"Calista, I need you to take off my clothes," he said—at mahina lang ang boses niya pero sapat na para pasudlan ako ng kilabot. May tono itong utos, pero may halong init. Isa ‘yong boses na hindi mo basta mababalewala. Napatingin ako sa kanya. Tahimik lang ako habang nagtatama ang mga mata namin. Ilang segundo pa bago ako tumayo mula sa kama at lumapit sa kanya, ang mga hakbang ko ay mabagal pero sigurado. Huminga ako nang malalim, saka ko inabot ang kanyang tie. Dahan-dahan ko itong hinila pababa para paluwagin. Hindi ko binawi ang tingin ko sa kanya. Gusto kong ipakitang hindi ako natitinag, kahit sa loob-loob ko ay may kung anong kumikirot at kumikiskis na tensyon sa katawan ko. Nang lumuwag na ito, bigla niyang inangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako sa refl

