“Try on all of them,” sabi ni Raphael habang nakaupo sa isang couch sa loob ng private changing room ng boutique. Relaxed ang postura niya, pero yung mga mata niya? Para bang hinihubaran na niya ako gamit lang ‘yon. Tumango lang ako at pumasok sa fitting room dala-dala yung mga pinili kong damit. High-end lahat—mamahalin ang tela, halatang hindi basta-basta. Pinakauna kong sinukat ay isang black knee-length dress na may isang strap lang sa balikat, tapos may silver belt sa baywang. Pagharap ko sa salamin, nakita ko kung paano niya niyakap yung kurba ng katawan ko. Tumalikod ako ng kaunti para i-check ang likod. Damn. Paglabas ko, diretso ang tingin niya sa akin. Hindi siya nagsalita agad pero halatang may gusto siyang sabihin. Nakakunot ang kilay niya saglit tapos ngumiti nang kaunti, sa

