Chapter 22

989 Words

Hindi ko pa rin kinakausap si Britt nitong mga nakaraang araw. Wala man lang text o tawag. Tahimik lang ang lahat sa pagitan namin. Ganun din kay Ralphael—hindi rin siya nagsasalita. Pero lagi siyang nandoon. Lagi siyang nanonood habang naglilinis ako ng bahay, hindi inaalis ang tingin niya sa akin kahit sandali. Hindi ko alam kung anong iniisip niya kapag ginagawa niya 'yon. Tahimik lang siya, pero ramdam mo. Kahit nasa kabilang bahagi siya ng sala at ako naman ay nag-aayos ng mga gamit sa estante, mararamdaman ko talaga ang presensya niya. Para bang sinusuri niya ako, o pinagmamasdan nang mabuti, gaya ng isang taong nagtatangkang maintindihan ang isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Hindi niya ako kinakausap. Hindi niya ako hinahawakan. Pero sa totoo lang, mas nakakatakot 'yon kaysa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD