Chapter I: The Return of Cahliee.

3113 Words
"Everyone go back to your proper seats." Natigil ang lahat nang sitahin kami ng aming guro pagkapasok niya sa loob ng aming silid. Wala kaming nagawa kundi sumunod na lamang dahil magsisimula na din ang aming klase. "Bago magsimula ang ating klase ay may nais akong ipakilala sa inyo." Sambit pa niya kaya naman binalot kaming lahat ng kuryosidad kung ano ang nais ipahayag ng aming guro. Tumingin siya sa labas ng aming pintuan saka siya tumango na para bang may kausap siya sa labas at iniyayakag niya ito na pumasok. Narinig ko namang nagsimulang magbulung-bulungan ang aking mga kamag-aral. Ako din ay napapaisip kung sino ba ito. Ilang sanadali ay may isang batang babae ang siya na lamang pumasok sa aming silid. Sa tingin ko ay kaedad lang namin siya. Sorpresa at pagkamangha ang naririnig ko sa mga kaklase ko. Ako din ay hindi naiwasang mamangha. Ang unang pumasok sa isip ko kung tao ba siya o isang anghel na nagkatawang tao. "Nais kong ipakilala sa inyong lahat si Cahliee. Simula ngayon ay magiging kaklase niyo siya..." Nagsiingay ang mga kamag-aral ko dahil sa sinabi ng aming guro. Lahat sila ay excited makilala ang babaeng nasa aming harapan. Agad silang napuno ng kyuryosidad at hindi maiwasang siya ay tanungin upang siya'y makilala. Ngunit ako... tila'y nabingi. Hindi ko marinig ang mga kamag-aral ko dahil sa oras na iyon ay nasa kanya lang ang buong atensyon ko. Napako ang mga mata ko sa malaanghel niyang mukha. Pero ang lubos na agaw atensyon ay ang mala crystal niyang asul na mga mata. Nagitla na lamang ako ng magtama ang aming paningin kaya naibalin ko na lamang sa iba ang kaninang atensyon ko sa kanya. Nahiya ako... bigla akong nakadama ng hiya sa biglaang pagtingin niya sa akin. Ang mas lalong nakakabahala ay ang unang pagkakataon na nakadama ako ng ganito... hindi ko maintindihan. Siguro, dahil ngayon lang ako nakakita ng isang tulad niya. Matapos ang klase, tulad ng inaasahan ko ay atraksyon ng buong klase si Cahliee. Halos lahat ng mga kamag-aral ko ay pinalilibutan siya. Maski nga taga ibang seksyon ay nakikiusisa dahil mabilis na kumalat sa buong eskwelahan na may banyaga sa aming seksyon. Hanggang sulyap lang ako sa kanya pero wala akong balak na makiusisa o makilala siya. Hindi ko din ugali ang maging friendly. Para sa akin, ineenjoy ko lang ang buhay ko kahit magisa. Unti lang kaibigan ko dahil mahirap magtiwala. Hanggang sa uwian namin ay talagang dinadagsa si Cahliee ng mga estudyante na para bang ngayon lang nakakita ng isang tulad niya. Maski ako din naman ay ngayon lang rin ako nakakita ng taong may asul na mga mata. Samantalang sa mga foreign movies ko lang napapanood, hindi ko aakalaing magkakaroon ako ng ganyang kamag-aral. Dali-dali na akong sumakay ng aking service car bago pa ako maabutan ni Rustin upang yakaging mag arcade ulit. Tinatamad akong gumala at maglaro. Ang plano ko kasi ngayon ay magbasa at manood lang sa kwarto ko. Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Suot ko pa din ang polo ko pero inalis ko na ang sapatos ko at agad kinuha ang libro kong binabasa sa tuwing umuuwi ako. Agad akong lumundag sa kama at hinanap ang huling kabanatang nabasa ko nang biglang bumukas ang pinto. "So you're already here my dear son, Adryan." Si Mama. Hindi ko na lang siya pinansin at agad kong inilibot ang mata ko sa librong hawak ko. "Don't you dare to ignore me, Ady. Bumangon ka dyaan at may pupuntahan tayo." Ma-konyo niyang sabi na agad kong sinumbatan. "Ayaw ko. At ma, ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong tawaging Ady." Nakakadiri kasing pakinggan... kung ano-ano na lang tinatawag niya sa akin. "Anong hindi?... lumabas ka nga din minsan sa kwarto mo! Tumayo ka na diyaan at may importante tayong pupuntahan. Mag-ayos ka. Wear a formal clothes, sweetie." Bumuntong-hininga ako at isinara ang libro. Tinignan ko si Mama ng kunot-noo. "NO." Madiin kong sabi at muling binuklat ang libro upang basahin. Heto na naman si Mama. Tiyak na dadalo na naman siya sa mga sosyal na okasyon. Ayaw ko ng pumunta dahil na-trauma na ako last time. Muntik na niya akong naibugaw sa anak ng friend niya. Ito ang side ni Mama na ayaw ko. I'm just only 12 years old at hinahanapan na niya ako ng mapapangasawa? That's ridiculous... Kung may sasabihin pa si Mama ay akin na lang di papansinin. Hindi ako lalabas ng kwarto ko, tatapusin ko din mga assignments ko mamaya. Kahit weekend bukas ay gagawin ko na ng maaga para mailaan ang oras ko sa pagbabasa ng libro. "Please, sweetie. Birthday kasi ni Tita mo Verose ngayon and I promised her na pupunta tayo." Tita Verose? Akala ko ba nasa London siya kasama ang asawa niya? So umuwi na pala sila dito sa Pinas at nagcelebrate ng birthday niya. "Cool. Congrats. Wish for the best birthday day. Pasabi na lang..." Malamig na sabi ko nang hindi man lang inaalis ang mata ko sa aking binabasa. "Fine. Ipapakilala pa naman ni Verose yung anak niya sa birthday niya..." Pagpaparinig ni Mama. Bumuntong-hininga ako. "Sino? Yung bunso nilang si Cristale? Binugaw mo na po ako doon, remember? Nagsuccess ka ba, Ma?..." Narinig kong humagikgik si Mama sa sinabi ko. "Oh did I forgot to tell you na may isa pa silang anak? Sabihin na nating adopted child nila Verose..." Adopted man o hindi wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay matahimik si Mama sa kagusutuhan niyang ibugaw ako. "Ano na ba name niya?... hmm..." Sambit pa ni Mama kaya naman napailing-iling ako. "Nakalimutan ko na yung name niya. Kanina ko lang kasi siya nameet..." Isa din ito sa useless part ni Mama. Madali siyang makalimot ng pangalan. Kailan kaya niya ako lulubayan? Gusto ko ng magfocus sa binabasa ko... "Whatever." Narinig ko na lang na bumuntong-hininga si Mama. Finally at tinantanan niya na ako. Narinig ko na lang siyang naglakad papuntang pinto kaya nasundan ko na lang siya ng tingin sa kanyang likuran. Ngingisi na sana ako ng bigla siyang huminto mismo sa may hamba ng pinto. "Oh yeah, I forgot her name but I can't forget the pair of her mesmerizing crystal blue eyes." Sabi niya dahilan para manlaki ang mata ko sabay ng pagbalingkwas ko paupo sa kama. "Are you talking about... C-Cahliee?..." Di makapaniwalang bulalas ko na ikinalingon sa akin ni Mama. "Yes! Her name—wait a second. How did you know her name?..." Biglang napakunot-noo si Mama sa akin. Tama nga ako na si Cahliee yung tinutukoy ni Mama. Pero paanong nangyari yun? Bakit naging adopted child nila Tita Verose si Cahliee?... Cahliee Aristia. An enigmatic schoolmate of mine. A transfer student. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko iiinvolve ang sarili ko sa kanya, but how come our world is so small?... August 21st. It's already 7 years na ang nakakaraan nang makilala ko si Cahliee Aristia Arbelaez. Ang adopted child nila Tita Verose at Tito Lauro. Naging classmate ko since grade 6 hanggang grade 9. Naging close kami ni Cahliee noon kahit na pinangako ko sa sarili ko na hindi ko iiinvolve ang sarili ko sa kanya, yet we became friends. I'm also her guardian too noong panahon na bumalik sila Tita Verose sa London dahil sa work. Dahilan na din ito kanila Mama at Tita Verose kung bakit naging close di kami ni Cahliee. Matagal na nga ang nakakaraan pero presko pa din sa alaala ko ang unang araw kung kailan ko siya nakilala. Hindi ko alam kung bakit ko siya naalala ngayon, siguro dahil ngayon yung araw kung kailan kaarawan ni Tita Verose. Sa madaling salita, August 21 ngayon. Same day kung kailan ko nakilala si Cahliee. Sa huli ay sumama din ako kay Mama na pumunta sa bahay nila Tita Verose. Alam kong nagtataka siya sa biglaan kong pagsama. Hindi lang siya ang naguguluhan kundi ako din. Gusto ko kasi makita kung totoo nga ang sinasabi ni Mama. Maraming tao sa bahay nila Tita Verose. At halos ng mga tao ngayon dito ay kapwa mga co-workers at friends nila. Sinalubong kami ni Tita Verose nang makita niya kami ni Mama na pumasok mula sa gate nila. Agad niyang sinunggaban ng yakap si Mama at nakipag-beso. Saka naman siya tumingin sa akin at balak sana akong halikan sa pisngi kaya naman tinaas ko ang kanan kong kamay at nagpeace-sign kay Tita. Natawa na lang si Tita dahil nagets niya ang ibig kong ipahiwatig. Ayaw ko makipag beso o makipagyakapan kung kanino man kaya pinapakitaan ko ng peace sign para naman hindi nila maramdaman ang pagkaoffend. Alam nila Tita at ni Mama na hindi ako touchy na tao. "Happy Birthday, Ver." Bati ni Mama saka niya inabot ang gift niyang nakatago sa sling bag na suot niya. Napakamot na lang ako sa pisngi nang makadama ako ng hiya. Tae, nakalimutan ko magdala ng gift para kay Tita. Naguusap sila Mama at Tita Verose sa kung ano-ano mang bagay na hindi ko maintindihan pero alam kong tungkol sa business ang kanilang topic. Hindi ko na lang sila pinakinggan at aking hinagip ng tingin ang paligid ko. Napapalinga at nagbabakasakali na makita ko siya. "By the way. Pwede bang pumasok tayo sa loob ng house?..." Biglang sabi ni Tita Verose na agad kong ikinatingin sa kanya. Nabigla ako nang makitang nakatingin din siya sa akin at nginitian ako ng makahulugan. "May gusto lang akong ipakilala sa inyo..." Dagdag pa ni Tita na agad ikinapayag ni Mama. Agad ng naunang naglakad si Tita Verose at excited naman si Mama na sumunod. Nakunot-noo na lamang ako at sumunod sa kanilang dalawa. Nang makarating kami sa sala ng kanilang mansyon ay walang katao-tao bukod sa mga maid na naghahatid ng mga pagkain at nagaayos ng event sa labas. Mukhang sa labas lang ng bahay ni Tita Verose ang mga bisita. Ang iba daw ay nasa Garden at backyard. Niyakag kami ni Tita Verose na umupo sa kanilang sala kaya naman hinila ako ni Mama at umupo sa sopa. Dumating ang ibang maids para maglatag ng handa ni Tita sa center table. Nagmukha tuloy kaming V.I.P. Habang nagkekwentuhan si Tita at Mama... "Miss! Sandali lang yung sapatos mo!" Bulalas ng isang maid mula sa ikalawang palapag ng mansyon ni Tita. Kasabay nun ay may isang batang babae na agad-agad bumababa sa stair case. Hawak-hawak nya ang dulo ng balloon gown niya habang bumaba sa hagdan. Ang mas nagbibigay pansin sa amin ay wala siyang suot na anumang saplot sa kaniyang paa. "Mother..." ani nito nang makababa siya sa hagdan at huminto sa paglalakad. Tumingin siya sa amin at nagitla ako nang muling magtama ang aming paningin. Muli ko na namang nakita ang pares niyang asul na mga mata. "Cahliee, my little Princess." Masayang sabi ni Tita Verose saka niya nilapitan si Cahliee. Napatayo din kami ni Mama at medyo nakadama ako bigla ng hiya. This is unusual, ngayon lang ako kinabahan ng ganito... "Cahliee, do you still remember Tita Luisa? You already met her, haven't you?..." Malambing na tanong ni Tita Verose kay Cahliee. Tumingin siya kay Mama saka tumango. "Yes..." Saka siya nagbow kay Mama na parang ginagawa ng mga prinsesa sa palasyo. Yung hahawak pa sila sa gown nila bago magbow, ganun ang ginawa niya. Kita ko naman si Mama kung paano siya kiligin sa harap ni Cahliee. Nakakahiya talaga 'tong si Mama. "She's so cute!" Madiin na sabi ni Mama sa lubos na tuwa niya kay Cahliee. Siniko-siko pa ako na parang tropa niya lang ako. Nakalimutan niya yatang anak niya ako. Umiling na lamang ako at muli akong napatingin kay Cahliee, ngunit mas lalo akong nabigla nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Letse! Ba't biglang uminit pisngi ko? Ba't parang uminit?... Ang yaman nila Tita Verose pero hindi afford magpa-aircon dito sa sala. "That boy is your Tita Luisa's son. Would you mind to introduce yourself to my daughter, Adryan?" Sabi ni Tita Verose kaya naman napatingin ako sa kanya at kita ko ang maginoo niyang ngiti bago ako bumalin kay Cahliee. Napalunok-laway ako. Para bang may holen ang siyang bumara sa lalamunan ko at pinagkakaitan akong magsalita. Normal lang naman magpakilala at saka alam kong hindi naman niya ako naalala kanina... na magkaklase kaming dalawa. Magsasalita na sana ako upang magpakilala nang... "Cat..." Sambit ni Cahliee. "Cat?..." Sabay-sabay naming turan nila Mama na ikinatango-tango niya sabay duro sa akin na siyang ikinabigla ko. "You... a cat from earlier. Hmm... classmate." Ani niya na medyo hindi ko magets. Nabigla ako na naalala niya pala ako at alam niyang magkaklase kami. Pero hindi ko gets yung pusa? Sinong pusa? Ako? Pusa?... At bakit ganyan siya magsalita? Utal-utal na parang robot?... "Sorry about that. What my daughter wants to tell is that she knows you, Adryan. What a coincidence for both of you to be a classmates." Nangingintab sa matang ani ni Tita Verose. Hindi naman siya siguro sobrang saya nyan?... "Right, right?... ho ho ho." Isa din 'tong si Mama eh. Alam ko na ang balak niya at hindi ako papatol sa iniisip niya. "Pero bakit siya ganiyan magsalita, Tita?..." Malamig na sabi ko na ikinabagsak sa magandang mood ng dalawa. "Adryan." Sita ni Mama. Kumibit-balikat ako. "Nagtatanong lang naman ako eh." Saka ako pasimpleng ngumisi sa kanya na ikinabusangot niya. Kung may plano ka Mama, panigurado akong hindi ka magtatagumpay. "Inampon namin si Cahliee during business trip namin sa London..." Ani ni Tita Verose na ikinalingon namin ni Mama sa kanya. "Hindi namin alam ang origin niya. Sa simbahan siya lumaki at mismong mga pari at madre na ang nagsabi na hindi nila alam kung saan nanggaling si Cahliee. Dumating na lang siya at iniwan sa labas ng simbahan at the age of 6..." Sambit pa ni Tita na ikinatikom ko. Napawi ang ngisi ko at medyo nakaramdam ako ng simpatya. Gusto ko lang naman alamin kung bakit ganyan siya magsalita at sirain yung mood ni Mama. Bakit parang kasalanan ko pa?... "Dahil iniwan siya sa simbahan at sandaling naalagaan, hindi din gaano nasuportahan ang edukasyon niya kaya maraming bagay siyang hindi alam at isa na doon ang tamang paraan sa pakikipag-usap. Bagong challenge ito sa life niya simula ng ampunin namin siya last year kaya inaadapt niya pa ang sarili niya sa kapaligiran niya." Napatingin ako kay Cahliee at bakas sa mukha niya ang pagkalito sa pinaguusapan namin. Clueless siya sa pinaguusapan namin. Tch. Nagi-guilty tuloy ako. Kasalanan kasi 'to ni Mama. Kung ano-ano kasi iniisip niya... gusto ko lang naman sirain yung mood niya eh. "S-sorry..." Labag sa loob at mahina kong sabi. "Ano yun anak? Tama ba narinig ko?..." Biglang sabi ni Mama at mukhang siya din ay nabigla sa sinabi ko. Hindi ko naman kasi ugali magsorry, pero kasi... sa katayuan ni Cahliee... ewan ko ba! Basta ewan! Parang ako tuloy yung may mali. Hindi ko naman kasi intensyon na tanungin si Tita Verose ng ganun eh... ish! "Wala!" Singhap ko saka ko ulit tinignan si Cahliee. Nakatingin parin siya sa akin at diretso lang... Yung mala-crystal niyang asul na mga mata... ang hirap iwasan. Hindi ko ipagkakait na maganda talaga. Urgh! Ano ba ang iniisip ko! Gusto ko ng umuwi. Bahala na! Lumapit ako sa kanya saka ko inabot ang kanan kong kamay. Siguro ang pagpapakilala ko na lang ang aayos sa maling nasabi ko kanina... "I'm Adryan Than. N-nice to meet you..." Humina yung boses sa huling salitang sinambit ko. Nahiya ako bigla sa titig niya. Hindi ba siya aware na nakakauncomfortable talaga kapag tumititg ka sa tao lalo na kapag diretso sa mata?... "Cat..." Ani niya na ikinakunot-noo ko. Na naman? Pusa?... "Why cat?..." Tanong ni Tita Verose kay Cahliee. Cat? Huh?... Mukha ba akong pusa? O nakakairita ako tulad ng pusa?... tch. "I like cats... he look like a cat." Eh?... Ano daw?... She likes cat?... Yung cat ba?... Bakit biglang lumukso yung puso ko? Pusa naman ang tinutukoy niya, hindi ako. Teka! Inaasahan ko ba na yun ang ibig niyang sabihin?! "Adryan, anak. Ba't ka namumula diyaan?..." Urgh! "Ang pangit mo talaga, Ma!" "Luh, ba't parang kasalanan ko pa?..." Presko parin sa isip ko kung paano ako nagwalk out that time at kung gaano ako inaasar ni Mama sa naging reaksyon ko towards Cahliee. Maski ako hindi ko din maintindihan sa sarili ko kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon ko. All this years... napapaisip ako kung ano nga ba si Cahliee sa akin. Pero isa lang ang nakakasiguro. Importante siya sa akin, but I don't see any romantic feelings towards her. Basta ang alam ko lang... never ko naramdaman 'yon sa kanya. She's important like a family, para ko na din siyang isang kapatid. A little sister. But everything has change after that incident 4 years ago. Hindi ko alam kung sino sa amin ang may mali o kung ako ba ang may nagawang mali?... All I know is that I treated her like a family... pero siya?... "She's obsessed with you! Nagawa niyang saktan si Daphne because she likes you! She's a f*****g sick, Yan. Wake up!" It's already 4 years since she left matapos ang isa pang insidente na lubos nagpabago sa pagtingin ko kay Cahliee. "Cahliee! Stop! Cahliee!" Parang isang bangungot kong maituturing iyon. Malinaw pa sa akin ang hitsura niya that time na may bahid ng dugo. Wala akong nagawa that time at sa huli ay nagbulag-bulagan ako sa katotohanan. Walang nakakamit ng hustisya ng dahil sa akin. Trinaydor ko ang bestfriend ko at pinagkait ang hustisyang nararapat para sa kanya. Everyone is right. Cahliee is a sick person. "Mr. Adryan... nandito na po ang iyong mga magulang..." Nawala ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan nang biglang dumating dito sa sala ang head butler na si Francies. Napatingin ako sa kanya at napabuntong-hininga. "Kasama ba siya?..." Malamig na tanong ko na marahan niyang ikinatango. "Opo. Kasama siya nila Madam Luisa at ni Sir Vladimir." I see. Mukhang sinama nga talaga siya nila Mama na umuwi dito. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko pero ng malaman kong kasama siya... halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Parang gusto kong tumakas... makawala sa presensya niya. Sa totoo lang ayaw ko siyang makita... Nadidiri ako. Nadidiri ako sa kanya lalo na sa sarili ko... "Siguraduhin niyong nakaprepare na ng tama ang mga pinahain ko..." Sabi ko kay Francies na ikinatango niya bago niya ipinaumanhin ang pagalis niya sa sala. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang bumalik ulit ang kinakatakutan ko... Ang pagbabalik ng isang Cahliee Aristia Arbelaez... My worst nightmare.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD