Kumatok ako sa pintuan ni Britt, hawak-hawak ang kaba at bigat ng konsensya sa dibdib ko. Alam kong kailangan ko na siyang kausapin tungkol sa sitwasyon ko—ang totoo sa likod ng relasyon ko kay Ralphael, ang kontratang pinasok ko alang-alang kay Mama Almanza. Hindi ito madali. Hindi ito isang bagay na pwedeng palampasin lang. Pero wala na akong ibang choice noon. Ginawa ko ‘yon dahil kailangan. Para sa kaligtasan ng taong pinakamahalaga sa akin. At kahit alam kong masakit ang katotohanan, kahit mukhang kasalanan sa paningin ng iba, hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Dahil ito ay para sa mabuting dahilan. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Britt—nakashort lang at walang suot na pang-itaas. Basa pa ng pawis ang katawan niya, halatang galing sa workout. Magulo ang buhok at tila gu

