maglunch.
"Kina Eiron na lang ako sasabay," sabi ni Queen.
Tumango naman ako. Pinilit naman ako ni Gio na sa Sentro kami kumain kaya wala na akong nagawa kung hindi sumama. Mukhang doon naman talaga ata niya balak kumain.
"Are you okay?" tanong niya na mapansin na parang wala nanaman ako sa sarili ko.
I smiled. "Okay lang."
Biglang nagvibrate ang phone ko.
From:Queen
Nandito sina Therese at Shaneya. I feel so out of place :(
Agad naman akong nagtipa ng reply ko sa kanya.
To: Queen
Gusto mo ba bumalik na lang ako?
From: Queen
Nasaan na ba kayo?
"Gio, balik tayo sa school. Walang kasabay si Queen kumain."
"Ha? Akala ko ba kasabay siya ng mga friends niyo?" nagtatakang tanong niya.
"Please?"
Tumango naman siya at agad na nag-U turn.
Halos takbuhin ko na ang papunta sa cafeteria para lang madatnan si Queen na nakikipagtawanan kina Kier.
"Queen?"
Ngumisi naman siya sa akin. "I told you. Babalik siya para sa akin, e. Paano ba 'yan, Troye, nanalo ako?"
"Not funny, Queen. Napaka-isip bata!" inis na sabi ko tsaka padabog na umalis.
"Sorry naabala pa kita, Gio."
Nahihiya ako kay Gio.
Ngumiti naman siya. "No worries, Zira. Kain na tayo."
Nang nilapitan ko si Queen ay umorder na si Gio ng pagkain namin.
"Napagtripan ka ni Queen?"
Ngumuso ako. "Ganyan naman 'yan. Minsan isip bata talaga siya. Okay lang naman sa akin but not now, kasi may ibang tao na naabala niya."
Binitawan ni Gio ang hawak niya na spoon and fork at hinawakan ang kamay ko.
"Okay lang naman sa akin," sabi niya sabay ngiti
Pasimple ko namang hinila ang kamay ko sa kanya.
"Kain na tayo," naiilang na sabi ko.
Tumango naman siya.
"Alam mo ba, Zira? Nagalit kanina si Troye. Badtrip na badtrip parang papatay na ng tao. Lalo na noong hinawakan ni Gio 'yong kamay mo."
Hindi ko pinapansin si Queen at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa.
"Zira! Galit ka ba talaga sa akin? I'm sorry na. Hinamon kasi ako ni Troye, e. Ang sabi niya ay hindi mo raw ako babalikan dahil kasama mo si Gio. You know how competitive I'am."
Ibinagsak ko ang libro ko.
"Pwede ba, Queen? Ang ingay mo. Can't you see I'm reading? Hindi mo man lang naisip na may maaabala kang tao. Nakakahiya."
Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako.
Ngumuso naman siya. "Sorry na nga, 'di ba? Si Troye nga kasi. Gusto niyang sumabay ka rin kumain. Hindi mo naman pala kasi kailangan umiwas nang todo."
"Queen, kung gusto mong sumabay kina Eiron ay malaya ka but please wag mo na ako pilitin."
Natahimik siya at nagbuklat na lang din ng libro. Hanggang sa matapos ang klase ay hindi kami nagpapansinan ni Queen.
"Practice na ako," malamig na sabi ko tsaka tinungo ang gymnasium.
Magsisimula na ang practice nang matanaw ko si Queen at Gio na pumasok dito sa gymnasium.
Bakit sila nandito?
Naupo sila sa bleachers at nanood ng practice game. Nagkatinginan kami ni Shaneya tapos ay lumipat ang tingin niya kay Gio.
Hindi masyadong matagal ang practice namin ngayon dahil may pupuntahan si Coach.
"I'm really sorry."
Naglahad ng Gatorade si Queen sa akin.
Ngumiti naman ako. "Apology accepted."
Umangat ang sulok ng labi niya. "Kailangan talaga ay may peace offering," reklamo niya.
Natawa naman ako.
"Hintayin ko na lang kayo sa parking lot," sabi ni Gio sabay ngiti.
Tumango naman ako. "Sige." Bumaling ako kay Queen. "Ikaw? Sasama ka pa sa HQ?"
Umiling naman siya. "Pupunta kong restroom tapos ay susunod na ako sa parking lot."
"Sige. Mabilis lang ako."
Natanaw ko malapit sa HQ sina Troye at Shaneya. Hindi ko na sila muli pang tinignan. Nakahinga lang ako nang maluwag nang malampasan.
Damn it! Why it feels like I've made something wrong to them?
Kakatapos ko lang magpalit at inaayos ko ang gamit ko nang pumasok si Shaneya dito sa HQ.
"Troye is waiting for me."
Ako ba ang kausap niya? Luminga linga pa ako, abala ang lahat at siya ay nasa harap ko.
"Ah."
Oh, My God! Why am I sound bitter ?
"Are you jealous?" tanong niya sabay ngisi.
"Are you crazy?" Peke akong tumawa. "Ewan ko sa'yo, Altamirano."
Umiling iling pa ako tsaka lumabas ng HQ.
Humarang si Troye sa dinadaanan ko.
"Bakit? I asked.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Blanko ang ekspresyon.
"Tabi nga, Troye."
Kinakabahan ako dahil baka lumabas na si Shaneya. Ayoko na ng g**o.
"Hindi mo ba ako namimiss?"
Natigilan ako sa tanong niya.
Namimiss? Kung namimiss ko siya?
"'Cause I miss you...so much."
Wala pa ring ekspresyon ang mukha niya.
Tumabi na siya sa dadaanan ko at sinamantala ko 'yon para umalis. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
Hindi kita namimiss? Nakagat ko ang ibabang labi ko. I miss you too, Troye.
"Si Queen?" tanong ko kay Gio. Siya lang kasi ang nandito sa parking lot.
"Sumabay siya kay Eiron, pinapasabi na lang niya."
Tumango naman ako.
Ang landi talaga ng babaeng 'yon!
Pinagbuksan ako ni Gio ng pinto sa front seat. Nagpasalamat naman ako bago pumasok.
"Hindi mo na dapat ako hinintay. Naabala ko pa ang oras mo."
Umiling naman siya. "Walang araw na naging abala ka sa akin, Zira. I love doing this at baka nakakalimutan mo na manliligaw mo ako?"
Ngumiti na lang ako kay Gio.
Paalis na kami nang makita ko sina Troye at Shaneya. Mukhang ihahatid niya si Shaneya? E, ano naman? Girlfriend niya 'yon, e.
Nakaramdam ako ng pait.
Do I really like Troye? Indenial lang ba ako? But I like Zaivier. Pwede bang dalawa silang gusto ko? But Zaivier don't exist in reality. So pwede nga? Oh My God, Zira!
"Zira."
Natigil ang pag-iisip ko kay Troye nang tawagin ako ni Gio.
"Hmm?"
Mukha naman siyang kinakabahan. "I want to tell you something."
"Ano 'yon?"
Maging ako ay kinabahan din dito kay Gio.
Humugot muna siya nang malalim na hininga.
"You are dreaming about a guy, right?"
Nagulat naman ako sa tinanong niya.
"Paano mo nalaman?"
Huminto siya sa pagmamaneho.
"Hindi mo matandaan ang mukha niya at ibang eksena sa tuwing nagigising ka, hindi ba?"
Namilog ang mga mata ko. "Gio, how could you know that?"
"Because.." Humugot ulit siya nang malalim na hininga. "I'am Zaivier."
Lumipad ang kamay ko sa bibig ko. What?