Dahan dahan akong tumayo at hinarap si Troye pero namilog sa gulat ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin.
"I missed you..."
He whispered.
Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko na akala mo ay may banda sa loob. Nakagat ko ang ibabang labi ko.
Yes. His hug feels really good.
Kumalas din siya agad sa pagkakayakap sa akin at hinila ako palabas sa cafeteria. Dinala niya ako sa may garden kung saan mas konti pa ang tao kumpara sa cafeteria.
Siguro ay may limang minuto rin na walang nagsasalita sa amin at tila pinapakiramdaman ang isa't-isa. I decided to break the silence.
"Troye."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"I still want us to be friends."
Naninimbang ang mga tingin niya. "Just friends?"
"Oo, nothing more. Please wag mo na lokohin si Shaneya. No girl deserves to be cheated."
Tumango naman siya. "Okay, Zira."
Ngumiti naman ako. "Sorry kung masyado akong nakikialam sa'yo."
He clenched his jaw. "I like it, Zira. I like it."
Halos sampung minuto lang kaming nag-usap tapos ay hinatid niya ako sa room ko. Ayaw ko sana kaya lang ay mapilit si Troye at ang sabi niya ay ganito naman na raw talaga ang ginagawa niya bago pa siya magtapat ng nararamdaman sa akin.
"Nagbreakfast kayo ni Troye?" naeexcite na tanong ni Queen.
Umiling naman. "Nag-usap lang kami."
"Tungkol saan?" tanong niya.
"Na gusto ko pa rin na maging magkaibigan kami."
Itinuon ko ang mga mata ko sa kabubuklat ko lang na libro.
"Friends lang?"
Naningkit ang mga mata ko kay Queen. "Siyempre!"
"Ikaw nang-friendzone ako naman na-friendzone, edi ikaw na." Ngumuso pa si Queen tsaka nagbuklat ng libro niya. I just rolled my eyes.
Pareho kami ni Queen na tila may iniisip, I observed her and I'm sure that she's thinking about something and that's not very usual for her.
Sinitsitan ko siya nang lumabas ang prof namin, sa subject kasi na 'to ay hindi kami magkatabi ni Queen, she's sitting two seats away from me.
"O?" Kumunot ang noo niya.
Sabay na kaming bumalik sa permanenteng upuan namin.
"Bakit parang ang seryoso mo?"
Ngumuso siya. "Wala ako sa mood, Zira. And I don't know why."
"Queen, nagyaya nga palang maglunch si Gio. I can't reject his offer, nahihiya ako."
Tumingin pa ng nakakaloko si Queen sa akin. "I knew it. You friend zoned Troye because you still like Gio, no?
Umiling ako. "Of course not! May girlfriend na si Troye."
"So if ever na wala, may chance siya?"
Mas matimbang pa na pinaparatangan ako ni Queen kaysa sa nagtatanong siya.
Umiling ako. "Hindi rin, hindi gaanon ang type ko kay Troye and you know it. He's too serious."
"Sabagay," komento ni Queen. "Minsan ay sobrang nakakaintimidate si Troye dahil sa katahimikan niya," dagdag niya pa.
Sumang-ayon naman ako. "Sumabay ka na lang kina Eiron maglunch."
Nagulat naman ako sa bilis ng pag-iling niya. "Ayoko! Mas gugustuhin ko na lang makithird wheel sainyo kesa sumabay kina Eiron." Ngumuso pa siya.
"May nangyari ba?"
Naningkit ang mga mata niya. "'Di ba nga? Nafriend zone ako."
"Nagconfess ka?" Gulat na gulat ako.
"Gaga! I will never do that."
Kinuwento sa akin ni Queen ang pag-uusap nila ni Eiron nung tinanong niya kung ano ba sila.
"Oh, My God! Gusto kita itakwil bilang kaibigan ko!"
Ako ang nahihiya sa pagtatanong ni Queen kay Eiron. She just asked Eiron kung ano ba sila.
Ngumuso naman siya. "E, 'di ko naman sinasadya! Alam mo naman itong bibig ko medyo walang preno."
"Anong medyo? Wala talaga!"
Napailing na lang ako.
"Zira! Si Salvatore hinahanap ka."
Tinawag ako ng isang classmate ko.
Nakita ko naman si Gio sa tapat ng classroom namin. Kinikilig pa ang mga kaklase kong babae sa presensya.
"Lakas talaga ng dati mula noon hanggang ngayon."
Rinig kong komento ni Queen.
"Chill, Trinidad! Isa-isa lang. Hindi ka mauubusan ng lalaki," sabi pa ni Daina.
Napakainsecure talaga ng b***h na 'to.
Hindi ko na siya pinansin pero itong si Queen ay hiniritan si Daina.
"Palibhasa kasi kahit sobrang kapal na ng make up mo ay wala pa ring nagkakagusto sa'yo!"
Kumulo agad ang dugo ni Daina sa sinabi ni Queen lalo na nang magtawanan pati ang iba naming mga kaklase.
"Hey!" bati ni Gio samin nang makalapit kami ni Queen.
Humilig ako kay Queen. "Alam niyang crush natin siya noon. Remember those valentine cards?"
Kitang kita ko ang pamimilog ng mga mata ni Queen. Natawa na lang ako.
Pagpasok namin sa loob ng cafeteria ay namataan agad namin ang grupo nila Troye.
"May pumalit na agad sa atin." Ngumuso pa si Queen.
Kasama kasi nila sina Therese at Shaneya.
Ang nakita lang namin na spot ay 'yong malapit sa table nina Troye.
"Mabuti na lang at hindi tayo sumabay sa kanila, pahiya sana tayo."
Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Queen.
"Hayaan mo na."
Si Gio ang umorder ng pagkain namin. Kumaway pa sa amin si Kier at Josh, pilit na ngiti lang ibinigay ko habang si Queen ay busangot na busangot. Lumingon si Troye pero hindi niya ako pinansin at agad din na iniwas ang mga mata niya sa akin. Ewan ko pero nalulungkot ako. Siguro ay kahit sandali pa lang ay nakasanayan na agad namin na sa kanila sumabay sa pagkain at siguro mula ngayon ay hindi na ulit kami sasabay sa kanila.
Nang bumalik si Gio ay kasama niya si Tyrone, his best friend.
"Okay lang ba kung sasabay ako sainyo?" tanong ni Tyrone.
Pareho naman kaming tumango ni Queen.
"You didn't reply to my messages last Sunday," sabi ni Tyrone kay Queen.
Mapanuri ko naman silang tinignan. They're texting? Bakit? Anong meron?
"Ah, kapag Sunday kasi hindi ako masayadong gumagamit ng phone. It's our family day," pag-eexplain ni Queen.
"May practice ulit kayo ng volleyball mamaya?"
Tumango ako kay Gio.
"Sabay ka na ulit sa akin pag-uwi."
"Sige, kapag nagkasabay ulit matapos 'yong mga practice natin."
Pasimple akong sumulyap sa pwesto nina Troye at kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang mga tingin namin. I smiled but he didn't, he just looked away.
Galit nanaman ba siya?
Ramdam ko na wala sa mood si Queen dahil sa ang tahimik niya ngayon. Mukhang iba nga ang nararamdaman niya kay Eiron compare sa mga nagustuhan niya noon. She never been this way before. Kung ayaw sa kanya ay hindi niya pinipilit 'cause she knows what she deseves and I admire her for being confident. But what happened, Isabella Queencel?
"Pagkatapos ng mga meeting namin ng mga officer ay uuwi na 'ko Zira, ah? May maghahatid naman sa'yo." Ngumisi pa si Queen.
Tumango naman ako. "Gaga! Kahit walang maghatid sa akin ay papaunahin na talaga kita umuwi."
At as usual ay may sermon nanaman ako kay Coach dahil ako nanaman ang pinakahuling dumating. He should blame my last subject professor for rendering overtime everyday.
"Zira."
Lumingon ako sa tumawag sa akin.
"Bakit?" tanong ko kay Shaneya.
"Ah, anong meron sainyo ni Gio Salvatore?"
Hindi ko napigilan ang pag-angat ng isang kilay. "Is that also your business?"
Nagulat naman siya sa inasal ko. Hindi ako mabait and please stop acting like you're nice 'cause you're not.
"Mukhang nagkakainitan kayo ni Altamirano, ah? Hindi kaya makaapekto 'yan sa laro natin?" nag-aalalang tanong ni Eleanor.
Umiling ako. "Don't worry, Kapitana, it wouldn't."
Tumango naman siya.
Nagsimula ang practice game at kanina pa sinesermunan si Shaneya ni Coach dahil parang wala siya sa sarili niya.
"Akala ko ba ay hindi maaapektuhan?" Lumapit sa akin si Eleanor tapos ay bumaling kay Coach.
"Coach! Break muna, sa tingin ko ay may hindi pagkakaunawaan sina Altamirano at Trinidad."
"Kap!"
Namilog naman ang mga mata ko.
Nagulat kami nang biglang umiyak si Shaneya.
"Siya lang naman po ata 'yong may issue sa akin."
Nagngitngit naman ako sa inis.
"You all know me, hindi ako mahilig sa away and I'm trying my best to be a friend to all of you at ngayon nababother ako sa treatment sa akin ni Zira."
Gusto ko siyang sugurin, gusto ko siyang awayin pero mas minabuti ko na lang na manahimik dahil baka masuspend pa ako sa maipapakita kong behavior at hindi pa ako makapaglaro. Ang ending ay pinagsorry ako ni Coach kay Shaneya.
Kanina pa tingin nang tingin sa akin si Eleanor at halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ni Shaneya. Kumunot ang noo niya sa akin at nagkibit balikat lang ako.
Inaayos ko ang gamit ko rito sa HQ nang lumapit sa akin si Shaneya.
She's smirking.
"You don't know me yet, Zira."
Umangat naman ang sulok ng labi ko. "At hindi mo rin ako kilala, Shaneya. Hindi mo gugustuhing kalabanin ako. Hawak ko ang alas mo, sweetie." Ngumiti pa ako sa kanya.
Kita ang gulat sa mga mata niya. Yes! I'm pertaining to Troye at kapag hindi pa ako tigilan ng babaeng to ay papatulan ko na ang boyfriend niya!
"Mukhang badtrip ka, ah?" tanong ni Gio.
Paglabas ko kasi sa HQ ay nakaabang na siya.
"May nangbadtrip sa akin, e."
"Sino?" na tanong niya.
"Basta! It's between girls."
Nasa may parking lot na kami nang lumapit sa akin si Troye.
"Zira, can we talk?"
He's not in his usual self. Hindi matalim ang mga tingin niya.
"Ihahatid ko na siya sa kanila, bro."
Hindi pinansin ni Troye ang sinabi ni Gio.
"Please."
He pleaded and it's the first time I heard him saying please.
Nilingon ko si Gio. "Mag-uusap muna kami."
"I'll wait you here," madiin na sabi niya.
"Kaya kong ihatid si Zira," mas madiin na sabi ni Troye.
"Wait for me."
Tumango naman si Gio.
"Tungkol saan, Troye?"
"I heard what happened kanina sa gymnasium."
Ngumuso naman ako. "Nagseselos ang girlfriend mo sa atin."
"Zira, will you believe me if I say that she's not my girlfriend?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Parang may kung ano sa tyan ko.
"Troye, please."
"You will never believe me." He clenched his jaw. "Anong nagawa ko para hindi ka magtiwala sa akin?"
"Troye, sige sabihin na natin na hindi mo girlfriend si Shaneya pero ayaw ko na rin ng g**o so kahit na hindi kayo ay naisip kong umiwas na lang muna tayo sa isa't-isa."
Kumirot ang puso ko sa sinabi ko.
"I don't want trouble, Troye. May pangalan akong iniingatan dito sa University and I don't want to ruin it just because some girl is jealous of me because she's thinking that I'm stealing her man. Troye, pinaghirapan ko na magkaroon ng magandang reputasyon dito. So please, layuan mo na 'ko, kayo ni Shaneya."
Nakayuko lang ako at wala akong lakas ng loob na tignan si Troye. Ilang minuto rin na hindi siya nagsalita.
"Okay. But please let me drive you home, for the last time, Zira."
Nag-angat ako ng tingin at nagsusumamo ang mga mata niya.
Tumango ako. "For the last time."
Tinext ko si Gio para sabihing ihahatid na ako ni Troye. I feel so guilty dahil pinaghintay ko siya. Sampung minuto ay nasa bahay na kami. Binigay ko ang helmet at walang pakundangan siyang umalis, ni hindi niya ako nilingon.
Why does it hurts so much? Daig pa noong nagbreak kami ni Dustin.
"O, ginabi ka ata?"
Naabutan ko si Mama sa sala at mukhang hinihintay niya talaga ako.
"Napasarap ang practice." Sumalampak ako sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. I'm so tired.
"Si Troye ang naghatid sa'yo, ah?"
Idinilat ko ang mga mata ko. "Last na 'yon, Ma."
Humalik na ako kay Mama tsaka umakyat sa kwatro ko. I badly need to rest.
Kalahating oras na akong naghihintay dito sa rest house pero wala si Zaivier. Natatakot na ako pero inisip ko na lang na baka katulad noong nakaraan ay nanghuli lang siya ng isda. Nagpasya akong lumabas at umupo sa may dalampasigan. It's almost sunset. Pumikit ako at dinama ang lamig ng hangin. The sunset was never been this sad for me. Sa pagdilat ng mga mata ko ay tumulo ang mga luha ko.
"I'll wait for you, Zaivier."
Iyak ako nang iyak nang magising ako. Ang bigat at parang pinipilas sa piraso ang puso ko. Wala sa panaginip ko si Zaivier pero nasa eksaktong lugar ako at naghihintay sa kanya.
Zaivier, why did you fail now in protecting me from this pain?